HALA NAHULOG

1.2K 10 1
                                    

HALA NAHULOG

"Kakatapos lang ng klase ko nun and magkikita kami ng frenan ko na tawagin nating si Toto. Habang palabas ako ng NRH nakasalubong ko yung isa kong frenan na tawagin nating si Buratchi. Nagpasama ako sa kanya na intayin muna si toto kasi di pa naman start ng class nya. Umupo kami dun sa may semento na bench sa gilid ng SB, yung malapit sa tayuman. (di ko alam tawag dun hehe)

After ilang minutes nakita ko na naglalakad si toto papunta samin, so tumayo na ako and nagpapaalam na. Si buratchi na naka-indian sit, patayo na din. Lumingon ako kay toto para tignan kung malapit na siya kaso pag-lingon ko ulit kay buratchi, nalalaglag na siya! Kasama yung upuan na semento!!! T*ngna semento yun!! Ganun ka ba kabigat?! HAHAHA! Na-shock ako! Di ko siya matulungan kasi busy ako magpigil ng tawa, kasi kitang kita ko yung nangyari. HD pa!! Pinipigilan ko talaga tumawa kasi feeling ko nasaktan talaga siya. Nakatulala lang siya, di pa ata nagsink-in sa kanya na nahulog siya. Pinipilit ko mag-isip ng iba kasi parang ang sama ko naman kapag tumawa ako. Mukha na nga akong constipated kaka-pigil sa tawa ko kaso may dumating na isang jammas at guard para tumulong tapos sabi ni guard: ""Sir. Gusto mo ng wheelchair?"" Ayun na wala na! Tumawa na ako ako ng tumawa! Dumagdag pa si toto. Pagkalapit nya kay buratchi sabi nya: ""Hala! Okay ka lang? Obviously hindi ka okay. Kaya pala nagulat ako kasi kanina nakikita pa kita nakaupo tapos bigla kang nawala! Nagtaka pa ako kung saan ka napunta, yun pala nasa sahig ka na!!"" natawa si buratchi. Ibinalik lang yung upuan sa pwesto tapos umalis na yung guard at jammas tapos siya nasa sahig padin, nakaupo. Ako tawa pa din ng tawa. Nakakahiya kasi ang lakas na talaga ng tawa ko tsaka tunog pang malaking mama na siya. Ang sakit na din ng tiyan ko pero di padin ako matigil. Hindi ko kasi inakala na mangyayari yun. Si buratchi napa ""T*ngina ka hihikain ka nang h*yup ka kakatawa imbes na tulungan ako! Ang sakit, g*go"" -na lang tapos natawa na lang din sa nangyare sa kanya. Pagtapos tumayo na siya kasi may quiz pa daw siya. Inalalayan namin siya saglit tapos sabi nya okay na daw siya. Wala naman nabali sa kanya. Nagulat lang din siya sa nangyare. Sira ata talaga yung upuan na yun. Sana naayos na yun para wala na mabiktima.

Sorry buratchi! Hindi kita natulungan! I tried my best din talaga na pigilan yung tawa ko kaso alam mo naman na hindi talaga ako maasahan sa mga ganun na pangyayari, mauuna at mauuna talaga ang tawa. Ganyan talaga pag nahulog diba? Masakit lalo na pag sahig ang sasalo sayo. Sanay ka naman masaktan eh, sagarin na natin. HAHAHA EME! Labyu Odo! Ooops! 😂😂"

RGS
2016
ITHM
FEU Manila

The FEU's Secret Files 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon