NEVER EVER TRUST A STRANGER

1.5K 16 0
                                    

NEVER EVER TRUST A STRANGER

Mga 9:30 na ng gabi yun, 9 kasi ang dismissal ng last subject ko wala na masyadong tao sa kalye. Habang naghihintay ako ng masasakyan pauwi sa Espanya, may babaeng buntis na lumapit sakin at sinabing tulungan ko raw siyang umuwi dahil masakit ang tyan niya. Nung una, hesitant pa ako, I don't trust strangers easily kasi. Pero mukhang sakit na sakit siya sa tyan niya at hirap na hirap and the fact na babae pa siya so medyo nakampante ako na wala siyang gagawing masama kaya sinunod ko ang pagiging gentleman ko.

Sinampa ko yung kamay niya sa balikat ko at nagpahatid siya sa may bandang University of Manila. May mga bahay bahay dun. Medyo malayo layo narin ang nalalakad namin kaya tinanong ko siya.

Ako: Ate malayo pa ba? Gagabihin kasi ako ng uwi eh.
Siya: Oo malapit na.

Maya maya nasa isang eskinitang madilim na kami. Bigla nalang bumitaw yung buntis at may sumugod saking dalawang lalake. Bumulong pa ng "pasensya na boy, kailangan lang" tapos tinutukan ako ng kutsilyo sa leeg. Pinilit kunin yung bag ko, cellphone at wallet sa bulsa ko at pag tapos kunin, binalaan pa ako na wag magsusumbong dahil babalikan nila ako then nag takbuhan na sila kasama yung babae na parang kanina lang hindi makalakad pero nakakalakad na ng mabilis.

Hindi na ako nag sumbong sa brgy hassle lang at mas lalo akong gagabihin ng uwi. Ayoko rin balikan pa ako. Lesson learned nalang. Wag magtitiwala talaga basta basta sa hindi kakilala.

PS: Nabalitaan ko rin na gumagala lang sa Espanya, recto at morayta yung buntis na yun pati mga kasama niya. Sa morayta madalas daw sila dun sa Mcdo gate 3. Modus nila, manggigitgit sa maraming tao tapos nanakawan kana sa backpack mo. Wag maglalagay ng pera at cellphone sa backpack at kung ilalagay sa bulsa, palagi niyong i-check o hahawakan kapag nasa maraming tao kayo.

my name is jeff
2013
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila

The FEU's Secret Files 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon