Chapter 5 over here OuO
Fighting,and enjoy,nae? :*
______________________
Snow Bi's POV/POV mo.
Simula ngayon,offically. Kami na ni Lulu. Kami na talaga,pano na si kuya Yeol? Pano ko masasabi? Pano 'to? Pano kung magalit siya't hindi kami payagan ni Lulu. Pano kung mag-away lang kami? O'kaya nila ni Lulu. Ayoko namang mangyari yun.
Mahal ko si Luhan,pero mahal ko rin si Kuya. Hindi ko naman yata kaylngang pumili diba? Eh. Kinakabahan ako. Bestfriends sila ni Kuya. Noon pa. Sinama lang naman ako kila kuya dahil sa namatay sila mama at papa,walang mag-aalaga sakin.
Kaya nga kinuha na ko ni Kuya't sinama na dito sa Seoul.
Pano kung magka-galit talaga sila? Eh pano yung nararamdaman ko kay Luhan? Nararamdaman namin sa isa't isa? Pano na?
Pano kung ipatigil ako ni Kuya na makipag kita? O itigil ni kuya ang pagsa-sama? O ang relasyon namin?
"Princess? Ayus 'ka lang?" Tanong ni Lulu,habang magkahawak kamay kami pauwi na ng bahay. Tumango ako. Hindi ko alam sasabihin ko kay kuya. Kaya bawat hakbang sinisigurado kong matatagalan.
Pumunta si Luhan sa harapan ko't tumitig sa mata ko.
Kitang kitang sa mata ni Luhan na masaya siyang naging kami,sobra. Siguro? Sana.
Kitang kita sa mga mata niya ang pagiging ma-respeto niyang ugali. Ma-respetong tao sa isang girlfriend niya.
"Tell me" Sabi nito habang nakangiti. Napa-buntong hininga ako bago ko masabi ang lahat. "Pano na si kuya Yeol? Pano kung magalit siya satin? Pano kung ano,kung..ipaghiwalay niya tayong dalawa?" Tanong 'ko rito,napatawa na lang si Luhan. "Boto sakin kuya mo,Snow. Mahal kita,mahal mo naman ako diba? Edi. Ipaglaban natin ang isa't isa" Sabi nito.
It looks like everything was fine and will be fine.
Like everything is just so easy. EASY FOR HIM TO SAY.
"Lu,alam mong mahal kita. Pero,pano kung awayin ka ni kuya. Lu,Kahit mahal kita. Ayoko paring nakikita ang kuya kong nagagalit,nasasaktan dahil lang sakin. Ayokong mangyari yun" Sabi ko na naman kay Luhan. Hinimas himas niya ang dalawang pisngi ko.
"Wag ka na mag-isip ng ganyan. Fight for love nga diba? Hindi mo ba kaya? Hindi m ba 'ko love?" Tanong nito habang naka-nguso. Napatawa naman ako kahit papaano.
"Boto man siya sayo,eh pano kung ayaw niya namang maging tayo? Pwede naman yun eh. Malay mo boto siya maging tayo,pero hindi pa ngayon" sabi ko naman kay Luhan.
Hinalikan nito ang mga kamay ko.
"Kahit anong mangyari? Ganun rin naman. Magiging akin ka lang rin naman eh. Magiging tayo rin naman. Tatanda ka rin. Mamahalin parin kita. Tumanda man ako. Mahal parin kita. Kahit anong magawa ng kuya mo. Wala yun magagawa sa nararamdaman ko para sayo" Sabi nito habang nakangiti.
Kaya mahal na mahal ko to.
"Ang tanda mo kasi" Sabi ko. Tinitigan ako nito ng masama't ginulo ang buhok ko. "Ikaw nga eh,ang baby baby mo" Sabi ni Luhan. "So? Ikaw nga ang gurang na tapos nagpapa-baby pa" Sabi ko habang tumatawa. "Baby mo naman" Sabi ni Luhan. "Weh. Ang corny mo" Sabi ko,tumawa naman siya.
Masaya pala kapag kayo na ng matagal mong pinaghahangaan no?
Pagtapos ng ilang minuto paunti-unti. Palapit kami ng palapit sa bahay.