Chapter 2

32 3 0
                                    

Karen's pov

"Karen gising na! Nandito na si Clyde!" Sigaw ni Mama.

"5 minutes pa!" Sigaw ko rin.

Narinig kong bumukas ang pintuan pero nakapikit parin ako. Ewan ko ba pero parang ayaw ako pakawalan ng malambot kong kama. Wah kada umaga nalang ganto ang feeling ko. Ang sarap talagang mat---

"Wahhhhh mama naman eh huhuhu kainis!" Sigaw ko . Ikaw kayang buhusan ng malamig ng tubig as in malamig talaga di ka kaya gumising. Sabi nga nila asarin mo na ang lasing wag lang ang bagong gising.

"Sige ganito lang pala ang gusto mo para gumising eh . Sige pagbibigyan kitang bata ka. Aaraw-arawin ko nato para matuto ka!" Bulyaw ni Mama.

"Araw arawin di nga?wag mo akong pinagloloko mama ha?FYI, aalis ka na po kaya papuntang Cebu bukas? Araw arawin pal---- arayyy huhuhu sige na mama araw-arawin mo na kahit na nasa cebu ka kung gusto mo pa mama ako na ang bubuhos ng malamig na tubig sa mukha ko huhuhu ." Ikaw kayang pingotin . Mashaket yown!

"Hahahahaha!" Tawa nilang dawalang lalaking ng iinis rin sakin tuwing umaga. Sino pa ba edi ang magaling kong kuya at boyfriend!

"Tse. Layas sa kwarto!" Sigaw ko sa kanilang lahat.

"Sige na Bryan at Clyde sa baba na tayo." Pagyaya ni Mama.

Dali dali naman ako naligo. Baka kasi sabihin nila na ang bagal ko kumilos. Eh sa di naman yun totoo eh. Tingnan mo nga na tapos na akong maligo for 30 mins. Tsk. Tsk. Di ata sila marunong magbilang ng oras.

"Oh sa wakas na tapos ka naring maligo." Sabi ni mama

"Hahaha di ka pa nasanay ma malamang nakatulog nanaman yan sa cr."pangaasar ni kuya Bryan.

"Hahaha oo nga ito talagang si tita eh. Pagbigyan mo na tita bukas wala ka ng iintindihin na makupad na anak. Hahahaha!"pangaasar rin ng magaling kong boyfriend.

"Aba't pinagtutulungan niyo pa ako ha! Kainis! Sige na ma bye una na ako! " inis na sigaw ko sakanila.

"Hindi ka ba kakain tingnan mo yang katawan mo parang makokonsensya ako pag umalis akong ganyan ka baka pagbalik isa kanang walis ting-ting ha!"syempre di mawawala sa pangaasar si mama.

"Tse. Sige na bye na mama."oo na kung napapansin niyo madali talaga akong mapikon lalo ng meron ako ngayon.

At dahil galit-galitan mode ako ngayon iniwan ko na si Clyde sa loob. Mukhang natutuwa siya kanila kuya eh.

"Oi hintay naman oh!" Nakahabol pala siya saakin.

"Oh bat ka nandito ang saya saya mo pa doon eh! Sana pala sila nalang ginerlfriend mo!" Diba pikon ako eh.

"Oi galit na sya nyan?"asking the obvious lang?

"Ay hindi ako galit ang sinasabi ko lang naman na doon kanalang kila mama at kuya. Saya mo dun eh!"baliwalang sagot ko habang naglalakad papuntang school.

"Pero mamamatay ako dun." Mamamatay?

"O.a. mo naman di kanila papatayin o sasaktan man lang kasi alam nilang ikaw ang happiness ko."nabigla ako sa sinabi ko. Galit-galit mode on ako pero bat ganun yung sagot ko. Pero infairness natigilan si Clyde dun malamang kinilig yun. Hahaha

"Pero mamatay talaga ako dun kasi nasayo ang puso ko."huwattt. Ako naman ngayon ang kinilig . Ano ba etech!

"W-wala sakin a-ang puso mo. D-di ko yun kai-kailangan meron a-ako!" Okay. I did my best not to shutter but i think my best was not enough.

"Ayiee kinikilig siya. Ayiee." Panunukso niya.

"Ako kikiligin? ASA !" Sabi ko tas humakbang ng mabilis hangang makarating ako sa school. Pumunta agad ako sa C.R

"Kinilig?ako?hindi no! Ah sige na nga kinilig na ako wahhh--ay tao!" Kita ng momoment pa ako dito sa C.R eh . Sumulpot agad tong kabute nato. Makulit na kabute.

"Yah! Tao to. Anong akala mo hayop tong mukhang to? No,No,No" Sabi ni Lyla. With a gesture pa siya niya sa no no no niya.

"Aish. Nagkamali lang. Hayop naman talaga ang sasabihin ko eh pero pagbigyan nalang. Hahahaha." Tinawanan ko nalang siya.

"Heh! Ay oo nga pala si Clyde?" Tanong niya.

"Ha? Ah baka nasa room na nila. Nauna kasi akong maglakad dun. Kung hindi malalate nanaman ako ng dahil sa kanya." Sabi ko while brushing my hair.

"Sus. Ewan ko sayo Karen. Tara na sa room." Sabi niya at nagtatalon palabas ng C.R. buti hindi siya na slide. Hahaha saka ako sumunod sakanya palabas.

Naglakad na kami papuntang room. And as usual sa likod kami umupo ni Lyla. Pero ngayon minizine daldalan na. Ayaw ko ng mapagalitan no. Lalo ng Graduating student ako.Kaya daldal lang ng daldal yung mga prof. na naglelecture saamin ng kung ano-ano.

"Ano tara na?" Tanong ni Lyla.

"Magpapaalam muna ako kay Clyde baka naman kasi maghintay pa yun saakin. Kawawa naman diba?tatawagan ko muna ha? " sabi ko kay Lyla.

"Sabi mo eh." Sabi nito sabay laro ng tablet niya.

Dialling Clyde.....

[Hello?]sagot sa kabilang linya.

[Hi Clyde! Pupunta ako ng Mall kaya wag mo na akong sunduin ha! Kasama ko naman si Lyla walang lalaki promise kaya wag kanang mag alala. Baka sunduin mo ako ha ikaw lang ang maghihintay ng matagal. Kaya wag na. Pupunta kami ng Mall pero wag kanang sumunod alam ko naman kasi na susunod ka. Wag kanang magalala ha?.]sagot ko sa kanbilang linya.

[Hindi naman talaga kita susunduin masama ang pakiramdam ko. Tatawag pa nga lang ako eh na wag kanang maghintay katulad ng ginawa mo kahapon eh pero naunahan mo lang ako.]eh?so feelingera pala ako. Pero iba yung boses nya. Tanga lang eh masama nga yung pakiramdam karen talaga.

[Osige bye I love you] paalam ko.

[I love you too.]

Call ended....

"Tara lets!" Sigaw niya na nakapagpukaw ng attention dito sa lobby.

"Wag ka ngang sumigaw." Inis na bulong ko sakanya .

"K fine." Sagot nito tapos baba na ng hagdan.

Sumakay lang kami ng Taxi papuntang Mall. Matagal tagal narin kami hindi nakapagbonding. Busy kasi masydo basta Graduating ka. Pero at least makakapagbonding na kami ngayon.

Una kaming naglaro sa time zone. Sunod kumain kami sa food court. Tapos ng window shopping saglit tas shopping na talaga . Hahahaha. Mga 5:00 pm rin ako naka uwi kasi 1:40 yung uwian ko kanina.

Humiga ako kama at tumingin sa kisame. Bat kaya feeling ko may mali? Yung parang may mali. Na parang alam mo may mali talaga sa mali na yun. Ganon! Magulo ba? Ewan ko nga rin kung anong pinagsasabi ko. Baka nahawa lang ako kay Lyla or kay Clyde . Hahahaha.


Speaking of Clyde. Ni hindi lamang nagtext o na nga musta kung naka uwi na ba ako ng maayos? Wala ba yung paki saakin? Or talagang masama ang pakiramdam niya at hindi makapagtype ng maayos. O kung hindi naman eh baka nakatulog lang. Or na lowbat tas nasira yung charger niya.


Ano batong pinagiisip ko! Kung ako nalang kaya ang tumawag? Tama tama *tango* *tango* pero hindi ba yung nakakabawas sa pagkababe ko? Wait anong connect? Eh tatawag lang naman ako or itetext siya diba? Tss.

"KAREN KAIN NA!" Sigaw ni mama sa baba. Hindi ko namalayang na 7:00 pm na pala sa rami ba naman ng iniisip ko.

"OPO!" Sigaw ko rin pabalik.

Pagkatapos kong kumain at naligo ay na tulog na ako at hindi ko muna inisip ang mga iniisip ko kanina kasi kung iisipin ko pa yun malamang hindi na ako makakatulog kakaisip.

First Love Never DiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon