Epilogue

23 2 0
                                    

Epilogue na pooo.  Finally!

Epilogue
First Love Never Dies

Ang akala ko lahat ng endings ay happy pero hindi naman pala. Akala ko lahat ng story masaya pero hindi naman pala. Akala ko lahat ng tao deserve maging masaya pero hindi naman pala. Sana lahat ng akala ko ay maging totoo nalang at sana lahat ng mga Sana ko ay matupad.

Dahil pagkamulat ko ng mga mata ko alam kong may mali na. Alam kong mahuhuli na ako. Alam kong... alam kong malapit na siyang mawala saakin.

"Karen! Karen! Gising!" Napamulat agad ako ng mata. Si Kuya lang naman pala.

"Kuya ano ba kung maka gising e. May sunog? May sunog?" pagmamaldita ko. Saka tumalikod sakanya para makatulog uli. Wala namang pasok ngayon e.

"Ano ba Karen si Clyde!" Napabangon ako. Si Clyde daw.

"Anong meron kay Clyde?!" Agad kong tanong.

"Nasa Ospital si Clyde! Bilisan mo at aalis na tayo!"

Ospital? Tama ba yung dinig ko? Napatulala nalang ako. Saka nag sink-in saakin yung sinabi niya sala mabilis na kumilos.

Nasa kotse palamang kami kinabahan na ako. Walang nagsasalita saamin.

"K-karen alam mo ba kung bakit nasa ospital ngayon si Clyde?" Tanging nasabi ni Kuya bryan kaya napatingin ako sakanya. I have a bad feeling.

"Hindi, bakit?" Kinakabahan kong tanong.

"Karen may sakit siya. Malala na." sagot niya. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa sinabi niya.

Hindi ako makapagsalita pero dahan dahang nababagsakan na ang mga traydor kong luha.

Ang daming tanong na pumapasok sa isip ko. Bakit siya pa? Anong naging kasalanan niya? Bat siya nag lihim saakin? Kaya ba niya pinaaga yung 5th anniversary namin dahil dito? Paano niya yun natago saakin?

Marami pa sana akong gustong itanong pero sa ngayon ang makita siya ang mahalaga saakin.

"H-hindi nakakatuwa y-yang bi-biro mo kuya." Pinipigilan kong humikbi.

"Brainstem G-glioma. Sakit sa utak na hindi na napigilan ng mga doctor. The tumor has spread too much to even consider performing surgery. H-his dying Karen, Clyde is dying."

Naguunahang tumulo ang mga luha ko. This is not true. Kahapon lang ang saya namin. Bakit ganito? Bakit siya pa?

Ito ba yung dahilan kung bakit niya pinaaga yung pagcecelebrate namin. Because he know already what will happen to him. Kaya ba minsan hindi niya ako nasusundo? kaya ba minsan nagiging makalimutin na siya? Kaya ba.... kaya ba lagi niyang pinaparamdam saakin na he loves me.. more than anything?

'His dying karen. Clyde is dying.'

'His dying.'

'Clyde is dying.'

Tumakbo ako pagkadating namin sa hospital. Sabi ni kuya room 88 raw.

Tumakbo ako like my life is depending on my speed and feet. Ayaw kong mahuli. I need him. I want him. I love him.

First Love Never DiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon