Chapter 4

21 2 0
                                    

Karen's pov

Nasa classroom na kami sinong magaakala na hindi nanaman ako nalate?

Lecture lang ng lecture lahat ng professor namin. Buti na nga lang yun eh kasi kung may ipapagawa pa sila I think I'll accomplish nothing. Laging lumilipad yung isip ko. Laging nakay Clyde yung isip ko.

Kamusta na kaya siya? Okay lang ba siya? Ano ng nangyari sakanya?bat hindi niya ako tinext?o tinawagan man lang? May ginawa ba akong mali?nasan na siya?pumasok ba siya ngayon?

Marami pa akong tanong pero alam ko naman walang makakasagot nun kundi siya lang.

"Tara na? Nasabi na ba ng kuya mo na magshoshopping tayo?" Tanong ni Lyla habang nagliligpit kami ng gamit namin.

"Oo nasabi na niya pero punta muna tayo sa room nila Clyde." Sabi ko kay Lyla.

"Wala naman yun dun." Napatingin ako sakanya.

"Bat mo alam?" Takang tanong ko.

"Ah eh hmmm kasi nag text siya saakin tama tama nagtext siya saakin." Tumango tango pa siya.

May number pala si Clyde ni Lyla? pero di yun ang nakakapagtaka. Ang mas nakakapagtaka is bat nagtext si Clyde kanila kuya at Lyla pero saakin hindi.

"Nagtext sayo?" Paninigurado ko.

"Oo nga ano tara na? Baka maubusan tayo ng jeep niyan." At nauna na siyang lumabas. Kibit balikat rin ako lumabas.

Magkaharap kami ni Lyla sa jeep sa gitna kami umupo punuan ngayon eh. Kumuha ako ng pambayad ko. Tiningnan ko si Lyla.

"Please?" Tss. Sabi ko na nga eh. So ayun ni libre ko siya ng pamasahe.

"MOA!" Sigaw niya pagkababa namin ng jeep. Hay sanay na akong pagtinginan lagi pag nandito or namamasyal kami.

"Tapos kanang sumigaw?" Tanong ko. Tumango siya at tumakbo patungo sa kung saan.

"Hoy!hintayin moko!" Sigaw ko. Tumakbo narin ako.

Nasa isang boutique na kami. Nilibot ko ang paningin ko sa loob. Mukhang mamahalin ata ang mga damit dito.

"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko. Tiningnan ko yung isang dress. Maganda siya. Kaso halos pumutok na yung mata ko sa gulat sa presyo.

"Magshoshopping duh?" Sabi niya sabay tingin sa mga dresses.

Tiningnan ko ulit yung presyo pero ganun parin. Tanga karen! Hindi nayan magbabago!

"Pero ang mahal ng mga damit dito!" Nagbibiro ba siya. Isang dress lang yun pero umabot ng 15,784 pesos!

"Pero mas mahal ka niya." Bulong nito. May nakawala pang isang butil na luha sa mata niya.

"Ano?" Di ko narinig masyadong mahina eh.

"Wala! Sabi ko pili ka lang! Ililibre kita ano kaba!" Bilang naging masaya yung mukha niya. Mood swings.

"Sure ka ililibre moko? Eh ako nga ang nagbayad ng pamasahe mo eh. Ako ba talaga Lyla pinagloloko mo? Nako ha." Umiling iling pa ako.

"Ililibre nga kita. Gusto mo ba o ayaw?" Aniya. Kumuha siya ng isang dress tapos pumunta sa fitting room.

"Ililibre naman raw eh." Kibit balikat rin ako pumasok sa loob ng fitting room. Sinukat ko yung dress na pagkamahal mahal. Bahala siya kung mamulubi sila. Siyang may sabi eh.

Saktong sakto saakin yung dress. Super ganda niya. Yung color is combination ng black and violet . Basta maganda siya.

"Ehem." Tumikhim ako pagkalabas ko sa fitting room nakita ko kasi si Lyla na tinuturo yung super ikli na pink dress.

"So?" I'm asking her if okay lang ba.

"Woah! Ganda!" Puri niya. Lumapit ako sakanya. Lumapit rin siya parang tingnan yung dress.

"Alam ko na yan. Matagal na akong maganda no." Biro ko.

"Ng dress." Sabi niya.

"Ng dress?" Takang tanong ko. Magulo kausap tong babae to ah.

"Sabi ko ganda ng DRESS. BURN!" Sigaw nito. Lahat ng costumer at sales lady dito sa boutique na to tumigil sa mga ginagawa nilang dahil sa pagsigaw ni Lyla.

" Tumahimik ka nga." Bulong ko. Nakakahiya talagang kasama to.

"Wow ha? Yung akin isang paper bag lang yung iyo.. uhmmm ilan ba yan 1,2,3... tatlo na paper bag? Ano bang meron? Huh?" Tanong ko.

"FYI po ha dalawa lang ang akin sayo to. Oh!" Ibinigay niya saakin ang isang paper bag. Isang black stilettos  ang laman nun.

"What the?!" Gulat na gulat ako dun.

"Bakit masyado bang mataas?" Kinuha niya sa kamay ko yung stilettos.

"Kung anong itnaas ng takong niyan ganon rin ang itinaas ng presyo!" Di parin talaga ako makapaniwala sa presyo nun!

"Ayyy yun ba? Tss. Syempre he-- ehem ehem I mean to say syempre I can afford that no!" Mayabang na sabi niya sabay balik saakin nung stilettos.

" Sige ikaw na! Tara kain na tayo ako naman ang manglilibre." Aba minsan lang ako manglibre mas madalang pa sa minsan. Once a blue moon nga kung baga.

"Di na ako aangal diyan! Tara sa Mcdo!" Mcdo?

"Aba himala at Mcdo yung gusto mong kainan natin ah." Nagsimula na kaming maglakad pero nagdadaldalan parin kami.

"Kesa makipagtalo ako sayo? E ang pagpilit palang nga sayo dati manglibre e hirap na hirap na ako tapos ipipilit ko nanaman sayo sa jollibee. Kaya ngayon sige, Mcdo nalang." Paliwanag nito. Buti naman kung ganun. Mahirap makipagtalo kay Lyla. Lalo na usapang pagkain at shopping.

Ako na ang pumila at siya naman ang naghanap ng upuan namin. punuan rin ngayon pero for sure may mahahanap pa naman yun. Saka mahaba pa ang pila e, may lima pang tao sa harap ko. Mahaba rin ang pila sa ibang counter kung tutuusin nga eh ito na ang pinaka maikling linya. Nasa dulo kasi ito hindi masyadong makita.

Nang ako na ang o-order. 2 chicken ala king,2 mcflurry at 2medium fries yung ino-rder ko. Yan naman lagi ang ino-order namin kapag dito kami kumakain, di rin naman kasi nakakasawa.

kumain lang kami pagkatapos eh umuwi na napagod rin kasi siya agad. Hyper eh.

Panandalian rin nawala sa isip ko si Clyde pero pagkahiga ko agad sa kama e, naala ko agad siya.

"Magbababad nalang ako sa bath tub!" naisip ko bigla. Yun lang naman ang makakapag relax saakin eh.


Mga isang Oras rin ako nandito saka palang naisipan magbanlaw. Pagkatapos kong magbihis

Dali-dali kong kinuha yung cellphone ko. May isang text. Wahhhh baka kay Clyde to.

Ino-open ko yung inbox ko.

From:Lyla♡

Karen∞∞ Punta ka ngayon sa Garden ng University please★ Kita kits nalang....~~~

Nanglumo ako sa nabasa ko. Hindi si Clyde? Hayss bat ganun? Ang lungkot.

Peri wait? Garden?ng University?pinapapunta ako ni Lyla dun? Eh anong gagawin ko dun?

~ten~tenen~tentenen~ten~tenen~tentenen~ten~ten---

May text. Baka si Clyde na toh!

From:Lyla♡

Note:please ware the dress and the stilettos we bought earlier.

Now this really confuse me.

First Love Never DiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon