Sabi nila, masakit mag-expect.
Naniniwala na talaga ako nang bonggang-bongga ngayon. Bumagsak ang mabigat na pagkadismaya sa akin nang makita ko si Tita Cathy sa living room, nakaupo sa sofa at as usual, she's in her simple but elegant fashion. Naka-red sundress siya na may laced strap tapos ay naka-lugay lang ito. Justifiable na naging title holder siya sa Cagayn de Oro noong teenager pa siya. Sinabayan niya pa ng six-inch heels. Jusko, nakakaya ko naman 'yan pero hindi daily basis.
Pero back to reality. Nakakadismaya talaga.
Ngunit sino bang inaasahan ko? Pumasok sa isip ko ang mga taong posible kong ineexpect. Pero nang mahagilap nito ang taong hindi ko pa handang makita ay sinabi kong baka iba lang 'tong naramdaman ko.
'Yes, definitely. Hindi ako nag-expect ng sino. Hindi ako nadidismayang si Tita Cathy ang nakikita ko.' I keep trying to feed my mind.
"Tita? Ano pong ginagawa niyo? Bakit po kayo napadalaw?" tanong ko sa kaniya, trying very hard na itago ang pagka-awkward ko na makita siya. It's my first time to see her again after...eight or nine or...twelve months? I don't know. But everything in this situation just screams awkward to me that it makes me anxious.
Ngumiti ito sa akin nang may lambing. A smile that I've seen before...but rarely. A smile that asks for a condition. Pinanliitan ko siya ng mata. "Don't look at me like that, Aleece."
Yeah, yeah, she calls me that and that and I can't do anything although I hate being called that. Nakaka-frustrate. Jovanna or Ja should be enough. Pero hindi ko kayang sabihin 'yon sa kaniya. At some point, I find her very respected.
"Anong look po ba?" Pinilit kong mag-smile nang hindi pilit, but it feels like my mouth's being ripped. At ang daling mapagod ng bunganga ko. Ganito talaga kapag pilit.
"You look...weirded out." She steps forward. Mags-step backward na sana ako pero naisip kong baka paghinalaan niya ako. Pero bakit nga ba ako kinakabahan? Tumigas ang buong katawan ko. Napipilitan lang akong mag-stay sa kinatatayuan ko.
"Nako naman po! Normal lang po 'to. Na-shock lang po yata talaga ako na sa sobrang tagal na 'di kayo bumibisita sa bahay ay, bigla-bigla ko po kayong makikita ngayon dito."
"Well, I'm the woman that breaks stereotypes. Don't be shocked at all, Aleece. I find you very uncomfortable right now so let's get this done and over with. I want you to do something. And it will truly serve me great help."
"Ano pong gusto niyong gawin ko?" Magkahalong kaba at excitement ang naramdamanko. Kaba dahil baka makakasama ko pa siya nang mas matagal at hindi ko alam kung paano ko pa siya pakikisamahan. Excitement dahil baka naman ang iuutos niya ay magreresulta ng pagkakalayo ko sa kaniya.
"Come with me." Sa pagkakasabi niya no'n nang may ngisi ay may naririnig akong witch sa utak ko na ginagawa ang kaniyang iconic na tawa na may kasabay pang kulog at kidlat.
Surprise, surprise! Get ready for a crazy journey you'd never want to get into, Jovanna! Napakagat nalang ako sa labi ko.
Nang nasa sasakyan na kami ay nakita ko si Beatrice—my younger sister—na may malawak na ngiti sa 'di kalayuan. "Good luck, Ate Ja!!!" sigaw nito. Ngayon alam ko na kung bakit excited siya. Sa akin nga lang, hindi ako excited sa nadiscover ko. Nine-nerbiyos pa ako.
Napaikot nalang ako ng mata.
*
Sa suot ko ngayon, siguro mas sasaya pa ako kung hinostage nalang ako. "Well, look at you. You are one hot girl in that all-black outfit, Aleece!"