I looked at myself on the mirror. White lang 'yong dress ko na above knee. Sobrang simple lang niya. As in white lang siya tapos dahil medyo makapal 'yong tela ay medyo nagballoon siya. I paired it with white stilettos. I just let my hair flow and applied a light make-up on. I grabbed my silver purse at saka ako bumaba.
Nang nakababa ako ay nakita kong naka-white coat na siya. Nakaupo siya sa sala with my younger sister Beatrice. Nagulat ako dahil parang magkaterno 'yong outfit namin.
May nalaman ako kahapon. Turns out na alam na pala ni Daddy at Mommy 'yong plano ni Tita Cathy before I knew it. Knowing na they're knowledgeable with our past, I was pretty stunned na hindi nila ako pinagbawalan. Anyway, I wanted this. Gusto ko lang ipamukha kay Adrian na hindi ako affected sa kaniya.
I was impulsive and childish when I accepted that. We both were. On my side though, may gusto lang akong i-prove dahil parang natapakan 'yong ego ko no'ng sinabi niyang affected ako sa kaniya. Pero two months lang naman. And it's not like tatantanan ako ni Tita Cathy. She's a very determined woman, what she wants, she gets. Full of drive si Tita Cathy kaya walang nakakatanggi sa kaniya. And I'm one of them. So parang doble rin 'yong reason ko to accept this.
And I know there's no turning back.
"Tara na," sabi ko sa kaniya nang makalapit na ako. I turned to Bea. "Okay lang ba outfit ko?" tanong ko sa kaniya sabay kindat.
"Oo naman! Kaso parang hindi fit. Masyado ka namang pa-demure sa soot mo. Eh hindi ka naman demure." She chuckled.
Inikutan ko siya ng mata. "Tse!" sigaw ko.
We were cut when he interrupted us. "Let's go," aniya."Wait! I almost forgot. Nasaan sina Mommy at Daddy?" tanong ko kay Bea. Since kasi dumating kami, hindi ko pa sila nakikita.
But instead of Bea, Adrian answered me. "Mom invited them. Kanina pa sila umalis. Pinauna ko na sila."
"Oh. Okay. Ako nalang pala ang wala. Sorry naman," sabi ko. Tumingin ako sa kaniya at nag-fake ng smile. "So, tara na?"
Tumango siya at saka nauna ng naglakad.
*
The venue was in one of our hotels. Hindi gaanong marami ang invited kaya hindi rin gaanong kalaki ang room. Sumisigaw ang kulay ng gold at black sa paligid. May stage sa harap at sa baba nito ay mga tables na iilan lang.
May mga bumabati sa amin na nakakasalubong at nags-smile lang ako sa kanila. Ilang sandali pa ay lumapit na sa amin si Tita Cathy. Naksuot siya ng floral dress. Ang end nito ay umaabot sa sahig at may print na floral. Sleeveless din ito kaya kitang kita ang firm pa rin niyang mga braso. All smiles ito at parang sobrang satisfied niya ngayon. Well, after all, she's a very determined woman, malamang makukuha niya lahat ng gusto niya."Son," aniya sabay beso kay Adrian. Bumaling siya sa'kin. "Well, I'm so delighted to see you Aleece. Very stunning."
"Thank you, Tita," natutuwa kong pasalamat sa kaniya. "You're stunning, too and looking so young as usual." Napailing ito.
"Sus, nambola ka pa. By the way, come on, join the table of the officers." And then she leads us. Nang napansin kong wala na sa tabi ko si Adrian ay napatingin ako sa likod ko. He was looking at his phone. Nagconcentrate nalang ako kay Tita Cathy.
Nang makarating kami sa table na, if I'm not mistaken, is the biggest in diameter ay tumigil si Tita Cathy. Medyo nag-stop muna ako sa likod niya. "Ladies and gentlemen, our ambassadors, Jovanna Aleece and Adrian Emmanuel," ngiting-ngiting aniya.