We never talked again after that. Not that I care, pero the last time I checked, nagpapansinan pa naman kami. Like, civil pa rin kami. Pero after that incident—as I prefer to call it—siya pa ang nag-iiwas sa'kin. You know, I've tried catching his eyes, I've tried talking to him...but I was like invisible.
And now, I'm going to keep my pride up. Wala akong pakialam if we'll not get along well the whole run of this two-month ambassador thing. Wala akong paki. I'm better than giving attention to his antics.
Nasa hotel kami ngayon, ito 'yong titirhan namin habang nandito kami sa first stop ng project. At the moment, kasama pa namin si Tita Cathy, but after this, uuwi na siya. At doon na rin siguro papasok 'yong pagiging ambassadors namin. Sabi niya, susulpot-sulpot nalang siya kung wala silang gagawin ng mga iba pang officers sa EthCare office.
I looked myself in the vanity mirror dito sa kuwarto. Iisa ang room namin, but it has three beds. I'm wearing a simple black jeans na kapit na kapit sa legs ko, white t-shirt na binigay Tita Cathy as our uniform na may kasamang baseball cap, tapos ay walker shoes na red. Simpleng ponytail lang ang ginawa ko sa buhok ko.
Everything fit perfectly well. Sabi ni Tita ay maloob-loob daw 'yong pupuntahan namin kaya mag-prepare ng mga damit pang-gabi at pang-umaga at baka gabihin kami roon kaya nagdala na ako ng back pack.
Napatigil lang ako nang nagbukas ang pinto at nakita ko si Tita Cathy na halos kapareho ko ng outfit. 'Yon nga lang ay iba 'yong shoes niya.
"Are you ready?" tanong niya sa'kin.
"Yup!" I answered excitedly at saka nginitian siya ng pagkalaki-laki.
"Si Adrian?"
"Nasa bathroom pa po," sagot ko ulit.
"Hintayin mo nalang. Mauuna na kami sa pasukan. Hinhintayin na kayo namin doon." Linabas niya ang isang susi. "Gamitin niyo na 'yong car ko at makikisabay na ako sa ibang officers. He knows where to go. Sabay-sabay naman tayong papasok doon sa pupuntahan."
"Sige po," sabi ko naman at saka lumapit para abutin 'yong susi na inaabot niya sa'kin.
"O, mag-ingat kayo and stay safe," aniya at saka agad ng lumabas.
I sighed. Bakit nga ba kasi ang tagal niya sa CR? Habang nakakunot ako ay umupo na lamang ako sa bed ko saka chineck ang phone. May texts doon si Bea at sina Mama at Papa. Nag-reply muna ako pero si Bea nalang ang nakipag-converse sa akin.
Until the bathroom opened. Finally.
Tumayo na ako at inayos ang sarili nang nakita kong 'yong ibabang parte niya lang ang tinakpan niya ng towel. He had all those drool-able muscles. The abs and the biceps. Tapos chiseled pa 'yong jaws niya. With those dark eyes, he could've made my toes a total piece of foam. But I knew him.
And he proved my view of him when he finally spoke. "Labas," he commanded in an authoritative voice. Mababa iyon at punong-puno ng kasiguraduhang mapapasunod niya ako.