ANA
Bago ipanganak ang tao, sila ay mga atoms lang na palutang-lutang sa kalawakan. At ang mga atoms na iyon ay nahati sa dalawa... dalawang tao na nakatadhana para sa isa't isa. Iyon ang dahilan kung bakit may mga pangalang nakaukit sa pulso ng mga tao.
Katulad ng iba, nakaukit din sa pulso ko ang pangalan ng soulmate ko. Hindi pa iyon nabubura dahil hindi ko pa siya nakikilala. At hindi tulad ng iba, hindi ako nag-aabala na hanapin siya. Kung nakatadhana man sa akin ang isang tao, hindi ko na siya kailangang hanapin, kusa siyang dadating. Siguro naman magkaiba kami ng kalagayan sa buhay, at hindi tulad ko may oras siyang hanapin ako. Dahil sa kalagayan ko ngayon, wala sa plano ko na hanapin siya.
***
Bwisit na dyaryo ito! Palagay-lagay pa sila ng kung ano-anong trabaho dito, lahat naman tinatanggihan ako!
Kainis. Kung bakit naman kasi nagsara na naman yung printing press na pinapasukan ko! Bakit ba lagi na lang nangyayari ito, totoo kayang ako yung may dala ng malas kaya palagi na lang nagkakaroon ng problema sa mga pinapasukan ko?
"Bakit kasi hindi mo na lang gawin kung ano talaga ang gusto mong gawin?" tanong ni nanay, na palagi niya ring itinatanong sa tuwing magkakaroon ng problema sa mga pinagtatrabahuhan ko.
Mula sa mga dyaryong hawak ko, itinuon ko ang tingin ko sa kanya habang naggagantsilyo siya ng mga sweater na itinitinda namin sa tapat ng bahay.
Masaya ako na gumaling na si nanay, matapos ang halos isang taon na pagkakaratay niya. Sa ngayon, patuloy pa rin ang pagpapagaling niya. Kaya hindi ako pwedeng mawalan ng trabaho.
"Makakahanap din agad ako ng bagong trabaho, 'nay" ang palagi ko ring sagot sa kanya.
Yung gusto kong gawin? May dalawang dahilan kung bakit hindi ko magawa-gawa iyon. Una, hindi ako maganda. Pangalawa, hindi ako nakapagtapos ng kolehiyo. At sa panahon ngayon, hindi lang kapabilidad ang hinihingi ng mundo. Kailangan maganda ka, at may talinong napatunayan ng grado mula sa eskwela.
"Pasensya ka na anak" sabi ni nanay, habang basag-basag ang boses niya at halatang paiyak na.
Hindi naman ako sumuko na lang basta-basta, eh. Sumubok din ako nang ilang beses, pero palagi akong hindi natatanggap. Una, dahil mas maganda yung kasabay ko sa interview. At pangalawa, wala akong diploma.
Tumayo ako at lumapit kay nanay. Mula sa likod, ay niyakap ko siya nang pagka-higpit-higpit. "Wala kang kasalanan 'nay. Wala..." sabi ko sa kanya, habang pilit na pilit na pinipigilan ang luha ko. "Magiging maayos din ang lahat."
Tinanggal niya ang mga braso ko sa bewang niya, at saka humarap sa akin. Mula sa bulsa ng apron na nakasuson sa daster niya, may papel siyang kinuha.
"A-ano po 'to?" tanong ko nung inabot niya sa akin yung papel.
"Application form" nakangiti niyang sinabi at saka ako hinawakan sa magkabilaang balikat. "Subukan mo lang, anak. Pasok ka naman sa qualifications, eh. Wala namang nakalagay na dapat nakapagtapos ka-"
"Pero 'nay, Likha 'to. Im-imposibleng tanggapin nila ako."
Sandaling hindi nagsalita si nanay. Pero nabasa ko na sa mga mata niya yung gusto niyang sabihin sa akin.
"Anak... gusto ko na maging masaya ka. Maayos naman na ako, at ikasasaya ko... kung magagawa mo na yung nagpapasaya sa'yo."
***
Tinapos ko yung email na isesend ko sa pinaka-paboritong manunulat ko. Alam kong maraming sumusulat sa kanya, kaya baka hindi niya nababasa ang mga sulat ko. Pero parang nakasanayan ko na lang kasi ang pagsulat sa kanya, parang diary kumbaga. Nasanay na akong binabahagi sa kanya lahat ng pinagdadaanan ko, kadalasan tuwing mawawalan ako ng trabaho. Kahit papaano kasi gumagaan ang pakiramdam ko tuwing iisipin ko na nababasa niya ang mga sulat ko.
BINABASA MO ANG
Tattooed Heart
RomanceLimang buwan. Iyon na lang ang natitira sa Likha para isalba ang magasin sa pagsasara nito. Si E. Pineda, long-time na tagahanga ni Isaac Riggs, na siya ring hahanapin ng manunulat. At si Isaac Riggs, manunulat na nagtatago sa alyas niya at ang maaa...