ELLAINA's POV
"Malapit na tayo!" Masayang sabi ni Mika.
"Finally, relaxing vacay." Sabi ni Lily.
Sa wakas, after ng hell week namin last last week ay binigyan kami ni Mommy ng 2weeks vacation sa island. Susunod nalang daw sila Ate kasi nag pasa pa sila ng mga plates.
Kami palang nila Ate Luiza, Kuya Mark, Tyler, Cecille(Tyler's sister), Mika, Lily, Cath, Princess and the kids. Dumating din pala sila Tita(Mika's mom and Lily's mom) bitbit and two beautiful girls na sina Celine and Allyson.
"We're here!" Isa isa kami bumababa ng Yatch at pumasok sa napakaling resthouse. Hindi ko alam na ganito ang ipapagawa ni mom and dad.
May nag pakilala sa amin katiwala at ang ilan katulong. Inassign na rin ang mga kuwarto namin. After namin mag lunch ay nakatulog kami ni Mavin sa kuwarto. Napagod kami parehas sa biyahe.
"Mom, I'm hungry." Nakanguso sabi ni Mavin.
"Let's change our clothes then we'll bake some cookies." Masayang sabi ko dito at kiniliti to. Nag palit nalang ako ng white vneck shirt at shorts. Sinuotan ko naman ito ng sando, khaki shorts at naka aviators pa. So handsome baby. Hinanda ko na rin ang pan beach namin.
"Cookies, cookies." Kanta nito habang pababa kami, maingay na sa baba siguro anjan na sila Ate.
"Daddy." Masayang lapit nito kay Charlie. Simula nung tawagin niya tong daddy nung valentines ay naging malapit ang dalawa.
"Mommy will bake cookies!" Sabi nito habang buhat buhat ni Charlie. Nilapag ko ang gamit namin sa isang upuan at saka ako pumunta ng kusina.
Nilabas ko lahat ng ingredients at naupo naman sila sa stool bar. Nag kukuwentuhan lang silang dalawa, hindi naman maintindihan kung ano yun.
"You both gonna finish that." Sabi ko sa kanila habang hinahalo yung cookie dough. Pinapapak lang naman nila yung chocolate chips.
"Mommy, I'm so hungry." Sabi nito at nakasalampak na ulo at kamay sa counter. Natawa nalang ako dito at nilabas ang ininit kong lasagna.
"Yehey." Masaya ito kumain kasabay si Charlie. Gumawa na rin ako ng pizzas para sa dadalhin namin sa beach and ininit yung dalawang aluminum tray ng lasagna. I'm sure gutom na yung mga nag swi-swimming sa beach.
"Here." Napahinto ako ng may naka abang na kutsara sa harap ko. "Eat, I know your hungry." Sabi nito. Sinubo ng mabilis yung kutsara at saka tumalikod. Gosh! Ang bilis ng tibok ng puso ko at nag iinit narin ang mukha ko.
Damn you Charlie!
"Ang dami niyong dala." Salubong sa aminn ni Jules at tinulungan kami.
"Naisip ko baka gutom na kayo. Gumawa ako ng pizza and lasagna." Sabi ko sa kanila.
"Perfect timing Ella! I'm famish." Sabi ni Kian at umupo na agad. Nag lapitan na rin silang lahat.
"And for the kids." Inilabas ko ang cookies and cupcakes na ginawa ko. Masayang kumuha ng cookies ang mga bata.
"Wife material talaga tong si Ella." Gulo ni Tyler sa buhok ko. Tinapik ko naman ang kamay niya. "Masuwerte ang lalaking mamahalin mo." Seryosong sabi nito.
Nawala naman ang katahimikan ng masamid si Charlie. "Dude, ang cookies ay para sa mga bata. Karma yan." Loko ni Uzui sa kanya.
"Let's go Little boy, we're going to swim." Buhat ko kay Mavin. "Cookies mommy." Naiiyak na sabi nito. "I still have more for you!" Kiss ko sa pisngi nito.
"Paano yung big boy?" Napatingin ako kay Ate na may malokong ngiti. Lakas talaga mang asar.
Suotan ko si Mavin ng fullset na rushguard na pambata. Hinubad ko naman ang shirt at short ko. I'm wearing my black bikini.
Nag tampisaw lang kami ni Mavin sa dagat. Masarap maligo kasi hindi na masakit sa balat yung araw.
"Daddy." Sabi ni Mavin, dun ko lang naramdaman na may tao sa likod ko.
"That bikini of yours is showing too much of you." Sabi nito at saka binuhat si Mavin.
Inirapan ko to. "We're on the beach." Sabi ko pero hindi ko alam kung narinig nito kasi nakalayo na sila.
"Smores!" Nag tusok pa ako ng panibagong marshmallow sa stick ni Mavin.
"Your eating too much sweets today," usap ko kay Mavin na nakandong sa akin. "What did I tell you about eating too much sweets?"
"My teethes are gonna hurt." Malungkot nitong sabi. "This is last one for you today and drink a lot of water." Ayoko man siyang nalulungkot pero sobrang hyper na niya buong magdamag. At baka sumakit ang ipin niya mamaya.
After dinner, nag bonfire agad kami dito sa labas. May kanya kanya silang kuwentuhan, ang mga bata naman ay inenjoy ang smores. Nag iinuman ng beer ang boys.
Nakipag kuwentuhan naman ako kay Cecille, kapatid siya ni Tyler. Nag usap kami about business. Kaedaran ito nila Rain at Krisha. Speaking of those two, susunod nalang ang mga ito dito. Mga only daughter kasi kaya medyo mahigpit ang mga daddy.
"Hatid ko na kayo." Napatingala ako sa nag salita. Nakatulog na kasi si Mavin, napagod pakikipag laro kay Dj. Binuhat niya nalang ito at sumunod ako kanya.
Napahikab ako habang nag lalakad. "Tiring yet fun day." Sabi nito habang paakyat kami ng hagdan.
"Yeah, ang daming energy ni Mavin kanina kaya nakakapagod." Nakangiti sabi ko. Pinag buksan ko ito ng pinto at nilapag naman nito si Mavin sa kama.
"Thanks." Sabi ko tsaka tumabi kay Mavin. Nakakapagod ang araw na ito.
"Goodnight."
"Goodnight babe."
BINABASA MO ANG
BFF #1: My EX still my NEXT (Editing)
Teen Fiction"Kahit anong paliwanag gawin ko noon, hindi mo pinakikinggan ewan ko ba sayo hindi ka marunong makinig sa paliwanag ko. Don't judge me if I play that stupid game, because in that game I realize that I LOVE YOU" -Ellaina Munzon