ELLAINA's POV
Ang bilis ng araw, last day na namin ngayon. Parang kailan lang nung nag simula yung bakasyon namin.
"Next week! Sa Laguna tayo!" Deklare ni Kian. Nag hiyawan naman ang mga lalaki.
"After that, sa Baguio tayo." Sabi ni Jay. Mukhang lilibutin namin ang lahat ng lugar ha.
"Palawan is on the list too." Sabi ni Jules. Mukhang buong vacation nasa iba't ibang lugar kami.
"And for our last trip, Davao." Sabi ni Kuya Mark. Naki sali na rin siya.
Siniko ko naman si Charlie. "Ikaw wala kang idadagdag? Marami ka ng babae dinala sa ibang lugar kaya dapat may suggestion ka." Biro ko dito.
"Pag sinabi ko bang sa bahay kita dadalhin papayag ka?" Tanong nito.
Nagtataka naman akong nakatingin dito. "At ano naman gagawin ko dun?"
"Gusto kita nakikita pag nakauwi na ako galing trabaho, gusto ko ikaw lagi kong nakikita." Natameme naman ako sa sinabi niya.
"Yieeeee!" Tukso nila sa amin na lalo ikinapula ng pisngi ko.
"Nag propose ka na ba Charlie?" Rinig kong tanong ni Ate.
"Parang ganun na nga, pero mas gusto ko iformal way para kilig to the bones kay Ella." Sabi nito. Napayuko nalang ako at hinawakan ang dalawang pisngi na feeling ko sobrang pula na ngayon.
Deym! Ano ba nakain niya?
"Lalaki na si Charlie!" Sigaw ni Uzui. Tinutukso parin nila kami.
Mga lasing na siguro sila. Nandito nga pala kami sa beach at nag iinuman. Nakatulog na rin yung mga bata.
Nabaling sa ibang atensyon ang topic nila kaya kinurot ko si Charlie.
"Aray!" Napalingon sila dito at nag kunwari akong umiinom.
"Anyare sayo?" Patay malisya kong tanong.
"Wala, mag maganda langgam ang kumurot sa akin." Nakatingin na sabi nito sa akin.
"Halikan mo na kasi sa susunod." Suggest ni Luiza. Napaiwas naman ako tingin kay Charlie.
"Next time." Sabi pa nito. Nasa iba na ulit ang usapan nila.
"Ano ba ang nakain mo at nag bibiro ka ng ganyan?" Bulong kong tanong.
"Hindi naman ako nag bibiro, totoo yun." Bulong din nito sa akin.
"Hoy! Ano yan!" Huli sa amin ni Kian. Napatingin na naman silang lahag sa amin.
"Wala! Kung ano ano nakikita mo." Defensive kong sabi. Guilty in charge po kami nag bubulongan. Pero hindi ako aamin.
"Nako! Hayaan mo na nga yan. Inggit ka lang kasi maaga natulog ang sayo." Asar ni Ate si Kian.
Sino daw? Maaga na tulog?
"Sino daw?" Bulong ko ulit kay Charlie.
"Ang alin?" Balik na tanong nito. "Yung sinasabi ni Ate." Inis kong sabi.
"Si Krisha?" Tanong pa nito sa akin.
"Aba! Malay ko sayo. Kay-" Si Krisha ang gusto ni Kian.
"May gusto ka kay Krisha!?" Gulat na tanong at lahat sila napatingin sa akin.
"Shh.. Ang ingay mo naman." Nakabunsagot na sabi nito at nag papabalik pa ng tingin sa rest house.
"Hindi lang siya, pati yung isa dyan maaga natulog ang gustong babae." Nakangisi na sabi ni Ate. Nakatingin pa ito kay Romeo.
"Sino ang may gusto kanino Ate?" Napatalon kami sa gulat nung bigla sumulpot si Krisha at Rain. Parehas pang nakapajama ang mga ito.
"Si Ella at Charlie daw may gusto sa isa't isa." Mabilis na sagot ni Kian. Namula naman ako sa sinabi nito.
"Hoy! Ano sinasabi mo dyan? Ikaw nga may gust-" Bigla tinakpan ni Charlie ang kamay ko. Nag sasalita parin ako pero hindi nila maintindihan.
"Mag lalakad lang kami." Sabi ni Charlie at hinila ako patayo. Tinatampal ko naman ang kamay nito pero hindi parin tinatanggal hangga't hindi kami nakakalayo.
"Ang ingay mo." Sabi nito ng pakawalan ang bibig ko.
"Ano ba yan! Puro buhangin yung kamay mo." Irita kong sabi sa kanya at pinag pagan ang labi ko.
"Sorry." Sabi nito pero nakatingin sa labi ko. Pinamulhan naman ako sa pumapasok na idea sa utak ko.
No, Ella! That's bad.
"Hoy! Ayos ka lang? Natulala ka?" Patay malisya kong tanong.
"Wala. Tara lakad lakad muna tayo." Sabi nito sabay lahad ng kamay sa akin.
"A-ano yan?" Nag kanda bulol bulol na ata ako.
Hindi naman ito nag salita, basta nalang kinuha ang kamay ko. HHWW! May ganern!
Natahimik naman kami nag lakad. Nakita namin yung dalawang puno na may hammock. May kumot at unan pang nakalagay dun.
"Planado to no?" Akusa ko sa kanya. Paano wala naman yung kumot at unan dyan kanina.
Nag kamot baton to. "Kinda." Ngumisi pa ito sa akin bago ako hinila papunta sa hammock.
"Sabi kasi sa forecast ngayon, uulan daw ng shooting star."
"Talaga?" Masayang tanong ko. Tumango ito at nahiga na kami sa hammock.
"Nung umalis ako," Napatingin ako dito pero nakatingin lang ito sa langit. "May naging boyfriend ka ba?" Tanong nito.
"May nanliligaw pero naging busy ako sa school, mas inuna ko ang pag luluto kaysa lalaki. Bakit mo na tanong?" Kuwento ko sa kanya. Para naman ito nakahinga ng malalim.
"Wala lang." Nakangiti na ito ngayon.
"Ikaw? May niligawan ka ba dun?" Tanong ko sa kanya.
"Wala, you know me. Puro flings. Then nag start yung rehab ni dad kaya madalang ang flings." Kuwento nito. Anong bago dun?
Nag kuwentuhan pa kami ng maraming bagay.
"Anong oras ba yung shooting star?" Antok na tanong ko.
"Usually, midnight sila lumabas." Sabi nito pero hindi naintindihan kasi nakatulog na ako.
CHARLIE's POV
"Usually, midnight sila lumalabas." Sabi ko. Nakakita naman ako ng dumaan na shooting star.
"Ella! Shooting star." Nang lingonin ko to ay nahimbing na ito natutulog.
"Goodnight my love." Hinapit ko ito palapit sa akin at hinalikan sa noo.
"I'm wishing to all the star to be with you forever."
BINABASA MO ANG
BFF #1: My EX still my NEXT (Editing)
Teen Fiction"Kahit anong paliwanag gawin ko noon, hindi mo pinakikinggan ewan ko ba sayo hindi ka marunong makinig sa paliwanag ko. Don't judge me if I play that stupid game, because in that game I realize that I LOVE YOU" -Ellaina Munzon