ELLAINA's POV
In the end wala sumakay dun sa mini bus na pinahiram ni Mika, puro gamit lang namin ang nandun. Meron akong duffle kung sakaling late makakarating yun.
"Si Jules at Yannie lang ang inaya ko, bakit kayo nandito?" Tanong ko sa kanila. Biglaan nalang din sila nag sakayan dito. Nasa passenger seat si Yannie sa back seat naman sila Kian at Charlie.
"Nawala sila bigla, ayaw namin mag alone nitong si Charlie sa mini bus kaya dito nalang kami." Napailing nalang ako. Ngayon ko lang sila natanong kasi nakatulog na ako at ngayong mag uumaga na may mga dalawa oras pa kami bago makarating.
"Kumain muna tayo, nagugutom na ako." Sabi ko sa kanila at huminto sa isang carideria pero mukhang 24hours. Bulalohan ata to. Marami din ang kumakain kahit umaga palang.
"Nakakapagod umupo!" Sabi ni Kian, simula kasi ng magising ako na ang drive.
"Hello."
"Nandito na kami, saan na kayo?"
"Kumain lang kami saglit, malapit na rin."
"Sige, baka maabutan niyo pa sila Mika."
"Okay.""Nandun na sila?" Tanong ni Kian. Siya lang naman ang madaldal sa mga kasama ko.
"Si Cath and Lily palang ang andun. Wala pa sila Mika." Sabi ko dito ag kumain na. Nakakagutom talaga yung biyahe ganito.
Nag order na rin kami ng take out kasi sigurado gusto nila to.
"Mahaba pa biyahe natin." Buntong hininga ni Yannie.
"Nah, my target time is one hour." Sabi ko at nag tali na ng buhok. The ride will be bumpy from this point. "Buckle up gentlemen." Ngisi sabi ko at pinaharurot ng mabilis ang sasakyan ko. Wala masyadong sasakyan ang dumadaan dito kaya maganda mag race. Napatingin ako sa side mirror at may sasakyan na humahabol.
Mika.
"ELLAAAAAAA!" Sigaw nilang tatlo at tinawanan ko lang sila.
"Anong nangyari sa inyo? Bakit parang na rape tong tatlo? Pati ikaw Jules." Mag kakasunod na tanong ni Ate.
"Pay up." Labas ko ng palad ko kay Mika. Naunahan ko siya ng konti kaya panalo ako.
"Kaya pala. Anyway, ganyan din ang lagay nila Romeo, Jay at Uzui nung dumating dito kanina." Tumawa lang ako at pumasok na sa loob. Nakahiga sa salas yung iba. Hahahahaha! Weak!
Naligo at nag bihis na ako. Naka bikini na ako, pinatungan ko ito ng short short, see through na white blouse at tsinelas. Ready na akong mag beach!
Tahimik na sa salas. "Nasaan na po sila?" Tanong ko sa isang katulong.
"Nasa beach na po sila, sumunod nalang daw po kayo dun." May mas eexcited pa pala sa akin.
Nag hintay ako ng golf car para makapunta sa beach, may huminto naman kaso bakit siya ang driver? Tahimik nalang ako sumakay sa likod ng golf car.
Isang mahabang katahimikan lang ang bumalot sa amin.
"You know that I don't like you wearing that kind of clothes." Matigas na sabi nito at na pairap lang ako. "Your testing my patience Ellaina." Galit na sabi nito. Ano bang kinagagalit nito?
"I will wear what clothes I want." Irap na sabi ko sa kanya. Kakainis. Tahimik lang ito.
Agad akong bumababa pag karating namin dito sa beach. Wala na ako pakialam sa kanya.
Wala nga ba?
Nag islang hopping kami sa isa sa mga nabiling island ni Tita Cathy dito
Sobrang ganda dito at ang sarap mag swimming kasama ang mga isda. Nag kanya kanya na kami gawin. Ako nag swimming lang ako.
Whaaaa! May humatak ng paa ko sa ilalim. Bigla akong naubusan ng han-
What the?!
Nanlaki ang mata ko nung may humalik sa akin. Binibigyan din ako nito ng hangin. Pag angat namin sa tubig.
"That's your punishment." What was just happen? Did he really kiss me?
"Ella! Get up, nakahanda na yung bonfire." Sa sobra pagod kanina nakatulog ako pero inaantok pa ulit ako kaya hindi ko nalang pinansin kung sino man yan nag gigising.
Nagising ako dahil sa lamig, may aircon din pala dito sa light house. Napatingin naman ako sa paligid at sobra tahimik. Baka na sa beach sila.
Nandito ako sa deck ngayon at nakatingin sa starry sky. Malamig ang simoy ng hangin. Nakakamiss talaga ang ganito.
Napatalon ako ng may pumalupot na kamay sa bewang ko, nakahilig pa ito sa akin at nakapatong ang baba sa bewang ko. Nanigas lang ako s puwesto ko, that scent.
"Did you have enough rest?" Mahina sabi nito. Nakikiliti ako pero hindi ko pinahalata. Hindi ko siya sinagot kaya napahinga lang ito ng malalim.
"Time to eat dinner, let's go." Hinawakan lang nito ang kamay ko at hinila ako. "Dahan dahan naman." Sabi ko. Hello mister, hindi pa fully healed yung paa ko.
Mukhang natauhan naman to pero ako ata ang tuluyan nagising ng binubat niya ako pa bridal style.
"I always wanted to this." Ngisi sabi nito. Pumapalag ako pero mahigpit ang hawak niya akin.
Mas lalo siya gumawapo ngayon. Ang mapupungay niyang mata, matangos na ilong, his jaw, and those kissable lips.
Napaiwas nalang ako ng tingin. What are you thinking Ella? That's your Ex.
Nababaliw na ata ako. Nag tatalo ang isip ko tungkol kay Charlie. Hindi ko namalayan naibaba na niya ako. Tahimik ang paligid at napalingon ako sa kanila. Yung iba nakanganga, at yung iba kunwari walang pake.
"Here." Abot sa akin nito ng paper plate na may pag kain. Kinuha ko nalang din yun at tahimik na kumain.
CHARLIE's POV
When did she learn to drink hard? Pinapanood lang namin sila mula dito sa jacuzzi, after kasi kumain sa beach ay nagyayaan sila uminom. Hard core na inuman pala. Nandun sila sa mini bar at may dance floor pa sa tabi nito.
"Grabe hang over niyan bukas." Sabi ni Jay. Sigurado yun.
Pumasok na rin ang oldies, nakapag palit na rin kami ng damit at bumalik sa pool area malapit sa mini bar.
Lasing na si Lily, Mika at Prince. Staying strong parin si Cath at Ella. Gusto ko ng hablutin yung alak sa kamay niya.
"Tama na *hik* yan. *hik*" Lasing na sabi ni Prince, na inaaalalayan ni Romeo at Kian.
Tinuro na ni Cath si Ella na subsob na bar counter. Lumapit nalang ako.
"Diretso kuwarto." Bilin nito pero halatang tipsy na rin.
Binuhat ko lang ito ng bridal style. Kailan ka ba talaga natuto uminom ng ganun? Napabuntong hininga nalang ako.
"Gago ka." Sabi nito bigla. "Why did you kiss me?" Sabi pa nito habang nakapikit.
"I just want to kiss you." Under water kissing is one of my fantasy. Napangisi ako pag naalala ko yun. Sobra pula niyo nung bumalik sa beach.
"Gago ka parin." Mukhang matino pa siya. Nilapag ko na siya sa kama at inayos ang kumot niya.
"Gago ako kasi iniwan kita noon."
BINABASA MO ANG
BFF #1: My EX still my NEXT (Editing)
Novela Juvenil"Kahit anong paliwanag gawin ko noon, hindi mo pinakikinggan ewan ko ba sayo hindi ka marunong makinig sa paliwanag ko. Don't judge me if I play that stupid game, because in that game I realize that I LOVE YOU" -Ellaina Munzon