Gabriella.
"Ayan na sila girls bakit ang gwapo talaga ni jayden "
"Ang hot ni parker grabe pinagpapawisan ako"
"Ang gwapo at ang cool ni carter"
"Ang cutie talaga ni dylan kahit na medyo babaero ang cutie nya talaga"
"Waaaahhh ayan na sila ..!! Grabe ang gwapo"
Tama kayo ng nakikita .. Papalapit na ang b4 sa kung saan man ngayon ang kinatatayuan namin. Kaya ayan nanaman sobrang ingay ng mga fan girls nila. Assual sobrang kinikilig nanaman sila ano ba meron sakanila parang wala naman e.
Habang papalapit samin ang b4 may isang babaeng nagtangka na humarang sa dadaanan ni jayden.
"Hi Jayden" nagwave sya kay jayden pero tinitigan lang sya nito at tinabig para makadaan sya. Kaso yung babae talagang disidido syang magpapansin sa crush nyang si jayden
Tumakbo sya papalapit ulit kay jayden at niyakap nya ito.
Tilang natigilan si jayden sa ginawa nya kaya halos lahat tumahimik walang kumikibo at kahit sila kuya parker hindi sila nagsasalita tila nagulat din sila sa ginawa nung babae kay jayden.
"Jayden ang sarap mong yakapin" sabi nung babae
Unti unting humarap sakanya si jayden at nagsmirk hinawakan nya palayo yung babae sakanya at biglang sumama ang aura nya agad naman yun napansin nung babae kaya parang natatakot na sya. Tssssk, lagot wrong move sya. Ayaw kasi ni jayden na may lumalapit o humaharang sakanya
"Miss ano ba ang kahibangan na ginagawa mo at nagkakaganyan ka alam mo ba kung magkano itong suit na suot ko ha mas mahal pa to sa buhay mo. tapos sa dumi ng kamay mo nalagyan mo ng dumi yung damit ko. Bakit hindi kaba nagiisip" pasigaw nya yang sinabi doon sa babae na kinagulat ng lahat.
Sinagot naman sya nung babae
"Eh kasi jayden gusto ko lang naman ibigay sana itong binake kong cake para sayo hindi ko naman sinasadyang madumihan yang suit mo" kinakabahan na yung babe kasi anytime pwede syang saktan ni jayden sa mga titig palang nya saknya any time pwede syang mas mapahiya pa."Ah ganun ba akin na yan masarap ba to? " sabay ngiti ni jayden sa babae na may halong kaplastikan sabay inilagay nya ito sa mukha nung babae at tumawa ng tumawa sabay tumalikod at itinaas nya ang kamay nya
"Simula ngayon nasa Hunt's list kana" (A/N: Ang Hunt's List ibig sabihin yun ang listahan ng mga bunullyhin nila mg sobra yung parang sa F4 Na RedCard naman)
Pag kasabing pagkasabi nyang yun sa babae naglakad ulit sya. At sumunod naman yung tatlo. Ang gwapo talaga ni dylan kaso hindi tama yung ginawa nila kasi hindi man lang nila tinulungan yung babae.
Agad naman ako pumunta doon at tinanong yung babae " ahm miss okay ka lang ba ? Eto panyo linisin mo yang mukha mo" dahil sa inis ko kaya bigla kong kinuha yung kalahati pa ng cake na nasa sahig. At naglakad ako papunta kay jayden.
"Hoyyyy Lalake na ubod ng yabang na akala mo kung sino" halos lahat ng kaschoolmates ko nagbubulungan meron pang mga nagbubulungan
"nako ano gagawin nya nahihibang naba sya"
"gusto naba nya magpakamatay"
"Nako naman ano ang ginagawa nyang kagagahan"
Hindi ko pinansin mga sinasabi nila bagkos agad kong inihagis yung hawak ko sa likod ng jayden na yan.
"Hoyyy diba tinatawag kita bakit hindi ka lumilingon .. Wag kang masyadong mayabang alam mo bang pinaghirapan nyang gawin yung cake na ibibigay nya sayo tapos gaganunin mo lang napaka walang awa mo talaga bwisit ka"
Nako naman kahit ako naiisip ko na sa sarili ko bakit ko to ginagawa pero talagang nakakainis na tong lalakeng to,
Lumingon naman si jayden habang pinupunasan nya yung balikat nya at batok nyang puro cake. At ngayon 'shit papalapit sya sa pwesto ko'
"At sino ka naman para gawin to sakin"pagkasabi nya nun parang tila ba ang itim itim ng aura ng mukha nya seryosong seryo syang lumapit sakin yung sobrang lapit
"Ah. Ahmm Ako si Gabriella bakit"
Huhuhu lupa galit na po sya kainin muna ako please . Nakakatakot pala syang magalit."Gabriella, pala ah ang tapang mo naman ikaw na ba ang tigapagtanggol ng mga naaapi" kuya parker anong tinitingin mo dyan please tulungan mo naman ako oh.. Shet talaga tawa pa ng tawa ang kuya ko.
"Hindi no.!!! Napakasalbahe mo kasi" sinampal ko sya ng malakas dahilan na napapaling sa kanan yung ulo nya . Nagsmirk sya habang hawak hawak nyanyung parte ng mukha nyang sinampal ko at parang mas lalong nagalit. Ano bayan gabriella bakit ka ganyan.!!
Nagulat lahat sa ginawa kong pagsampal kay jayden ulti mo sila kuya parker nagulat din nanlaki ang mga mata nila sa ginawa ko, nagsalita si jayden
"Aba !! Yun lang ba kaya mo. Pasensya kana ahh di ako pumapatol sa gaya mo na war freak. Pero dont worry pagbibigyan kita sa gusto mong mangyare simula ngayon magsisimula na yung magulo mong buhay" pagkasabi nya nun. Bigla syang tumalikod at naglakad palayo samantalang ako naiwan nakatulala at walang magawa. Narinig ko lahat ng mga pinaguusapan,
"Ano ba yan kasi feeling nya ang ganda nya"
"Feeling superhero kasi tignan natin ano gagawin sakanya ni papa jayden"
"Feelingera kasi masyado manong tumahimik nalang kasi"
Nagbell na kaya agad naman ako natauhan . Kaya naglakad na ako papuntang class room ko baka kasi malate ako at mapunta pa ako sa detention dahil math na namin,. Dumating si mam farrah
"Good Morning Class"
"Good Morning Ms. Farrah Its nice to see you again" kaming lahat,
"Class may bago kayong kaklase sa math at gusto ko maging mabait kayo sakanya ah simula ngayon magiging kaklase nyo na si Mr. Jayden Hunter Chase sa section nyo"
Ano daw sino??? Si Jayden???? Waahhh..!!!! Hindi pwede mangyare to..
Pero Biglang Pumasok si Jayden at tilang my hinahanap .
"Jayden maupo ka sa tabi ni Gabriella"
Ano daw sa tabi ko talaga ...
"Pero mam ayaw ko sya makatabi"
Nakita ako ni Jayden kaya napasmirk sya.. Ow no..!! Tototohanin nya nga talaga pano na ako..!!!
"Hindi pwede Gabriella sa ayaw at sa gusto mo dyan sa tabi mo mauupo si Jayden o gusto mong ibagsak kita"
Pagsabi ni mam farrah nun hindi na ako nagsalita bagkos para na akong hihimatayin sa takot ko.. Baka ano kasing gawin sakin nito."Kamusta sabi ko naman sayo e. Magbabayad ka sa ginawa mo sakin"
Hindi ko sya pinansin bahala sya sa buhay nya di ko sya kilala sino ba sya.. Kapal ng mukha nyang magpalipat sa room namin e section eleven naman sya section one kami.. Kapal.. Ahh e mas matalino pa nga skanya si Dylan at kuya parker.
----------/------
A/N: Sana po nagutuhan nyo ang chapter 1 please comment vote and share this story to your friends and special some one ..!!
BINABASA MO ANG
The Four Bachelors and Me
Fiksi PenggemarB4- Groupo Ng mayayabang , Mayayaman , Kinakayakutan , At Tinitingalang bad Boys Sa school namin . B4 Dahil Bachelors 4 ang group name nila . Lahat sila gwapo at aaminin habulin talaga sila ng mga babae. My isang Babae silang makikilala sya yung ka...