Veerah's POV
"Remember love, remember you and me, remember everything we shared on this planet when we cared, remember hearts, remember unity, remember loving neighbors without expecting favors---"
Aissh! Bakit ngayon ka pa nalowbat! Kaasar naman oh. Tinignan ko ang paligid. Sobrang tahimik. Wala pala talagang nagagawi dito. Nakatulog ako kanina pagkatapos kong dagdagan yung letter ko para kay Hiro. And yeah hindi ako pumasok. Nandito lang ako sa likod ng school. Mag-isa. Ayos lang ako. Sanay ako na palagi akong mag-isa. Simula kasi nung umalis si Sky, wala na akong nakakasama. Siya lang kasi ang kaibigan ko eh. Si Hiro naman ayun kahit halos araw-araw na akong nagpapakita sa kanya. Hindi niya pa din ako kilala. Gnun siguro talaga yun no? Kapag hindi talaga importante sayo ang isang tao wala kang pakialam sa kanya.
Talaga bang ganun yung tingin sakin ni Hiro? Hindi ko kasi alam kung ano pa ba ang dapat kong maramdaman. Kung maging masaya dahil alam niya yung pangalan ko kasi naman sa sobrang tagal ko ng ginagawa sa kanya yung mga pagpapapansin ko, he never talk to me. Kung magsasalita man siya, magsusungit lang. Kahit kailan hindi niya ako binigyan ng ni katiting na interes. Kahit naman ngayon ganun pa din pero mas malala naman yung mga pambabaliwala niya saken noon..
Flashback...
Dug.dug.dug.dug.dug
Okay Veerah. Kalma. Kaya mo to!
Nasan na ba kasi siya? Dapat dadaan na yun eh. Masyado akong kinakabahan pa dahil ang tagal niyang dumaan. Dumaan ka na pleasee..
"Omg!!"
"Hi Hiro!!!"
"Kyaaahhhh!!"
Ayun na yung signal that means padaan na siya. OMG! Ang hot niya talaga. As the usual nakasuot sa ulo niya yung headphone niya. Alam niyo na, siya kasi si Hiro at sikat siya lalo na dito sa school namin. Pano namang hindi siya magiging sikat. Siya lang naman ang anak ng may ari ng Oscars University na nagmamay-ari din ng ilang hacienda at multinational companies. Sikat ang pamilya nila sa buong mundo. Isa sila sa mga pinakamayaman. Kaya ayan ang daming humahanga kay Hiro lalo na ang mga katulad kong babae. Bukod kasi sa mayaman sila. Maganda ang lahi ng kanilang pamilya. Gwapo at maganda ang kanyang magulang kung kaya't doble doble ang kagwapuhang taglay nitong si Hiro. Mahilig din siya sa music. At nasa honors list din siya kaya di maiiwasang madaming nagkakagusto sa kanya. Ang kaso may pagkaweird siya. Ayaw niya kasing makisalamuha sa iba. Hindi ko pa nga siya nakitang ngumingiti eh. Palagi siyang nagtataray lalo na dun sa mga babaeng sunod ng sunod sa kanya. Ay oo nga pala. Siya din yung inaabangan ko ngayon kasi may ibibigay ako sa kanya. At sana sa pagkukwento ko napansin niyo na na isa ako sa mga tagahanga ni Hiro. Pero hindi ako basta basta tagahanga lang. Iniibig ko na talaga siya. Nung first year ako alam kong crush lang yung nararamdaman ko para sa kanya, pero habang tumatagal mas lumalalim pa yung nararamdaman ko. At ngayong third year na ako. Gusto ko ng gumawa ng move alam kong magugustuhan din ako niyang Hiro na yan. Mayaman din naman ako. Maganda. Nagsawa na kasi ako na tinitignan siya palagi ng palihim kaya ngayon kahit sobra akong kinakabahan. Wala na akong pakialam. It's now or never. Kailangan kong maibigay sa kanya itong first letter na sinulat ko.
Magsasalita na sana ako ang kaso dinaanan niya lang ako. Muntik niya pa akong mabangga. Hindi niya ba ako nakita? Or sadyang wala lang talaga siyang pakialam.
Nagsisunudan na yung ibang mga babae sa kanya. At ako nakatayo pa din dito kahit nababangga na nila.
"Aray naman!"
Napaupo ako dahil ang lakas ng pagkakatulak sakin nung babae. Halos lahat sila napatingin sakin. Pero si Hiro. Hindi man lang siya lumingon. May tumulong luha mula sa mga mata ko. Hindi ko alam kung dahil sa lakas ng pagkakatulak sakin or dahil wala siyang pakialam. First time kong gagawin ang lumabas so comfort zone ko na palagi lang nakatingin sa kanya mula sa malayo. Dapat pala talaga hindi na ako lumabas.
"Oy miss! Natulak ka lang nag iiyak ka na diyan. Ano ba yan! Pare pareho lang tayong gustong magpapansin kay Hiro! Mas malala pa diyan yung mga nangyari samin kaya wag kang mag inarte dyan!"
Tinignan ko siya ng masama. Pero umirap lang siya. Akala nila kung sino silang magaling. Tumayo ako at nilapitan siya.
"You watch and learn."
Makahulugang sabi ko. Ang layo na ni Hiro. Inagaw ko sa kanila yung megaphone.
"HIRO!!"
Pero hindi siya lumilingon. Imposibleng hindi niya naririnig dahil halos lahat ng mga tao doon nakatingin na dito.
"HARRY IRWIN REIGN OSCARS!!"
Iritang-irita siyang lumingon. Alam ko kasing ayaw na ayaw niyang tinatawag siya sa buong pangalan niya. Nginitian ko naman yung mga babae na kasalukuyang nakanganga at tumakbo papunta kay Hiro. What to do! What to do! Umiinit yung mukha ko! Sobrang nakakakaba!
"You idiot! What the hell do you want---"
"Shut up Harry!!"
At hinampas ko sa dibdib niya yung letter ko at tumakbo na.
-+/-+/-+/-+/-+/-+
So yeah. Alam niyo na ngayon kung bakit Hiro. Please support my story. A massive thanks xx
-ItsAngieeee