Veerah's POV
"Veerah! Please don't leave me!"
Napalingon ako sa likuran ko dahil narinig ko yung boses ng taong hindi ko aakalain na maririnig ko dito. Si Hiro.
"Veerah I'm sorry! I know I've hurt you so much. I know that. Alam ko lahat ng kasalanan ko sayo. Alam ko na hindi ko maibabalik yung dati na dapat noon ko pa narealize. Na dapat pinahalagahan kita. At kung hihilingin ko sayo na wag kang umalis. Masyadong makapal na ang mukha ko non. Pero please Veerah.. don't leave me.."
"Bakit pa? Para paulit ulit na sabihin na hinding hindi mo ko magugustuhan? Ayos na Hiro. Kabisado ko na yan.."
"Veerah tara na.. maiiwan tayo."
"Bye Hiro... sana maging masaya ka na rin.."
Sumunod na ako kay Sky. Tama tong ginawa ko. Hindi ako magsisisi.
"VEERAH! MAHAL KITA! MAHAL NA MAHAL KITA KAYA PLEASE WAG KANG UMALIS!"
"Maeve hello maevee?!"
"Ayy nandyan ka na pala.."
"Bakit nakatulala ka?"
"Naalala ko kasi yung kinwento ko sayo. Nung umalis tayo sa Pilipinas dati tapos narinig ko si Hiro pero wala namang tao at yung naimagine ko non."
"Sus.. akala ko ba limot mo na siya?"
"Yes I'm so over with him. Bigla ko lang naalala kasi nga isang taon na din tayong nandito sa US."
"Namimiss mo ba sa Philippines?"
"Hindi naman. Bumibisita naman dito sila mommy kaya ayos na din."
Nung araw na yun sa airport nung marinig ko yung boses niya inaamin ko. Parang nagdalawang isip ako. Pero mukhang imagination ko lang din yung narinig kong pagtawag niya. Siguro dahil may feelings pa ako sa kanya non at naghahangad ako na susundan niya ako noon para pigilan ako. yung mga nangyayari sa movies ganun pero nakalimutan kong reality nga pala to. At hindi ko naman pinagsisihan na tumira dito sa US. May mga nakilala din akong mga kaibigan. I totally change.
"Uhm Sky.. naalala mo si Hero diba? Yung internet bestfriend ko ng sandaling panahon kasi hindi na siya nachachat?"
"Oo what about him?"
Kinuha ko yung laptop ko at nag log in sa frienzy. Nagdeactivate na si Hero after niyang isend sakin yung mga message na hindi ko maintindihan. Nakita ko lang nung nag log in ako kasi matagal na din akong hindi naggaganito. Pinabasa ko naman kay Sky yung mga messages
Iamyourhero: Maevee we need to talk.
Iamyourhero: Maevee please this is important.
Iamyourhero: Naalala mo ba yung babaeng kinukwento ko sayo? Yung kinaiinisan ko? Damn it Maevee! Mahal ko na siya. Mahal na kita.
Iamyourhero: Veerah Maerizz Ocampo.
"He loves you? How come?"
"Hindi ko alam Sky.. Tapos yung buong pangalan ko alam niya.. alam mo namang hindi namin sinabi sa isa't isa yung real name namin diba?"
"So ikaw yung babaeng kinaiinisan niya?"
"Ganito kasi yun. May gusto siya sa isang babae tapos may babaeng nagkakagusto sa kanya na palagi siyang kinukulit. Ayun kaya siya naiinis dun. Tsaka alam mo ba ang dami niyang post na relate na relate ako dati. Bago siya magdeactivate nagpost siya. Nakita ko yung pangalan ko pero hindi ko na ma view dahil deactivated na yung account niya.."
"Parang si Hiro, Ikaw at si Mildred lang ah.."
"Shut up Sky!"
"Hahaha inaasar lang kita.. wag mo ng intindihin yun for sure.. kung totoo naman talaga yang sinasabi niya dapat gumagawa siya ng paraan. Eh ang tagal na niyan oh.."
"Tsk. Sabagay ang lakas talaga ng trip ng lalaking yun."
"Kaen na lang tayo."
"Good choice."
Nag ayos na ako tsaka kami umalis. Hindi ko pwedeng sabihin na dito na natatapos ang lahat. Maaring hindi natupad yung hinihiling kong happy ending. Kasi hindi pa naman dito natatapos ang kwento ng buhay ko. Nagsisimula pa lang ako.
Hiro's POV
One year ago..
I quickly click the post button and deactivated my account. Pero kahit deactivated na. Nakikita ko pa din yung mga post ko. Yung huling post ko. Gaya ng dati nahuli nanaman ako. Hindi ko siya napigilan. Pero gaya ng ginawa niya dati. Hindi siya sumuko kahit na sobrang nasasaktan na siya. Kaya ngayon ako naman ang maghahabol. Ngayon ang alis ko papuntang US.
Iamyourhero:
He is sorry Veerah Maerizz Ocampo. I am sorry.And the day she wish has finally come..
He starts to care..But she doesn't care anymore
He starts to appreciate every efforts she did.. but she got tired and stop
He starts to value her tears.. but she stops crying
He starts to love her.. But she is not in love with him anymore
Just as she taught of not giving up for him.
She finally realize that he is not worth of everything she did.
Just right when she lost the love for him,
He found the love for her.
She captured his heart... but it's too late for him now.
I am Harry Irwin Reign Oscars also known as cremedelacreme/iamyourhero/Hiro/Hero. The guy who fell in love with her when it's too late is now signing off.
-+/-+/-+/-+/-+
Aww. Capturing Mr. Popular's Heart is finally done.