Chapter 2

98 10 1
                                    

Veerah's Pov

Oh my gosh..

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala. Tinawag ba niya talaga ako sa pangalan ko?

Pero pano naman niya nalaman yung pangalan ko?

Nasabi ko na ba sa kanya yung full name ko?

Arrghhh!! Hiro naman ehh! Ang sakit mo sa ulo but at the same time kinikilig ako!!

*Incoming call*

Nagulat ko ng lumitaw yung pangalan ng bestfriend ko sa laptop ko. OMG!

"Maevee!!/SKY!!"

Sabay naming sabi, hindi naman halatang namiss namin ang isa't isa diba?

"I've miss you baby girl.."

"Stop calling me like that. Big girl na ako. Tsaka halos magkasing age lang naman tayo."

"I'm six months older than you."

"Whatever! Teka nga bakit ngayon ka lang tumawag?! Wala tuloy akong mapagkwentuhan ng mga nangyayari saken. Alam mo naman na palaging wala parents ko. Tapos ikaw isa ka pa! Iniwan mo din ako."

"Heyy.. that's not true. Kailangan ko lang talaga umuwi. Mabilis lang lilipas yung panahon. Malay mo bukas nandyan na ko."

"Baka maniwala ako. Humanda ka saken."

"Asus, namiss kita Maevee."

"Namiss din kita! Sobraaaaaaa.. sana nandito ka. Feeling ko kasi talaga mag isa lang ako. Wala tuloy akong kaibigan dun sa OU."

"May nabalitaan ako hah!!"

Omg! Alam na niya?!

"Ano naman yun?"

"Sikat ka na pala bestfriend!! Bakit naman kasi hinahabol-habol mo pa rin yang si Hiro? Wala naman kasing pakialam sayo yan eh."

"Grabe sige ipamukha mo pa saken! Humanda ka talaga pag balik mo dito."

"Edi hindi na ako babalik."

Nag-belat pa siya saken. Ang sama talaga ng lalakeng to.

"Subukan mo lang na hindi bumalik.. Susundan kita dyan."

"Ayy naks naman. Kaya mo bang iwan yung Hiro mo?"

Alam niya talaga kahinaan ko. Naisip ko na din yan dati eh. Gusto kong sumama sa kanya sa US kaso naalala ko si Hiro. Kaya hindi na ako sumama.

"Oh diba? Hindi mo siya kayang iwan. Mahal mo ba talaga siya or nasa isip mo nalang na mahal mo siya?"

"What do you mean Sky?"

"Kasi tignan mo.. may gusto ka na sa kanya simula first year. Tapos gagraduate na tayo gusto mo pa rin siya. Hindi kaya akala mo lang na mahal mo pa rin siya kasi nasanay ka na sa kanya lang nakatuon yung love life mo? Kasi nga diba buong high school life mo siya lang yung nagustuhan mo? But .. that's just my opinion and.."

"Mahal ko siya Sky.. I may be immature but I know in myself na kapag mahal ko yung tao, mahal ko talaga."

"Nag-aalala lang ako sayo lalo na at wala ako sa tabi mo ngayon. Baka mamaya madaming umaaway sayo dyan."

"Don't worry.. Gaya nga ng palagi mong sinasabi saken. Pinababayaan ko na lang sila. Tsaka you taught me how to be strong eh."

"Good to know..."

"Sky.. he knows my name.."

"Hiro?"

"Yup. Hindi ko maintindihan.. I never said my name kapag nagbibigay ako ng letter sa kanya.. Alam kong sobrang dami ko ng sinulat na love letter para sa kanya pero kabisado ko lahat ng signature na nilagay ko dun."

"Baka naman you accidentally put your real name there..."

"No sky hindi pa.. Sa pang 500 na letter ko pa ipapakilala yung sarili ko.. and OMG!!"

"What?!"

"I forgot to give him my letter.. ayaw niya kasing tanggapin kanina eh.."

"Try mo ulit ibigay sa kanya bukas.."

"Gagawin ko talaga Sky.."

"But Maevee always know your limitations okay... Mamaya sobrang nakukulitan na sayo yung tao... baka masaktan ka na naman niya... Ayokong umiiyak ka ng dahil sa kanya.. He doesn't worth your tears okay.."

"Sky.. kilala mo ako hindi ako susuko.. alam ko dadating yung araw na he will love me in the way I want him to love me."

"Okay.. just be careful baby girl.. sige bye na.. hindi ko sure kung kailan ulit ako makakatawag.. but gagawa ako ng paraan.. masyadong busy dito eh.. I miss you and I love you.."

"I love you too Sky..."

He wave a goodbye and finally sign out.



-+/-+/-+/-+/-+/-+

Yayy! Second chapter done! You already meet Skyler the bestfriend:)
Be ready for the upcoming chapters xx

-ItsAngieeee

Capturing Mr. Popular's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon