Veerah's Pov
I swear! Yun yung pinakanakakahiyang nangyari sakin. Hindi ko naman kasi alam na magpinsan pala sila. Umiyak pa ako ng walang dahilan. Ang sakit kaya nun tapos malalaman ko na magkadugo sila. Yun na din yata yung una't huli naming pagkikita ni Steff eh. Tapos naman after naming matapos ni Sky ng third year high school umuwi na siya sa states. Pero ang alam ko sila pa din hanggang ngayon. Malapit na yata silang mag two years eh. Kami naman ni Hiro malapit na mag four years. Kaso ako lang ang nakakaalam.
Naisipan ko na din umalis sa pwesto ko kanina. Sakto uwian na. Makakauwi na din ako.
Mag iisip na din ako ng plano ko, tutal etong pang 500 na letter ko na...
Wait! Nasan na yun?
"No.. no.. no.. hindi pwede please .."
Binalikan ko yung dinaan ko kanina.. at bumalik sa likod ng school.. pero wala.
"Hindi pwedeng mawala yun.."
Kahit gumawa ako ng bago iba pa rin yung nandoon. Yun yung letter na pinakaespesyal. Tsaka may kasama yung bracelet na ginawa ko para sa kanya..
Bumalik ulit ako sa mga dinaanan ko..
"Nasan na ba yun?.."
Tinignan ko yung laman ng bag ko. Kinalat ko na nga sa daanan.
"Bakit wala ..."
Binalik ko na yung mga gamit sa loob ng bag. Argh! Naiiyak nanaman ako! Sakto naman na dumaan yung tagalinis dito sa school.
"Kuya!"
"Bakit iha?"
"Uhm ano po.. may nakita po ba kayong envelope? Pero maliit lang po. May laman po kasi yung letter at importanteng bagay.."
"Ay pasensiya na ineng.. wala.."
"Ganun po.. pero kapag may nakita po kayo pakisabi saken ah.. madali naman po matandaan yung mukha ko eh.. maganda.. or ako nalang din po maghahanap sayo."
"Sige iha. Tsaka sasabihan ko na din yung iba baka sakaling sila ang nakakita o makakita."
"Nako salamat po ah!"
"Sige iha.. mukhang napakahalaga nun sayo ah.. wag kang mag alala tatanggapin din ni sir Hiro yun.. napakadami na yatang pinagdaanan ng letter na yun ah. Ikaw din madami na.. ngayon ka pa ba susuko?"
Natatawang sabi ni manong.. hala alam niya?
"P-pano niyo..."
"Alam ko lahat iha.. umuwi ka na at ako ng bahala sa hinahanap mo.."
"S-salamat po talaga ahh.. sana po makita niyo.. una na po ako.."
Ang weird naman ni manong.. alam niya daw lahat. Baka nakikitsismis lang din siya. Nako manong talaga. Pero sana makita nila
His POV
Nakakainis! Nakakainis! Damn it!
Papunta ako sa likod ng school. Doon lang tahimik eh. Ang sakit kasi sa ulo nung mga babaeng nagwawala don.Kaso napatigil ako dahil may babae sa may ilalim ng puno. Natutulog. Wow so hindi siya pumasok sa klase niya. At bakit dito din tumatambay to? Nilapitan ko siya at tinitigan. May bakas pa ng luha sa mukha niya. Tsk. Mga babae talaga oh..
"Oy miss, don't tell me gusto mo din siya? Lahat nalang yata ng babae dito gusto siya. Palagi nalang siya. Hindi niyo ba alam na siya ang napapagod sa inyo. Pagod na pagod na nga siya. Sawang sawa na. Normal na tao din naman siya diba? Pero siya, hindi niya magawa yung mga bagay na normal lang. Hindi makapaglakad sa daanan ng walang maiingay at magugulong babae na nag aabang sa kanya. Pakiramdam niya bawat kilos niya nakatanaw sa kanya ang buong mundo at kapag nagkamali siya, huhusgahan siya ng lahat..."
May pumatak na luha sa mga mata ko..
"Woah! Tignan mo miss. Nahawa na ako sayo. Dyan ka na nga. Sleep well. Don't worry his going to love you someday. I know na hindi natuturuan ang puso. But I just know. Malapit na..."
Aalis na sana ako pero naisipan kong umakyat nalang dun sa puno.
Sakto naman at nagising siya. This is not happening. Hindi niya dapat ako makita. Ang cute niya kasi kumakanta siya. Tapos bigla nalang natulala. And then biglang ngingiti. As if she remember something. Her smile. I admit it. She's beautiful.Bumaba na ko sa puno dahil umalis na siya. Tinignan ko yung papel na nasa lupa. Nahulog niya kasi.
"Hiro...tsk..Hiro nanaman..."
Bulong ko at tuluyan ng umalis.
-+/-+/-+/-+/-+/-+
So the question is who is "HIS"?
-ItsAngieeee