Prologue

50.2K 446 160
                                    

---Dedication:  Your story helped me to make one, Kamsahamnida!

TRAILER

Naranasan mo na bang manood ng stage play?

Paano kung sa auditorium na pagtatanghalan nito ay may dalawamg kaluluwa na hindi matahimik?

Papasok ka pa ba?

Isang production team ang magtatangka.

Paano kung sa gitna ng kanilang pag-eensayo ay madama nila ang presensiya ng mga naghihiganting kaluluwa?

Matakasan kaya nila ito?

Samahan sina...

Daryl  at Niko ---ang mga actor sa grupo

Joyce —ang mahusay na actress

Sandy —ang director

April –Ang script writer

Ian - ang head ng Light at sound system

Apple -  Staff ng Costume, Props at Make-up

Cindy — Ang head ng Stage Design

Camille —Ang guro

Kaye —Ang estudyanteng nakakaalam sa mga sikreto.

May humahabol sa kanila.

Isang batang babae na may hawak na stuffed toy na bunny at isang lalaki na ang bulong ay...

Huwag maupo sa...

 Row one!

Napatingin ang actress na si Joyce sa  unang row ng audience seat.

Ano nga kaya ang lihim na bumabalot dito?

A/N

--First time ko ‘ng gumawa ng horror kaya hindi ko maipapangako na matatakot ko kayo.

--Entitled ako na tapusin ‘to bago mag Nov 11, 2011

---Inspiration ko rito ang dalawa sa favorite korean horror movies ko.
(My Teacher at Doll Master)

---Base sa mga friends/church mates ko ang mga names ng characters.

---Credit kay Lee Rabie for the poster. Actually naisip ko ang story na ito dahil sa picture na in-edit niya. Gumawa siya for fun ng movie poster with the title ROW ONE—sabi ko, sige gawan ko -yan ng story then gawan natin ng trailer since malapit na ang Halloween. At heto na nga.

--- Salamat din sa kapatid ko na nagbigay ng ilang mga idea (new comer siya rito sa wattpad: marjoriemarcelino) (edit: yourladyV)

---This story is purely FICTION. Ibig sabihin, hindi totoo!

 (edit/Proofread  June 7, 2017)

Sorry sa mahabang author’s note

Eto na ang story…

 

PROLOUGE

Maganda ang auditorium ng San Victoria University. Malawak  ito at kayang umokyupa ng mahigit sa tatlong libong katao.  

Sa kabila niyon, hindi na ito aktibo.
Mabibilang na sa dalliri ang nagtatanghal o kaya’y nagsasagawa ng mga conference rito.

Iyon ay  dahil sa isang pangyayari.

Noon, sikat na sikat ang auditorium dahil sa walang humpay na pagdating ng mga nagtatanghal.  

Halos linggo linggo iba't iba ang grupo na nasa entablado.
Dinadayo rin ito ng mga estudyante mula sa iba’t ibang paaralan.

Kabilang sa mga dumarayo ay ang dalawang magkapatid.

Ang nakababatang kapatid ay isang batang babae na laging may dalang stuffed toy na bunny. Maganda siya. Mahaba ang buhok at maputi ang balat.

Ang kuya naman niya ay isa nang College Student.
Malaking lalaki ito. Moreno ang balat at medyo mahaba ang buhok.

Naging libangan na ng magkapatid ang manood ng mga stage play.
At sa tuwing nanonood sila ay lagi silang nasa pinakaunahan.
Kinukuha kasi talaga ng nakakatandang kapatid ang pinakamahal na ticket para lang mapanood nila nang mabuti ang pagtatanghal.

Isa sa mga napanood nila ay ang pagtatanghal na hango sa isang fairy tale.

Nagsisimula na ito nang biglang tumayo ang nakatatandang kapatid.

"Magbabanyo lang ako," paalam nito.

Ngiti ang tugon ng mas batang kapatid.

Lumipas ang limang minuto.
Hindi pa rin nakakabalik ang nakatatandang kapatid.

Sampung minuto pa ang lumipas.

Wala pa rin ito.  

Nag-alala na ang nakababatang kapatid.
Hindi naman kasi ugali ng kuya niya na palampasin ang pagtatanghal.

Baka may nangyari na rito.
Baka naligaw?

Hindi sigurado ang nakababatang kapatid, pero dahil nga nag-aalala siya naisip niyang lumabas.

Ang sabi ng kuya niya magbabanyo lang siya kaya nga sa men’s comfort room siya nagdiretso.

Pagdating doon, nakita ng batang babae na may mga estudyante na nagkakagulo.

Nakipagsisikan siya upang makita kung ano iyon.

Napaawang siya nang labi nang makita ng dalawa niyang mga mata ang kuya niya na nakabitin ang katawan.

"K-Kuya..."

Hindi siya makapaniwala na magbibigti ang kanyang kapatid.

Sa kabila nang pangyayaring iyon ay hindi pa rin nahinto ang mga pagtatangghal.

Hindi rin natinag ang nakababatang kapatid sa panonood.

Isang play ang pinuntahan niya nang mag-isa.
Oo. Mag-isa lang.
Mag-isa siyang umupo sa pinakaunahan ng audience seat.
Yakap niya sa kanyang mga braso ang stuffed toy na bunny.

Bagama’t namumugto ang mga mata, hindi nawawala ang tingin ng nakababatang kapatid sa mga nagtatanghal.

Nang matapos ang play.
Kasabay nang pagsasara ng kurtina ay ang pagbagsak sa sahig ng stuffed toy na bunny.

"Ah, nahulog!" sabi ng magandang babae na katabi ng nakababatang kapatid.
Dinamapot nito ang stuffed toy.
"Eto. Ah!" Biglang natigilan ang magandang babae.
Nakita niya kasi na bumubula ang bibig ng batang babae na katabi niya.

"Aaaaahhh!"
Napasigaw ang magandang babae.

Saka lamang nila napagtanto na uminom pala ito ng lason.

Mula noon, naging madalang na ang nagtatanghal sa auditorium.

Kinatakutan na ito, sa paniniwalang nakaupo pa rin sa pinakaunahang row ang kaluluwa ng magkapatid.

Row OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon