III GALIT AT PAGHIHIGANTI

16.8K 185 57
                                    

Kinatok ni Teacher Camille ang bahay nina Kaye.

Isang matandang lalaki ang nagbukas ng pinto nito.

“Magandang araw po, ako po si Teacher Camille.  Nandiyan po ba si Kaye?”

Hindi sumagot ang matanda.

Nilakasan ni Teacher Camille ang boses niya. “Si Kaye po!”

“Ah ang apo ko? Nasa loob. Pasok kayo.”

Pinatuloy ng matanda sina Teacher Camille, Daryl at Niko.

“Maupo muna kayo. Tatawagin ko lang ang apo ko." Umalis sandali ang matanda.

“Lolo pala siya ni Kaye,” wika ni Daryl bago siya umupo.

Umupo na rin si Niko at Teacher Camille.

“Pasensiya na po kayo Teacher Camille, napasama pa kayo sa amin,” sabi ni Niko.

“Wala 'yon. Basta kung ano man ang maririnig n'yo kay Kaye, 'wag n'yong masyadong didibdibin. Wala pa kasing kasiguraduhan 'yon.”

Tumango si Niko pagkatapos ay iginala niya ang kanyang mga mata.
Pinagmasdan niya ang buong bahay.

Maliit lang ito, pero maraming display.
Marami ring mga picture frame sa tokador.

“Ah!”

Napatayo si Niko nang mapansin ang isa sa mga larawan.

“Bakit kuya Niko?” tanong ni Daryl.

Hindi sumagot si Niko bagkus ay nilapitan  nito at hinawakan ang nakitang larawan.

Ang nasa larawan ay si Lee Sarmiento. Ang lalaking nagpakamatay noon sa comfort room. Ito rin ang kuya ng batang babae na may dalang stuffed toy na bunny.

Higit sa lahat… ito si Lee na kaibigan nina Sandy, Ian at Cindy.

Napatayo na rin si Teacher Camille. “May problema ba?” tanong nito.

Nanatiling walang kibo si Niko.

Kasabay niyon ang pagbalik ng matanda kasama si Kaye.

“Bakit kayo nandito?” tanong ni Kaye.

Tumayo si Daryl. “Pasensya na sa abala. May gusto lang kaming malaman!”

Napansin ni Kaye ang picture frame na hawak ni Niko.

Bakit mo hawak 'yan?” Dali dali niyang kinuha ang frame.

“Kaye. Actually may gusto lang silang malaman tungkol sa multo ng auditorium,”  sabi ni Teacher Camille.

“Multo ng auditorium? Bakit? Naniniwala na ba kayo na may multo do'n?”

Nagkatinginan lang sina Niko at Daryl.

“Gusto lang talaga nilang malinawan, pero kung ayaw mo naman magsalita, okey lang. Aalis na kami,” sabi ni Teacher Camille.

Ready na siyang umalis nang biglang tumunog ang phone ni Daryl.

“Hello? Oh, Joyce! Bakit? Wait lang Joyce, huminahon ka. Ano bang nangyari?”

“Daryl... Daryl...Wala na si Apple!” Humihikbi nitong sabi sa telepono.

Natigilan si Daryl.

“Bakit? Ano raw nangyari?” tanong ni Niko.

Dahan dahan ang pagbaba ni Daryl sa phone. “Kuya Niko… wala na si Apple.”

Row OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon