Ano itong nakikita niya?
Tarpaulin para sa nalalapit na palabas ng Y.S. Production sa kanilang school?
Pero bakit?
Bakit sila magtatanghal dito?Iyon ang tanong ng nag-aalalang si Kaye Salvador.
Si Kaye ay estudyante ng San Victoria University.
Maganda siya. Umaalon ang mahabang buhok at maputi ang balat.
Payat siya ngunit hindi iyon kabawasan para hindi siya magmukhang matapang.Sobra ngayon ang kanyang pagtataka dahil nalaman niya na papunta sa school nila ang Y.S. Production.
Ang Y.S. Production ay isa sa mga kilalang producer ng iba’t ibang stage play. Nito lamang nakaraang dalawang taon ay sunod sunod ang naging papuri sa grupong ito.
Tiningnan ni Kaye ang iba pang mga estudyate. Umasa siya na tulad niya ay matatakot din ang mga ito, ngunit hindi. Puro malalaking ngiti ang nakita niya sa mga ito.
“Andiyan na sila! Andiyan na sila!” sigawan ng mga estudyante.
Dumating na kasi ang van ng Y.S. Production.
***
Sinalubong ni Maam Morena, directress ng San Victoria University ang team ng Y.S. Production.
“Mabuti naman at nakarating kayo,” masayang bati ni Maam Morena. Matanda na si Maam, pero maganda pa rin. Kung hindi ito naka-uniforme puwede itong mapagkamalang donya. Kasama nito ang assistant na si Teacher Camille Sabado.
Kinamayan ni Maam Morena ang team leader na si Miss Sandy De Vera.
“Miss Sandy, nice meeting you—ito nga pala ang assistant ko na si Teacher Camille, siya ang magiging guide n'yo rito sa aming University,” sabi ni Maam Morena.
“Hello po,” bati ni Teacher Camille. Si Teacher Camille ay isang masipag na guro na focus sa History. Mataas ito at morena ang kulay. Madalas nitong ipuyod lamang ang buhok.
Ngumiti ang Team leader na si Sandy De Vera. Isa naman itong seksing babae na maiksi ang buhok.
“Actually hindi ko pa kasama ang buong team. Nauna lang kami para tingnan ang vicinity,” sabi ni Miss Sandy sabay sulyap sa dalawa niyang kasama. Isang lalaki at isang babae. “Gusto na sana naming makita ang auditorium. Kung okey lang?”
“Walang problema. Sasamahan kayo ro'n ni Teacher Camille.Teacher Camille, ikaw na ang bahala.”
“Yes maam!” malumanay na sagot ni Teacher Camille. “Halika po kayo…”
Pinangunahan niya ang paglalakad.Sumunod naman si Sandy at ang dalawa niyang kasama.
“So, kailan po darating ang iba n'yo pang kasama?” tanong ni Teacher Camille.
“Actually on the way na ngayon ang ilan sa mga best actors namin kasama ang sript writer. Iyong iba sa mismong araw na ng play darating."
"Gano'n po ba?" Ngumiti si Teacher Camille.
"Balak sana namin na dito na matulog. May mairerekomenda ba kayong hotel?" tanong ng lalaking kasama ni Miss Sandy na si Ian Ueda.
Isa itong matangkad na lalaki na pahaba ang mukha.“Hotel po ba? Puwede po naming ipagamit sa inyo ang Hotel ng University,” sabi ni Teacher Camille.
Hanggang sa marating na nila ang building kung saan naroon ang auditorium.
***
Sandaling napahinto sa paglalakad si Cindy Buenavista.
Si Cindy ang isa pang kasama ni Miss Sandy.
Isa itong maliit na babae na mayroong maamong mukha. Nakalugay lamang ang hanggang balikat nitong buhok.
BINABASA MO ANG
Row One
Mystery / ThrillerMadalas pagtanghalan ang auditorium ng San Victoria University. Nalaos lamang ito matapos mapabalita ang pagpapakamaty ng isang batang babae. Mula noon naging usap usapan na sinomang umupo sa pinakaunang row ng auditorium ay dinadalaw ng namatay na...