Author's Note: Sagot sa Mga Tanong

921 22 6
                                    

Busy ako, pero siningit ko ito.
Gusto ko kasi magpasalamat sa lahat ng bumasa ng Row One.
Hindi ko inakala na may tatangkilik sa first horror story na ginawa ko.
Dati may ginawa ako, pero pa-camera script. For amateur film. The Adopted ang title.

May isinulat akong bago.
Hindi siya horror pero may pagka mystery. One shot lang 'yon.
Isinali ko sa contest.

The Image ang title. (Check it sa My Short Stories)


Ito nga pala ang mga questions ng readers na gusto kong sagutin.

Sino ba talaga ang girlfriend ni Lee?

As I remember si Sandy lang ang sinabi ko na girlfriend ni Lee. I think I intentionally didn’t say na may gusto lang sa kanya 'yung ate ni Kaye para readers na ang mag-isip. Nagtagumpay naman ako kasi may nabasa akong comment na nakapagsabi n'on. In short may gusto lang talaga ate ni Kaye kay Lee pero hindi siya gusto ni Lee. Factor na rin kung bakit siya nag-suicide.

Saan galing 'yung lason na ininom ni Joy?

Hindi ko alam. Hahaha. Bahala na kayo mag-isip. Basta  sa point na iyon masasabi na may pagka-weird na si Joy kahit bata pa lang siya. No wonder kung bakit sa pagtanda niya ay nagawa niya pumatay.
(Pero ang totoo nakatira na si Joy sa mga umampon sa kanya na doktor. Sa kanila siya nakakuha ng lason.)

Bakit maraming characters?

I think hindi na po mabubuo ang story kung isa o dalawa lang ang characters. Inspiration ko talaga rito ang pinaka-fave horror movie ko na My Teacher.
(I tried na I-build pa ang bawat character tulad ng ginawa ko sa story ko na Kizuna. Ewan ko lang kung nagtagumpay ako.)

Bakit ang sabi dalawa ang babae na kasama ni Sandy pero isa lang naman?

That’s a technical error. Thank you for pointing that. I’m actually thinking na si Sandy at Cindy 'yon. Actually sobrang maraming error ang story na ito lalo na in terms of technicality. Hindi ko naisulat si Niko sa una. Tapos 'yung sa isang part sa halip na Sandy, Cindy ata ang naisulat ko… kaya salamat sa mga nag-comment n'on—so I can edit--- 'pag may time. Wala rin kasi akong proofreader o time para mag-proof read… kasi malabo na ata ang mata ko.

Paano nakangisi 'yung batang may dalang bunny eh, nakatahi ang labi?

Animo’y nakatahi ang labi. Correct me if I’m wrong—Animo’y is parang.
Parang nakatahi lang ang labi niya.

Bakit nakikita pa rin nila si Joy kung si Joyce ang talagang killer?

Imagination lang talaga iyon nina Apple at Cindy dahil sa sobrang takot nila.

Iyon lang ang mga naalala kong tanong. Kapag may naisip pa ako i-eedit ko na lang ‘to.

Salamat po!

Row OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon