Nabangga si Cindy ng malaking trak.Ayon sa nakabangga hindi raw niya ito naiwasan dahil sa biglaan nitong pagtakbo sa kalsada.
Mula sa sikat na production team si Cindy kaya naman naging laman agad siya ng mga balita.
“Ano ba naman 'yan! Ngayon pa naaksidente si Cindy! Paano na lang ang show natin!” reklamo ni Miss Sandy.
Napatingin sa kanya si April.
Sila lamang dalawa ang magkasama sa auditorium ng San Victoria University.
Nagpunta kasi ang iba nilang mga kasama sa morge.
“Sandy, hanggang ngayon ba trabaho pa rin ang laman ng isip mo? Baka nakakalimutan mo, hindi lang basta simpleng aksidente ang kinasangkutan ni Cindy. Nabangga siya ng trak. Nagkalasog-lasog. Patay na siya!"
Pinagdiinan ni April ang huli niyang tatlong salita.
Bigla rin siyang naging emosyonal. Hindi na niya napigil ang pag-iyak, habang si Sandy ay napababa lang ng tingin.Huminga nang malalim si April. Kahit papano ay gusto niya pa rin magpaka-propesyonal.
“Hindi sa ayokong ituloy ang play, pero sa tingin ko mas mabuti kung ipagpapaliban muna natin ito bilang respeto sa pagkawala ni Cindy,” sabi ni April.
“Are you insane?!” Biglang napalakas ang boses ni Sandy, “Look, April! Malaki na ang nagastos natin sa promotion pa lang kaya hindi pwedeng hindi ito ituloy. Hindi naman kawalan si Cindy dahil staff lang naman siya."
"What are you talking about! Kaibigan natin si Cindy!"
"Yes, I know! Pero intindihin mo naman sana ako. Bukod sa pagiging direktor ako rin ang producer ng play na ito. Sige, isipin n'yo na na makasarili ako pero this is business! Hindi ito pwedeng huminto nang dahil lang sa kapabayaan ng isang miyembro.”
“Talaga bang naniniwala ka na nagpabaya si Cindy kaya siya naaksidente?”
“Anong gusto mong isipin ko? Na sinadya ng driver na banggain siya?”
“Hindi ko alam, pero hindi naman basta sasalubungin ni Cindy 'yung trak nang ganun ganun na lang. Naisip ko, hindi kaya may kinalaman dito iyong sinasabi ni Cindy na lalaking nakaputi na nakita niya?”
“April pwede ba! Tigilan mo ko sa mga multo-multo na iyan! Itigil na nga natin ang usapang 'to. Basta, tuloy ang play!” sabi ni Sandy bago siya umalis.
“Excuse me po…”
Hindi natuloy ang pag-alis ni Sandy dahil biglang dumating si Apple.
“Oh, nandito ka na pala. Kumusta do'n? Natawagan n'yo na ba ang family ni Cindy?” tanong ni Sandy.
“Si Ian na raw po ang bahala."
"Good."
"Pero direk, may problema po.”
“Anong problema?”
“'Yung iba pa po nating mga cast at crew parang ayaw na po nilang pumunta rito,” sabi ni Apple.
“Ano? Bakit daw?” natatarantang tanong ni Sandy.
“Narinig po kasi nila ang kuwento tungkol sa multo dito sa auditorium kaya natakot na po sila. Marami ang nag-iisip na kaya naaksidente si Cindy ay dahil sa multong 'yon.”
“That’s not true!" alma agad ni Sandy. Napahawak ito sa noo niya.
"Aist! Hindi puwede 'to! Tawagan n'yo sila! Sabihin n'yo na mawawalan sila ng trabaho kapag hindi sila nagpunta dito!” galit na sabi ni Sandy bago itp lumabas ng auditorium.
BINABASA MO ANG
Row One
Mystery / ThrillerMadalas pagtanghalan ang auditorium ng San Victoria University. Nalaos lamang ito matapos mapabalita ang pagpapakamaty ng isang batang babae. Mula noon naging usap usapan na sinomang umupo sa pinakaunang row ng auditorium ay dinadalaw ng namatay na...