Life, Tadhana, And You

47 1 0
                                    

Ganun naman talaga ang buhay, diba? Minsan, may mga taong darating nalang bigla, nang hindi natin inaasahan. Makikilala mo lang sila sa tamang panahon at tamang lugar. kahit di niyo subukan, palagi at palaging babangga ang tadhana ninyong dalawa. At siyempre... siyempre, may mga taong aalis sa buhay natin. Minsan hinihintay mo na, minsan di mo inaasahan. Pero ang laging sigurado, ang laging hindi aalis, ay ang sakit kapag wala na sila.

May dahilan kung bakit tayo nagkita, at malamang sa malamang may dahilan kung bakit tayo naghiwalay. habambuhay na ba tayong di magkikita? Di ko alam. Ayoko nang alamin. Di na yun importante. Ayoko naman ding matigang kakahintay sa iyo. Malayo ang England. Di pa kita kayang sundan. Alam kong di gagana ang LDR. Di na natin sinubukan, kasi ayokong sa huli lalo pa tayong magkasakitan. Mas ok ang ganito.

Alam mo? Pinanood ko yung eroplano na sinasakyan ninyo. Pataas ng pataas hanggang sa maging tuldok nalang siya sa langit. Dalawang bagay lang ang nasa isip ko nun: Una, kaputa-putahan ng putangina naman, bakit ang layo layo ng England sa Pinas. At pangalawa: ayokong magmukmok sa kwarto ko at umiyak ng umiyak. Gusto kong iimprove ang buhay ko, para pag nagkita tayo ulit, at least di ko sinayang ang oras ko.

Kaya eto, bumabawi na ko sa mga grades ko. Umaasenso kahit papano. Nagpapa-fit ng katawan, naghahanap ng part time job around ust para kumita naman ako kahit konti. Balita ko big time ka na daw dyan ah- nagtuloy ka pala ng pre-med at may scholarship ka pa.

I know isang taon na, pero wala pa rin akong bago. Mukhang ikaw pa din eh. Pero tiwala lang: darating din yan. Baka tayo talaga sa huli, or baka hindi pa natin nakikilala yung taong makakatuluyan natin... pero darating yan.

If ever na nalulungkot ka, tumingin ka lang sa langit. Chances are, nakatingin din ako doon.

if ever na naglalakad ka tas naramdaman mong may kasama ka, wag kang matakot hindi yan multo. Ako yon na nagmamahal sa yo, kahit nasan ka man.

Nakilala kita ng exactly August 24, 2011, sa isang malamig na umaga sa high school natin.

Naghiwalay tayo ng May 27, 2015. Hinalikan mo ko sa labi bago pumasok sa airport, papunta sa eroplanong maglalayo sa tin.

You're my biggest what-if, the one that got away.

Until next time.

Used-to-be-yours truly,

Raphy


Raphy

2018

College of Accountancy

The Ust Files RejectsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon