Alam niyo yung kantang "half of my heart" kay John Mayer? Story of my fucking life. I mean, what are the odds.
Lumaki akong hiwalay ang parents ko, which is a lovely example of how love never lasts. At least, sa paningin ko. Growing up, nakikita ko yung mga friends ko na may normal na nanay at tatay na mahal ang isa't-isa; hindi kagaya ng magulang ko na nagpapaulan ng mura at nagbabatuhan ng mga gamit sa sobrang galit nila. At ang laging nasa isip ko palagi: I can never have that. Anything remotely long term is out of the question for me.
Nakita ko sina mama at papa na nasaktan at nagunaw ang mundo dahil iniwanan sila ng taong nag-promise na di sila iiwanan, and I swore to myself that would never happen to me. So nung nag-binata na ko, alam ko ang gusto ko. Sabi nga nila, "flirt flirt" lang. Walang commitment. If ever na nafall siya sa ibang guy, and clearly she wanted more than that, then fine. Thanks for the memories. Then move on, walang bagahe, walang pusong nasaktan. Attachment? Hah. Big no-no.
I always make it clear sa girl what I want, what I can only give. Never akong nagsabay siyempre- common courtesy na yon sa babae. But of course, same results: it never lasts.
Nagsimulang magbago ang lahat nung Paskuhan 2010, nang may nakita akong malungkot na archi student sa may Rosarium. I approached her. Turns out, kaka break lang nila 1 week before. Dun sila laging nagkikita.
"Bakit naman?" sabi ko.
"May nakilala na siyang iba, syempre. Nakakainis, no? Ibibigay mo yung puso mo sa isang tao, tapos parang wala lang sa kanya."
"Hindi ka kasi dapat nagbigay ng marami. Don't make risks you know you can't afford. Golden rule yon."
Napangiti siya. "Punyeta ka, close ba tayo?" At dahil bawal mag-isa pag manonood ng fireworks, at wala naman din akong matinong gagawin that night, I spent the rest of the event with her.
Naging close kami. She's different, and I don't mean her personality nor her looks. Maganda siya, sure. Maganda rin ugali niya, and that's great. Pero... may something sa kanya na ngayon ko lang naramdaman. I never believed in love. My parents did: look how well that ended up. Pero dahil sa kanya, parang gusto ko na ding maniwala.
Umabot sa point na naging MU na kami. She really likes me and I do too, pero I know deep down I'm not the guy for her. Naniniwala pa din siya na may "true love", na may taong darating sa buhay mo at hinding-hindi siya iiwanan. Hinihintay niya yung araw na magkakilala sila, and I know she's secretly hoping that's me. She's secretly hoping I will change. But... I just can't.
Ayoko siyang saktan. Paano kung, for the first time, naging committed ako, then realizing hindi ko pala gusto yon? I just couldn't love her 100%. Laging may part sa puso ko na para sa kin lang, na bawal galawin. Ganito na talaga ako. Paano kung hindi na ko nagbago? She deserved far better than me. So I did the stupidest, most selfish thing I've ever done: I let her go. I walked away.
Pag napapadaan ako sa ust, at lalo na sa Rosarium, laging kumikirot and dibdib ko. Napakasakit. Pero that's the right thing. Wala siyang future sa kin.
Alam kong may makikilala pa siyang lalaking magpapasaya sa kanya, na mas mapagbigay, hindi kagaya ko. Alam kong isang araw magiging asawa rin siya, at magiging nanay sa mga cute na anak. Tapos tatandang masaya at hindi nag-iisa. I want that life for her.
But she can never have that with me.
Clarisse, I'm sorry that I left you.
Say hi to your husband and kids for me.
Tambay sa Rosarium
2011
College of Rehabilitation Sciences
BINABASA MO ANG
The Ust Files Rejects
RomanceKoleksyon ng mga kwentong masarap basahin sa Ust Files... Eh hindi nga lang naupload. Hindi kasi totoo eh. Meron bang forever? Siya na ba si Mr. Right? Bakit andaming breezy ngayon? Bakit madami tayong "The One That Got Away"? From friends naging s...