Minsan pero hindi palagi, sa barkada, laging may isang tao na:
1. Ang galing magbigay ng advice about sa love
2. Magaling na matchmaker, at most likely siya ang dahilan bakit naging kayo ng jowawers mo
3. Pero single. Plus points kapag siya lang sa barkada niyo ang walang karelasyon.
Tendency ko na yun palagi since hs pa na mangreto kapag crush ng kaibigan ko yung isa sa mga kaibigan ko. Most of the time, honestly, masaya siya lalo na pag alam mong tama sila sa isa't-isa. May certain satisfaction kang mararamdaman kapag nagpapasalamat silang dalawa sa yo kasi ikaw yung naging tulay. Never kong tinuring na mali yung ginagawa ko. I'm just making other people fall in love. I don't think there's anything wrong with that. Nagiging problema lang siya kapag may gusto ka pero may katropa kang gusto rin siya.
Nangyari sa kin yon last year. I met this ridiculously amazing girl. Nung orientation sa NSTP napansin kong mag-isa lang siya, so I approached her and asked for her name. We quickly became friends and I introduced her sa barkada ko. Turns out nawala siya sa pila nung enrollment kaya di niya naging kaklase mga friends niya. It didn't take me long to develop feelings for her, pero medyo na-intimidate ako kasi sobrang ganda na nga niya, mayaman pa, matalino pa, magaling kumanta, mabait... I know mahirap maniwalang may ganyang klaseng babae, but it's true.
Naging close kaming dalawa. Ako ang naging sandalan niya kasi marami siyang family problems, and I'm just there for her. I feel special since ako lang ang sinasabihan niya ng mga pinakamalala niyang problema, yung mga sikretong matagal na niyang tinatago. I realized there's more to her than just a "perfect" girl, that I began to see her more fragile side, a side she doesn't want anyone to see. And I'm happy because she's opening up to me. Gustung-gusto ko na siyang ligawan pero nag-aalangan pa din ako kasi she's way, way out of my league. Di naman ako sobrang pangit but I'm nowhere near her.
I guess, yung pagkatorpe ko ang nagpatalo sa kin. Isa sa mga barkada ko ang nagpareto sa kin. Hindi ko naman siya matanggihan- anong klase kang kaibigan kung sinabihan mong hindi pwede diba. Tsaka matino naman yung kaibigan kong eto- and, although I hate saying it- siya ang may itsura. (Crush nga siya ng ilan naming kablockmates.) Pwede siyang makipagsabayan sa kanya.
Eh ayun, January this year naging sila. Nung debut niya, she thanked me for being the bridge between them. The same lines I've been hearing for years. I put up a smile, joked around. Siya lang yung nakaramdam na may dinaramdam ako. Tumambay nalang ako sa mobile bar, para kahit papano wala muna akong maramdaman just for one night.
Her: Uy, Ralph. (di ko tunay na pangalan)
(Hinarap ko siya.)
Her: I know something's wrong.
Me: Huh? Wala no hahaha. Ang saya-saya ko nga eh- debut mo, naging kayo na... and I'm drinking.
(may tama na pala ako nun ah. Nagserve kasi sila ng tequila, which is my favorite poison.)
Her: You know, kung ano man yan, nandito lang ako. Lagi kang nasa tabi ko nung down ako, I'd be happy to return the favor.
Me: Annie (again, di tunay na pangalan)... d'you think... pag niligawan kita, may pag-asa ba ko sa yo?
Her: May gusto ka sa kin?
Me: Halata ba?
Her: Naghinala ako, pero ayokong mag-assume... Ralph, I was actually waiting. Never kang pumorma or nagpakitang may gusto ka sa kin, so hindi ko alam. Then dumating si Eman...
Me: Natakot ako. You're way out of my league.
Her: Mahal ko si Eman, Ralph. I'm sorry.
Me: I know. I think bagay kayong dalawa. Keeper yan, ako na nagsasabi.
At eto na naman ako, nakatunganga sa bahay, lumalamon ng chichiria at ice cream habang nanonood ng tv. Habang sila, ayun. I'm happy she's happy, ok lang talaga. Ang hindi lang ok sa kin is sana ako yung dahilan kung bakit siya masaya. I kept thinking what might've been kung naging matapang lang ako at lumundag sa di-kasiguraduhan.
Sino ba ang naiinlove kay Cupido?
The Matchmaker
2018
Faculty of Arts and Letters

BINABASA MO ANG
The Ust Files Rejects
RomanceKoleksyon ng mga kwentong masarap basahin sa Ust Files... Eh hindi nga lang naupload. Hindi kasi totoo eh. Meron bang forever? Siya na ba si Mr. Right? Bakit andaming breezy ngayon? Bakit madami tayong "The One That Got Away"? From friends naging s...