My Sassy Girl

40 0 0
                                    

My Sassy Girl

First year college, June 2006.

I met you at a strange time in my life. Or rather... my life became strange when I met you.

Kilala siya sa section namin as the "hot tomboy", the "tigress". Magandang babae pero ugaling lalaki. She's not like most girls in our class... actually, when I think about it, I've never met a girl like her. She's tough, confident, and sometimes even scary. Beast mode na kung beast mode. Lumalabas ang bankai niyan kapag galit na galit, and trust me, I've seen it a few times. Oh, and to clarify: hindi siya tibo ah. Hot tomboy lang tawag namin sa kanya kasi tomboyish ang fashion niya nun- polo, jeans, sneakers, etc. She never wears makeup and prefers playing video games than shopping. Mas adik pa siyang magdota kesa sa kin (nung nag 1v1 kami sf vs sf kinain niya ko. hahaha.)

I took an interest in her since magkatapat lang ang dorm na tinutuluyan namin. Minsan, tinanong ko yung mga barkada kong boys kung bakit walang nanliligaw sa kanya. Sagot sakin?

"Pare, nakakatakot siyang ligawan. Pag sumablay ako baka bayagan lang ako nun."

But I did. Ako lang sa min ang nangahas manligaw sa kanya. Naalala ko nung College Week namin may event na magbibigay ka ng rose sa kung sino gusto mo (sakto kasing feb 14 nun) kaya bumili na ko; nung tinanong ng friends ko para kanino, sinabi ko para sa kanya. Sabay-sabay silang napa "HAAAA?!" at nangakong magpapareserve na sila ng ataul para sa kin. I ignored them and hunted you down. Nang nahanap na kita, pawis na pawis na ko sa sobrang init at kakaakyat baba ko sa mga rooms. She raised her eyebrow and frowned.

"So ibibigay mo lang sa kin tong 30 pesos na rose na binili mo sa campus na sampung piso lang sa labas, habang nagmumukha kang tanga dyan- basa sa pawis at pang rapist ang ngiti?"

I nodded.

"Good. I like the effort."

We started dating after that. Pero- as you can guess from the title- kaugali niya yung girl sa My Sassy Girl. Mahilig siyang manuntok, manabunot, mangharot pag nanggigigil. She's extremely fickle- gusto ganito, tapos di na pala, tapos gusto niya pala yun ulit. Minsan, nung nanonood kami ng movie sa SM, halfway through the film bigla nalang siyang nagsawa tas kinaladkad ako sa labas, kaharap namin ang kalsada. Nilibre niya ko ng ice cream tas dun lang kami hanggang sa nagsara yung mall. When I asked her bakit, ang sagot lang niya:

"Alam kong di mo trip ang rom-com, at walang thrill pag hindi trip ng kasama mo yung pinapanood. Pero we both like ice cream, kaya yan."

Hanggang natapos ang movie, andun lang kami. Pinapanood ang mga kotse sa kalsada habang kumakain ng ice cream. And although medyo burat ako nun since gumastos ako para sa wala, masaya din ako kasi at least kasama ko siya at parehas kaming nag-eenjoy sa isa't-isa.

One thing about her that stands out: she's just about the most honest person I've ever met. Diba minsan sa magkakaibigan, kahit di mo trip or di mo gustong gawin yung isang bagay, napapagawa ka nalang kasi gusto mong kasama mga kaibigan mo? It's our way of affirming to our friends na we are friends. Pero siya...hindi siya ganun. Kung ayaw niya, sasabihin niya, honestly and with no bias. She will tell you exactly what is wrong with you. Maiisip mo medyo brutal siya, pero alam mong pag ngumiti siya, pag tumatawa siya, iyon ay totoo. Genuine siya. I've always liked that about her.

She's always unexpected and doesn't have a one-track mind. Laging siya yung magdedecide kung anong gagawin naming dalawa. Always looking for the next adventure. Eh ako naman, sunod lang ng sunod. Kasi gusto kong malaman kung anong mangyayari sa min. She taught me to enjoy the present, and there's no one else I'd rather be with my side, doing one crazy shit after another, than her.

At maniwala kayo, andami naming ginawang kagaguhan. Meron nung inakyat niya yung dorm ko para maglaro ng xbox kahit na bawal ang bisita pag gabi na (and NO, wala kaming ginawa nun. Nag-xbox lang. Wag green ang isip.) Kasama ko siya nung pinuno namin yung buong corridor ng floor ng college namin ng plastic cup na may tubig. Imagine niyo, isang buong corridor punung-puno ng isang katutak na basong may laman. What a night, that was. And that's just the tip of our crazy-ass iceberg. Although of course, kuntento lang din kaming maglaro ng video games buong maghapon. Siya ang aking player number two, hehehe :D

But I guess every good thing ends. Nag-break kami pagkatas naming grumaduate. We both wanted different things in life- gusto niyang mag-nurse sa ibang bansa, ako naman gusto kong magtuloy sa med. Alam namin na sasaktan lang namin ang isa't-isa pag nag long distance kami- it will never work that way between us. So we did the harder, more painful thing and let go, for the sake of our future.

Before that though, we made one final promise: pag nagkita ulit kami nang hindi sinasadya, at single kami parehas, at may natitira pa kaming feelings sa isa't-isa... yun na yon. Kami na.

(oh, and kung interested kang malaman: nagbabaan kami ng bandera nung kami pa. First namin ang isa't-isa. Yun lang.)

Dumaan ang mga taon. Along the way may ilan akong naka-relasyon, but none of them lasted. I guess yung hinahanap ko sa babae, sa kanya lang talaga. I never tried establishing contact, natatakot akong malaman kung meron na ba siya or may asawa na. Inasa ko na lang sa hangin. Di ko namalayan na halos sampung taon na pala ang lumipas since nakilala ko siya. Patapos na ko sa residency ko, working in a good hospital. Hindi pa rin tayo nagkikita. Sumuko na ko.

During a regular day at work, may napunta sa king pasyente. Pneumonia, pero fairly stable na. On recovery. Nagulat ako kasi pangalan niya yung nakasulat. Lumukso ang dugo ko nun, nanlamag ang kamay ko nung nakita ko siya sa room. My sassy girl, my ex from college. Still beautiful as ever, pero maputla at payat dahil sa sakit. She weakly greeted me.

"Heh. Sabi ko na nga ba eh, magkikita rin tayo. Miss me?"

I smiled.

That was one month ago. I'm currently dating her again, at never pa kong naging ganito kasaya since nung nagkakilala kami sa college. We're catching up the past 10 years, at andami naming kwento sa isa't-isa. I can safely say... eto na yung babaeng pakakasalan ko. Hindi ko na to pakakawalan, at baka hampasin pa ko nito sa galit hahahaha.

I love you, my sassy girl.

Gyeon-Woo

2013

Faculty of Medicine and Surgery

The Ust Files RejectsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon