Chapter 5

16.5K 81 0
                                    

Chapter 5

Brylle's POV

Nung makaalis si Karylle ay hinanda ko ang sarili ko. Actually nagleave ako ngayon sa trabaho para isurprise siya and to propose. Papakasalan ko siya.

Lumabas muna ako para bumili ng mga kakailanganin ko. Nagpunta ako sa flower shop at naghanap ng roses. Kulay pink, yun ang gusto ni Karylle.

Madami ang binili ko dahil plano kong lagyan yung sahig.

Gusto kong punuin ng papel na may mga sulat na gusto kong sabihin sa kanya. Gusto ko ding may nakasabit na mga balloons, pink and black.

Oo alam ko, napaka.OA ng ginagawa ko at pang babae pero lulunukin ko ang ego ko para mapasaya siya at mapatawad niya ako.

I bought a cake at ice cream dahil gusto niya yun. Tsaka mga balloons.

Pagkatapos nun ay umuwi muna ako sa condo niya. Bakit dito ko napiling magpropose? Dahil napakadami ng alaala namin dito. At para nadin di siya tumanggi, diretso niyang makikita diba?

Nilock ko ang pinto at saka lumabas ulit. Nagpunta ako sa mall para bumili ng singsing.

"Miss pwede po bang magpacustomize nito?" Itinuro ko yung silver ring na infinity ang design.

She keeps on telling things about infinity and i love it when she smiles because of the infinity sign.

"Yes sir."

Sinabi ko sa kanya kung ano ang gusto kong ipalagay at tumango naman ito.

Baby. Please be mine forever. Di ko mapigilang ngumiti.

Karylle's POV

"Sigurado ka na ba dito Karylle?" Tanong ni Jaared. Napangiti lang ako at tumango.

"Eh asan mga gamit mo?" Obviously aalis ako at uuwi muna sa probinsya namin. Gusto kong kalimutan si Brylle.

"Wala. Di na ko magdadala." Tumango tango naman ito.

Nasa park kami at naguusap. Nakita ko lang siya kanina habang naglalakad lakad ako.

"Sasama ako ha?" Nakangising sabi nito.

"Ayoko nga. Manggugulo kalang dun eh. Haha." I laughed.

"Ehhh Sige na. Sama na ako." Napanguso ito kaya tinawanan ko siya.

"Ang pangit mo!" Pinitik ko siya sa noo.

Nangulit pa siya ng nangulit hanggang sa pumayag na ako.

"Nadadaan ka naman pala sa pangungulit." Tumawa ito atsaka tumayo.

"Saan ka pupunta?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Tara alis na tayo." Sabi nito.  Akala ko nagbibiro lang siya kaya tinawanan ko siya.

"Baliw ka. Kailangang magbarko para makarating sa probinsya namin. Tsaka ilang oras yun." Totoo yun. Manila papuntang Negros? Malayong malayo.

"Kaya nga aalis na tayo ngayon para hindi ka gabihin. Diba?"

"Eh may trabaho pa ako eh tsaka di pa ko nakapagfile ng leave." Sabi ko. Wala akong planong magresign dahil babalik naman ako.

"Eh? Akala ko ba uuwi kana for good?"

"Baliw. Hindi. Bakasyon lang. Magrerelax." Tumayo na ako at sumunod sa kanya.

Ipapaasikaso ko nalang kay Anne, katrabaho ko, ang documents para sa pagleave ko.

Umangkas siya sa motor niya kaya umangkas na din ako.

Sana sa pagbalik ko, makalimutan mo na ako at makalimutan na kita, Brylle. Kahit ilang araw lang yun. I'm letting you go. I'm happy for the both of you.

Brylle's POV

Hinihintay ko si Karylle na makauwi pero wala padin siya. Mag-e-eight na ng gabi pero baka naman nag-overtime siya.

Napangiti ako. She'll loved this. I know she will. Tiningnan ko ang singsing na binili ko.

Rylle

Oo alam ko ang corny. Tsk. We both have it in our names. Brylle and Karylle.

Inaantok na ako.

         Nagising ako at 10 na ng gabi. Nakatulog pala ako kakaantay sa kanya. Kinakabahan ako kasi di padin nakakauwi si Karylle o baka naman nakauwi na pero tulog ako? Ugh!

I dialed her number pero out of coverage.

"Damn baby. Don't make me feel nervous." Pabalik balik na lakad ko habang patuloy na dinadial ang number niya.

Karylle's POV

"Can I court you Karylle?" nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwala. Ilang oras na mula nang makarating kami dito. At nagulat nalang ako nang lumuhod siya sa harap ko at ng pamilya ko.

"B-bakit ako Jared? Alam mo namang si ..."

"I know. But I love you at gagawin ko ang lahat para maging akin ka."Jared smiled. Napangiti ako dahil sa ngiting binigay niya.

"Teka nga. Eh manliligaw ka lang pala, may paluhod luhod ka pang nalalaman." Patawang sabi ko sa kanya. Tumawa din naman ang mga pamilya ko.

Napakamot ito ng ulo at namula.

"So pumapayag ka nang magpaligaw?" Nahihiyang tanong nito,

"Oo nalang." Napatawa ako. Ligaw palang naman eh. Titingnan ko kung gagana.

Tumayo ito at niyakap ako. Oo masaya ako, pero may kulang. I can still feel the emptiness in my heart.

Sa bagong buhay na to na wala si Brylle, kakayanin kong maging masaya. Wow. Nagbabakasyon kalang Rylle ah? Pinapaalala ko. Napailing ako sa naisip ko.

This is just being practical. Kesa sa doon ka sa taong hindi iniisip ang kahalagahan mo at masaktan ka, doon ka nalang sa taong di ka sasaktan. It's a gamble. If you're not good at playing, you'll lose.

Brylle's POV

"Baby, Please answer the phone." Isang araw na ang lumipas at walang Karylle na dumating. Umiyak na ako di pa din siya dumating.

"Baby please talk to me." Patuloy ako sa pagdial sa kanya. Out of Coverage padin. Natatakot ako.

Lumabas ako ng condo niya. Hindi pa ako kumakain mula kahapon pero hindi man lang ako nakakaramdam ng gutom. I badly need to see her.

Pumunta ako sa opisina nila.

"Alex alam mo ba kung nasaan si Karylle?" Pagmamadaling tanong ko dito.

"Hindi eh. Bakit mo hinahanap?" I was about to answer nang biglang may nagtanong sa likuran ko.

"Ah di siya pumasok kahapon. Naka leave siya. Umuwi sa kanila. Kasama si Jared." sabi nung isang babae na hindi ko kilala. Si Alex lang kasi kakilala ko sa katrabaho ni Karylle.

Pero teka... Magkasama sila ni Jared?! That jerk!

"Bakit daw?" napataas ang boses ko kasi binalot ng selos ang puso ko. Damn!

"Magpapakasal." Nakangising sabi nito pero pakiramdam ko uminit ang paligid ko. Ang gusto kong gawin ngayon ay suntukin si Jared.

"Joke lang. Lalayo daw sayo." Double kill. Parang tinusok puso ko. Hindi lang babae ang marunong masaktan, nasasaktan din kaming mga lalaki.

Umalis na ako sa lugar na yun at pupuntahan ko si Karylle. Taga Negros siya, alam ko yun. At kailangan kong magpunta doon.

Damn it Jared! She's Mine! Karylle is Mine.

F BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon