Oh my ATOM! 1

118 6 2
                                    

Humingang malalim si Llays habang nakapikit bago siya tuluyan nagpalagay ng helmet sa ulo para sa kanyang gagawin…

“Miss can I ask a question?”  Lumingon siya sa gawing kanan niya ng may kumalabit sa kanyang balikat. Tinignan niya ito. Isa lang ang description TALL, WHITE and HANDSOME.

“You already questioned me.” Kahit gwapo siya wala ako sa mood makipag usap ngayon. Tinarayan ko siya ng walang pakundangan kahit alam kong kabastusan yon. I heard him chuckled. I look at him irritatingly. Can he please get out of here or else I’m going to punch him.

“What?” I asked him back.

“Sungit mo naman, magtatanong lang.” nakangiti nitong sabi sa akin. I just rolled my eyes on him para malaman niyang wala akong interesedad sa kanya.

“Girl, ano ka ba mahiya ka naman hindi mo ba siya kilala?” Kalabit naman sa akin ng nasa kaliwa. Ang kaibigan ko na si Abi. Kasama ko siya ngayon para magbakasyon kuno daw pero sa totoo lang para mawala daw ang pagiging HB ko malay ko daw dito ako makatagpo ng lalaking mamahalin.

Kalokohan! Kung meron meron kung wala wala bakit kailangan pang maghanap kung pwede naman mag-antay na lang?

Tinitigan ko siya. ang mata niya parang hindi mawari na nahihiyang ewan. Tinignan ko ulit yung lalaki. Sino ba siya? Bakit kilala siya ni Abi? Babaeng ito talaga basta lalaki napakaraming alam.

“Bakit sino ba siya?” pagtatanong ko kay Abi pero sa lalaki pa rin ako nakatingin. Ipinaririnig ko sa kanya ang sinasabi ko. Bakit may hawak na microphone itong lalaking ito? Announcer ba siya dito? Or what? Nakakafrustrate pag first time sa lugar na ito samantalang yung kalapit ko nakakailang punta na dito.

Nagtaka ang mukha ng lalaki kitang-kita kasi dito ang pagkulubot ng gitla sa mga noo nito at ang ilong nito na medyo nagwrinkled.

“Siya si ATOM ARAULLO, yung sikat na News reporter sa Abs-cbn.” Halata sa boses ni Abi na kinikilig ito.

Tinitigan ko siya. Atom Araullo? Sino siya? Bakit hindi ko siya kilala? News Reporter.

“AHhhhhhhhhhhhhhh.”

“Kilala mo na siya?”

Tinitigan ko yung lalaki. Medyo may balbas ito sa mukha hindi niya alam kung nagsheshave ito or kung talagang style niya yon. Nakangiti pa rin ito sa kanya. Nakakauya lang.

“Hindi.”

“Hala!” I heard abi’s murmured.

Sa oras na to nahihiya na ako dahil sa katarayang ginawa ko pwede din akong maireport nitong lalaki sa kasamaan ng ugali ko. Kailangan mag-isip ako ng paraas para mabawasan ang pagkapahiya ko dito pero bakit ko gagawin yon kung talagang hindi ko siya kilala?

I look around people who’s assisting me are now looking and watching at us. This is embarrassing… I breathed deeply before I turned to him and smile widely.

“Ano ba iyong itatanong mo?” tanong ko kay ATOM DAW?!

“Ahh is this your first time here trying to ride in zipline?”

Really? Should I be feel offend? The way he pronounced? Oh well hindi naman. I smiled at him.

“Yes!” taas noo kong sagot.

“May tanong ka pa ba? Nakakahiya kasi kay kuya ako na lang ang inaantay.” Dugtong ko pa.

“Wala na. Yun lang naman tanong ko.”

“Okay.”  Pumunta na ako kay Manong para mag ready na.

“Go Friend!” Narinig ko na lang cheer sa akin ni Abi .

The Story of US (Llays Araneta) (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon