Oh my ATOM! 4

52 5 7
                                    

Pinagpapalo ko ang braso niya para bitiwan ang pagkakahawak niya sa kamay ko kasi yung nasa paligid naming nadaraanan nanunuod sa amin at nagtatawanan. Kainis!

“Hoy lalaki tigilan mo nga ako pwede ba!” Sumisigaw na ako pero ang lalaki nakangisi lang. Buset!

“Aba ikaw talagang kumag ka!” Ayaw pa rin niya akong pansinin pero tatawa-tawa.  Pag napapatingin ako sa mukha niya may iba akong nararamdaman. Parang namumula yung mukha ko kahit hindi siya nakatingin sa akin.

Ayoko ng ganitong feeling. Natatakot ako. Hindi ko din alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Napatigil ako dahil nakatigil din siya habang nakatitig sa akin.

“Llays.”

Yung mga luhang itinatago ko unti-unting rumaragasa sa mukha ko.  Bakit niya ginagawa to? Bakit niya ako gusting patawanin? Bakit niya sinabi ang mga yon? Bakit? I’m so confused.

“B-bakit?” Ayokong maging masaya, kuntento na ako na ganito ako. Alam kong babalik pa siya dahil umaasa pa rin ako. Nakakainis siya!

“Hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko ito sa iyo ganung minsan lang tayo nagkikita at kailan lang tayo nagkakausap pero ayokong nakikita kang umiiyak.”

Lumaglag ang panga ko sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin? Bakit ganon? Bakit niya pinupunasan ang mga luha ko? Bakit ang dami kong tanong na hindi ko maitanong sa kanya?

Tinanggal ko ang mga kamay niya sa mukha ko at nanakbo papalayo sa kanya.

Nakakaisang linggo na kami dito kaya isang linggo na lang ang natitirang araw namin at magbabalik syudad na naman kami ng kaibigan kong si Abie. Buti na lang din hindi masyadong nagtanong ang babae sa akin kung bakit hindi ako lumabas ng isang araw. Iniiwasan ko kasi siya hanggat hindi ko pa alam kung ano ang ibig niyang sabihin.

Ito namang si Abie hindi ko maintindihan busy ata. Laging may kausap sa phone.

“hoy Abie anong next itinerary natin?” tanong ko sa kany medyo nabobored na rin naman ako.

“Snorkeling Bru, maya-maya huh may aantayin lang ako.” Sagot niya pero ang babae nakatingin pa rin sa cellphone niya at tatawa-tawa. Baliw lang?

Nag snorkeling nga kami kasama namin yung boyfriend daw ng aking magaling na kaibigan nakilala niya daw sa kung saan. Hindi ko na kasi matandaan yung sinabi niya sa dami ko ding iniisip hindi ko nga na enjoy ang pagsisid sa ilalim.

Kung makapaglampungan ang dalawa wagas na love at first site daw ang loka. Katarantaduhan! HAHAHA

Buong maghapon kaming nagbabad sa tubig buti na lang malapit ang beach sa mga adventures site dito. Nakakapagod din pala parang gusto ko na agad matulog pero nagugutom pa ako.

“Huy girl ano di ka pa ba sasabay sa amin?”  Atat talaga ang babaeng to! Gusto lang agad makita ang jowa niya at maiwan akong nag-iisa. Kainis!

“Mauna ka kaya kesa naman sa inaatat mo ako.”

“Anyare na naman sayo? Kanina ka pa nagsusungit?” Kunot noo nitong tanong sa akin. Hindi man lang makaramdam. Manhid!

“Eh kasi maliligo pa ako di ba? Alam mo naman bago ako makapaligo di ba? Pati bukas babalik na ako sa Manila.” Hayagan kong sabi. I can’t take this anymore mas gugustuhin ko oang magtrabaho kesa sa mag-isip ng mag-isip.

Hinablot ko na ang bathrobe ko kaya lang si Abie lumapit sa akin na nakapamewang, nakataas pa ang kilay. Itsura! Pulang-pula.

“No way! So iiwanan mo na ako dito?”

“Ayaw mo non mabibigyan kita ng privacy dib a? pati di mo na ako iisipin kung may gusto ka man gawin.” Kaya lang ang babae binatukan ako.

“Kainis ka! Alam mong kaya tayo naandito para sayo magagalit sa akin mga Ate mo pag pinauwi kita kaagad.”

The Story of US (Llays Araneta) (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon