Oh my ATOM! 6

39 1 0
                                    

Isang linggo na ang lumilipas pero walang Atom Araullo ang naghahanap o nagpapakita sa akin. GAGO TALAGA YON! Kung ano-ano pinagsasasabi hindi naman pala paninindigan at bakit ako nagagalit ngayon? Para kang tanga Llays nagmumukmok.

“Nak wala ka bang duty ngayon?” bungad ni Mommy sa Pintuan ng kwarto ko.

“Mamayang gabi luluwas ako dahil may flight ako bukas.” Sagot ko dito habang nag-eempake ng damit. Ang schedule ko ngayon ay sa Malaysia to Philippines. Ibig sabihin isang linggo akong may flight.

“Kailan ang balik mo? Uuwi ka ba dito or mag stay ka sa condo mo?” Tanong pa nito. Tinulungan niya akong magpack ng mga damit sa baggage ko.

“Baka sa Condo muna ako next month nalang ako uuwi. Sila Ate uuwi naman dito next week.” Sagot ko sa kanya. Alam kong nalulungkot yang mga yan kasama si daddy dahil silang dalawa nalanga nag naandito sa Laguna kami nila Ate ay nasa manila na. Ang isa kong kapatid ay may asawa na nagpakasala ang mga ito dahil nabuntis at yung isa ay may boyfriend. Kinausap na nga nila Mommy ang panganay kong kapatid na dito nalang ang anak niya para sila Mommy na ang mag-alaga habang sila ay nagtatrabaho dahil nga wala nang mapaglibangan ang dalawa kong magulang.

“Yang Ate mo ayaw pang ipahiram muna sa amin ang apo ko aba kesa naman yaya ang mag-alaga don mas mabuti nalang kami ng Daddy mo. Alam mo naman na uso sa mga yaya ngayon ang nananakit ng mga alaga nila hindi ba nila nakikita at napapanuod sa balita yung mga ganon.” Lintanya nito. Napabuntong hininga nalang ako sa sinusumbong nito sa akin.

“Hayaan mo Ma mamaya dadaan ako sa kanila kakausapin ko si Ate at kukumbinsihin na ikaw ang mag-alaga sa pamangkin ko.” Segunda mano mo sa kanya. Tama naman kasi si Mommy pero ang tigas ng ulo ng Ate ko ewan ko ba kung san nagmana yon.

“Maiba naman tayo kailan mo ba balaka magpaligaw at magkaboyfriend ulit? Aba ang tagal niyo ng hiwalay ni Migz hanggang nagyon single ka pa rin. Anak hindi naman sa pinipilit kita pero hindi ka na bumabata tumatanda ka na so you need to find a partner for your future.” Hindi ko alam kung maiinis ako kay Mommy kaya minsan ayokong umuwi dito dahil na rin sa sitwasyon ko.

“Mommy naman!” Inis na sagot ko dito nakaharap ito sa akin kaya mabilis ko siyang nasigawan.

“Bakit? Nagsasabi lang ako ng totoo.”  Aniya.

“Mommy hayaan mo na ang Anak natin. Malaki nay an hindi mo na kailangan pangaralan pa kung kailan niya gusting mag-asawa o magboyfriend siya lang ang nakakaalam nito.” Singit ni daddy na nakatayo na ngayon sa pinto habang nakapamulsa. Napangiti ako dahil kahit kailan Daddy’s girl pa rin ako.

“Hay nako! Kinampihan mo na naman ang anak mo kaya ang tigas lagi ng ulo!” Pagkasabi non ay nag walk out na si Mommy. Bumaling ako kay daddy na nakangisi ngayon.

“Hayaan mo na Mommy mo ganyan talaga yan maglambing.” Sabi nito sabay kindat sa akin.

“Hoy Daddy naririnig ko yang pinagsasasabi mo sa Anak mo manang-mana talaga yan sayo!” Sigaw ni Mommy siguro nasa salas ito dahil nag eecho ang boses niya sa buong bahay namin.

“I Love you Mommy!” Ganting sagot ni Daddy na sumunod kay Mommy.

The Story of US (Llays Araneta) (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon