Oh my ATOM! 5

53 4 2
                                    

HAPPY ANNIVERSARY SA AMIN NI WATTPAD

JANUARY 14, 2014

***

Pabalik na ako galing sa Dinner namin nila Abie. Naiwan ang dalawa sa isang club at ako nama’y una nang nagpaalam dahil aayusin ko pa ang mga gamit ko para bukas.

May napansin akong isang bulto na tao na nakasandal sa suite kung saan inuupahan namin ni Abie na nakalagay ang kanyang mga kamay sa bulsa at nakatungo ito habang ang isang paa ay nakataas sa likod ng pader.

Anong problema ng sira-ulong ito?

 

Naglakad dito habang kinukuha sa pouch ko ang susi ng suite.  “What are you doin’ here?” walang ganang tanong ko sa kanya hindi ko siya tinitignan dahil hindi ko mahanap yung susi. Kung saan-saan naman kasi sumisingit! KAINIS!

“You’re leaving tomorrow?”  napatingala ako sa kanya mula sa paghahanap ko ng susi sa pouch ko. Sinong makating dila na naman ang nagsabi na aalis ako bukas? Mababatukan talaga kita ABIE! DALDAL TALAGA!

“Yes.” Simpleng sagot ko at sa wakas ay nakita ko na rin ang susi. Ang liit-liit ng pouch ko hirap na hirap akong kapain ang susi.

“But why? “ Seryoso pa rin niyang tanong nung nilingon ko. Sa wakas nabuksan ko na rin ang pinto.

“Mind your own business.” Pagkasabi ko non  pumasok na ako sa loob at hindi na siya inantay na makasagot pa sa akin.

Ayoko nitong nararamdaman ko lalo na pag nakikita ko siya Bumibilis ang tibok ng puso ko at napapangiti ako ng wala man lang ibig sabihin. I need to get out of here.

Inayos ko na ang Travelling Bag ko at nagbihis ng short at sleeveless lang na pinatungan ng jacket upang lisanin na ang bayan na ito.

Lumabas ako sa kwartong inookupa namin ni Abie dala-dala ang travelling bag ko nabigla ako ng nakita ko siyang nakatayo doon.

“Anong ginagawa mo dito?” Mataray kong tanong kay Atom. Nakasandal pa rin ito sa pader. Sige ikaw na ang taong pader. Leche!

“Ikaw! Saan ka pupunta?” Seryosong tanong nito. Himala ata ito!

“Pakelam mo!” Angil ko nilagpasan ko siya kaya lang hinigit nito ang aking kanang braso.

“Ano ba!” Pinagpapalo ko siya ng Travelling Bag ko na mabigat.

“Sagutin mo kasi ang tanong ko SAAN KA PUPUNTA?”

“Punyeta! Eh di uuwi na. Paulit-ulit!”  Tinaggal ko ang kamay nito sa braso kong makinis hehehehe at tuluyang nilisan ang Hotel.

Naglalakad ako papunta sa daungan ay may nararamdaman akong nakasunod sa likuran ko kaya naman pumikit muna ako at huminga ng malalim para mawala ang kabang nararamdaman ko bago hinarap ito.

The Story of US (Llays Araneta) (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon