Handcuff 41: Possible.

1.3K 25 3
                                    

A/N: Napagisip-isip ko, tatapusin ko na toh :(( Kelangan na e. Kasi may new story :)) Salamat talaga sa mga nagbasa nito. Salamat kay VKLynzel na lagi akong kinukulit magUD. Sobrang I appreciated it :')) Sana wag kang mawala ha? Wag kayong mawawala. Kokonti na nga lang kayo, mawawala pa. Hahaha. Support my next story pleaseeee!!! I love you all! Mwaaah :* 

Karylle's POV: 

Friday pala ngayon. Wala na kong work pagdating ng hapon eh. So, I decided to walk home na lang after class. Kaso, wala pa sakin yung duplicate ng apartment. Kanina pa ko nagtetext kay Abby kung nasaan na yung duplicate pero, hindi pa rin nagrereply. That's when I started to get irritated. Ayoko ngang mag-intay sa harap ng school nila. Init-init eh. Di bale na nga lang, hihingiin ko na nga lang yung isa pang susi dun sa landlady.

Napatigil ako nung makakita ako ng isang soda can. Teka, nangyari na 'to diba? Masipa nga uli.

That's when I knew, may bato pala yun sa loob kaya nasaktan yung paa ko. "OUCH!"

Suddenly, I heard a loud screech from the street. Pasensya na kayo, marami talagang mga sira ang ulo rito kaya talagang nangyayari ang mga ganyan.

I was walking at the sidewalk nung may narinig akong boses ng lalaki.

"Hoy!"

Tumingin ako sa kanan at sa kaliwa, pero di ko pa rin sya makita. Ang weird ah.

"Hoy! Ano ba?!"

Haha. Nandun pala sya sa likod.

"Aishh.. ano bang problema mo at nagsisisigaw ka --" I paused as I saw a familiar person standing at my very eyes. Am I just dreaming o totoong nasa harapan ko na sya ngayon? But he really is the same person before.

Vice.

I could hear the song 'it's a small world after all' playing in the back of my mind right now. We looked at each other for about ten seconds and he walked towards me as he was holding a soda can. "You just did it again. Tingnan mo yung ginawa mo sa kotse ko. Sisirain mo nanaman. Ipapakulong na talaga kita nyan."

Hindi na ko nagsayang pa ng oras kaya ako na ang yumakap sa kanya. He also hugged me back tightly and I can't help myself but to cry.

Binalikan nga nya talaga ako. At wala nang pader na nakaharang pa.

***

"So, musta?" He asked as he was sitting at the driver's seat. Ako naman, nasa tabi nya.

"Musta? Yun lang? After 4 years, yan lang ang maririnig ko sa'yo?" I asked him back. "Ano naman ang ineexpect mo?"

"Yung bagong Vice. Yung hindi na sira ang ulo." I laughed. "Eh kung sirain ko kaya ang ulo mo dyan? Hindi ka pa rin nagbago."

"Ba't naman ako magbabago? I've changed already."

"Wala namang nagbago sayo eh."

"Aisshh. Manahimik ka nga. Ba't nandito ka? Bakit umuwi ka pa ng bansa?"

"Langya. Ginawa ko ang lahat para lang balikan ka pagkatapos yan lang ang itatanong mo? Lalo pang humaba 'yang sungay mo."

"Si Karen? Bakit di mo sya kasama?"

Napalitan yung mukha nya. Yung vulnerable look ba? "Wala na sya."

"Huh? You mean, dead?"

He nodded and sighed. "Yeah. Last year."

"Sorry sa pagtatanong.."

"Ayos lang. It's been a year. Nakarecover na rin naman ako ng mabilis."

"Anong nangyari sa inyong dalawa?"

He took a deep breath before he spoke again. "Hindi naging successful ang operation. Hindi nya kinaya, kahit anong gawin naming laban. Masyado nang malala ang sakit nya nung mga oras na yun. Nga pala." He took something from his bag. A letter popped out of his hand and handed it to me. "Pinapabigay nga pala nya sayo bago sya nawala. Basahin mo raw."

Binuksan ko naman yung sulat at binasa. Nakibasa rin sya.

Karylle,

I've heard so much from you. Kinuwento ka kasi sakin ni Vice eh. Alam mo, I'm so envy of you. Kasi, malakas ka, samantalang ako, mahina. Napansin kong nagbago ng husto si Vice dahil sa'yo. Salamat at pinasaya mo sya habang wala ako, at hanggang sa wala na ako. Wala akong magagawa kung magtatagal pa ako rito o hindi na. Karylle, wala na kong magagawa kundi ipaubaya na sya sa'yo. After all, kaya mo naman syang ihandle diba kahit na medyo, may pagka-childish sya? Hehe. Sorry for causing you trouble and the attitude that I've shown to you that day. Nasira ko pa tuloy ang marriage ninyo. Sana mapatawad mo ko.

I believe that you're going to take care of him forever. Kundi, mumultuhin kita. Haha. Jokes lang. No, seriously.. I'm really counting on you.

I give you my blessings.

Karen

Thank you, Karen. Thank you so much!

"Yun naman pala eh. Looks like," He held me at my shoulders. "..she's giving me to you. *sigh* Akala ko, hindi na kita makikita uli. Hindi naman posible na magkita tayo ngayon, diba?"

"Mali ka. Everything's possible when it comes to God. Nagdasal ata ako noh. Ngayon na nakuha na natin ang blessings nya, what's next?"

He smiled and lightly squeezed my hand. "Marry me again. Will you?"

That's when I remembered, nasa bag ko yung singsing. Kinuha ko yun agad at iprisenta sa kanya. "Nasa iyo pa rin 'yan?"

"Well, yeah."

"Sagutin mo ko. Will you?" He asked.

"No. Will you?" Ibinalik ko yung tanong nya.

"Why not?"

I guess that was a yes. Kasi sinuot nya yung singsing at niyakap nya ko agad sa sobrang tuwa. That's when I knew, this was not an ACCIDENT. It was destiny, really.

Accidentally In LOVE *ViceRylle*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon