Chapter 1

34 0 0
                                    

Isang maulang umaga, araw ng Lunes. Habang naglalakad sa maputik na daan papuntang eskwelahan, napapaisip ako. Bagong mga kaklase, guro at mga kaibigan’t kakilala. Tila’y kinakabahan na di mawari kung bakit. Ako si Ethan James Mendoza, 15 taong gulang na, nag aaral ako sa isang pribadong eskwelahan dito sa Pampanga

Unang araw ng klase ay may nangyari na ngang hindi kanais nais. Tumatakbo ako sa may hallway, nagmamadali dahil nahuli na ako ng sampung minuto sa klase. Dahil bago sa aking paningin ang eskwelahan, pumasok na ako sa kwarto. Agad agad na binaba ang aking bag at umupo sa may bakanteng upuan. Tanong ng guro sa akin kung saan ako nanggaling, humingi ako ng tawad sa pagiging huli sa klase at pinaliwanag ko kung bakit ako nahuli. Nagtataka ang guro, sabay tingin sa kaliwa at kanan, hindi ko sila mamukhaan…

AY! MALI ANG NAPASUKAN KONG SEKSYON!

Agad agad akong tumakbo palabas ng silid-aralan habang naririnig ko ang tawanan ng mga estudyanteng sophomore. Isa na akong third year student sa Holy Family Academy. Sa wakas, nahanap ko rin ang tamang seksyon. Pumasok ako sa kwarto, unang tingin ay nakita ko na ang isang lalaking mukhang masungit, kulubot ang noo sa sobrang pagka seryoso, makinis at makintab ang ulo dahil kalbo… Ang aming guro na si Mr. Gozum.

Halos hindi maipinta ang kanyang mukha, sabay tanong sa aking kung bakit ako nahuli. Sa pangalawang pagkakataong ngayong araw, ay ipinaliwanag ko. Bilang parusa, ako ay pinatayo sa likod ng kwarto sa loob ng trenta minutos. Nakita ko ang aking mga kaibigan na sina Rob at Mak, halos kilala at namumukhaan ko ang aking mga kaklase.. Maliban sa isa… Labi’y kasing pula ng rosas, mamula mula ang mga pisngi, buhok ay kasing itim ng gabi.

Siya si Anne.

Bagong lipat sa aming paaralan, nagmula siya sa Maynila at tumira dito dahil ang kanyang ina at namalagi na rito. Isang sulyap ko sakanya ay naakit at nagandahan ako sakanya. Natapos ang trenta minutos at umupo ako sa bakanteng upuan sa tabi ni Anne. Hindi ko maisip kung paano ko ba siya kakausapin, kung huwag na lang o maglalakas ako ng loob na magpakilala. Nang madesisyunan ko na kakausapin ko na siya, may isang lalaking sumingit at naunang nagpakilala sa kanya.

Si Enrique.

Isang mayaman na matapobre na ubod ng yabang. Sabihin na nating may itsura ngunit, lamang lang naman siya ng dalawang paligo sa akin. Kinaiinisan ko siya simula noong nag aral ako dito sa HFA. Siya ang lalaking “nagbubully” sa akin noong ako’y nasa elemtarya pa. Kinukuha niya ang aking baon at ako’y bubugbugin kapag hindi ko ito ibinigay. Pinapahiya niya ako sa harap ng klase kapag ako’y nagkakamali. Pati ba naman ngayon na nasa hayskul kami ay hindi niya ako tatantanan!

Didn't have the ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon