Chapter 4

6 0 0
                                    

Kinabukasan, naririnig ko ang kantang “Ngiti ni Ronnie Liang”, palakas ng palakas habang papalapit ako sa classroom… Nakita ko si Enrique, may hawak na mga rosas, pinagigitara siya ng kanyang kasamahan.

Hinaharanahan pala niya si Anne.

Kinikilig ang lahat, pati na nga ang guro. Nakita ko si Anne na namumula, medyo naluluha na may malaking ngiti sa mukha. Naisip ko, “Ah. Masaya siya”. Parang may karayum na tumusok sa dibdib ko, hindi ko alam bakit may kumikirot. Sa araw araw ng aming pagkikita, nakikita ko kung gaano siya kasaya, magkasama sila tuwing recess at lunch. Hatid dito, hatid doon. Sa isip ko, “DAPAT AKO IYON”. Sabado ng gabi niyaya ako ni Anne na makipag kita sa kanya. Sa lagi naming pinupuntahan, may malaking puno at isang ilog kung saan makikita mo ang liwanag ng buwan. Malamig ang simoy ng hangin at makikita ang mga bulaklak sa tabi-tabi. Umupo kami sa may duyan. Sabi sa akin

Bes, Masaya ako. May sasabihin ako sayo. Gusto ko, ikaw ang unang makaalam nito” Habang hawak niya ang aking kamay, kinakabahan ako, lumunok at sumagot ng “Ano?”. Tuwang tuwa niyang sinabi na “Kami na Bes! Kami na ni Enrique!

Niyakap niya ako, bumuhos ang malakas na ulan, sabay ng pagluha ng aking mga mata. “Masaya ako para sainyo, tara umuwi na tayo, baka magkasakit ka pa”. Pagkauwi ng araw na iyon, nahiga ako sa aking kama.

Masakit pala.

Yung tinatago mo yung nararamdaman mo sa kanya. Yung palihim kang umiibig at yung napipilitan kang maging Masaya kase Masaya siya sa iba, pero hindi ikaw yung dahilan nung bawat ngiting pinapakita niya.

Didn't have the ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon