Chapter 5

8 0 0
                                    

Sumunod na mga araw, hindi ko siya nakakausap, ni ngiti at sulyap hindi ko magawa. Para bang mabigat sa dibdib, lumipas ang ilang linggo at napansin niya iyon. Tinanong kung bakit ako ganito, sinabi ko na lang na may problema ako sa pamilya. Buwan ng Marso, patapos na ang klase. Tapos na ang isang school year na puno ng hindi malilimutang pangyayari. May mga iba na lilipat ng ibang eskwelahan, yung iba kasama kong mag fofourth year dito. Nakapag paalam na ako sa aking mga kaklase at kaibigan, maliban kay Anne.

Hindi ko siya nakita, marahil umalis na at nauna. Bakasyon na! Masaya kong sinagaw habang lumalangoy sa dagat. Hindi ko na naiisip si Anne, hindi pala. Pinipilit kong hindi isipin siya, lumipas ang tatlong buwan at pasukan nanaman. Hindi ko na kaklase si Anne, malungkot at masaya ang nadarama. Isang araw, may kumatok sa aming pintuan, sa lakas ng ulan hindi mo akalaing may pupunta pa ng ganitong panahon. Pagkabukas ng pinto ni Inay, isang babae ang umiiyak at basing basa. Tinawag ako ni Ina upang kumuha ng tuwalya at damit na pwedeng suotin ng babae. Pagka baba ko ng hagdan, nagulat ako.

Si Anne pala ang babaeng iyon, imbes na namumula ang pisngi, mata niya’y namamaga at namumula sa kakaiyak. Ipinasok ko siya sa aking kuwarto sabay tanong kung ano ang nangyari at kung bakit siya umiiyak.

“Bes wala na kami”

Niyakap niya ako ng mahigpit at humagulgol. Hindi ko mapigilang hindi magalit sa kanya, kahit na nasaktan ako at hindi na niya kinausap noong naging sila. Dito, dinamayan ko siya at kinausap hanggang maging okay na siya. Sabi niya pa nga sa akin ay “ Patawad bes, kung hindi na kita pinansin at kinausap noong naging kami, alam ko nasaktan ka at nagalit sa akin. Sana mabalik na yung dating tayo, friends?” Heto na nanaman ako, nagpapaka-tanga sa pag-ibig. Kahit alam kong magkaibigan lang kami, hindi ko paring mapigilang mag-alala sakanya.

Ganito pala magmahal anu?

Kahit alam mong hindi ka niya mahal, minamahal mo parin siya kahit walang kapalit. Kase nagmamahal ka ng totoo. Naging okay at Masaya na rin si Anne dahil sa suporta ng kanyang mga kaibigan. Lumipas nanaman ang isang taon at kami ay gagraduate na. Lahat ay nag iiyakan, dahil tapos na ang pinaka masayang bahagi ng buhay..

Ang buhay hayskul.

Didn't have the ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon