Chapter 3

9 0 0
                                    

Bagong taon, bagong buhay. Buwan ng Enero, unang araw.

Lahat kami ay naghahanda sa pag-aayos ng mga pagkain at dekorasyon. Dumating ang aming mga kamag anak at kaibigan. Masaya ang lahat! May mga sumasayaw, may nagkakantahan sa videoke. Sumapit ang 12:00, nagbatian kami ng “Happy New year”, ang mga pandak ay tumatalon, paniniwala nila na sila ay tatangkad kapag tumalon sakto sa alas dose. Hinalikan ako ng aking Ina, sabay sabi sa akin kung ano ang hiling ko ngayong taon. Ang sabi ko naman, sana makapagtapos ako ng pag-aaral nang maibalik ko lahat ng paghihirap at sakripisyo niya. Nagagalak na naluluha ang aking Ina, sabi niya sa akin.

“Masuwerte ako sayo dahil ikaw ang naging anak ko, masuwerte rin ang taong mamahalin mo, dahil tapat ka magmahal”. Napapaisip… Ni hindi ko nga  masabi kay Anne na gusto siya, mahalin pa kaya?

Sa sumunod na mga araw, pumasok ako ng klase. Napag alamanan ko na “half day” lang kami, niyaya ako ng aking barkada na umalis at lumibot sa SM. Kasama ko sina, Mark, Jeff, Jam at Anne. Nanuod kami ng sine, ang pamagat ay “Paano na kaya”. Dito pinagbibidahan ni Gerald Anderson at Kim Chiu.  Ang storya ay tungkol sa isang matalik na kaibigan, na yung babae ay nagustuhan ang lalaki. Habang pinapanuod ko ang palabas, napatingin ako kay Anne. Sabay tanong sa sarili “Kelan ko ba sasabihin?” Para kasing sasabog na itong damdamin ko dahil tinatago ko. Pagkatapos ng palabas ay naglaro kami sa “World of Fun”.

Nakita ko si Anne na nakatingin sa mga stuff toys na nakasabit. Tinanong ko sakanya kung gusto ba niya ng isa, sabi niya “Kanina ko pa trina-try na magshoot, kase kapag naka tatlo kang shoot, yung pinaka malaking stuff toy ang makukuha mo!” Bumili ako ng token at sinubukan ang laro. Unang bola… shoot! Pangalawang bola… shoot! Humiyaw ang aking mga kasama, nananabik  dahil isang shoot na lang ay makukuha ko na ang premyo. Pangatlong bola…

SHOOT!! Nakuha ko ang premyo, isang malaking teddy bear. Ibinigay ko kay Anne, nakikita ko sa kanyang mga mata na gustong gusto niya ito. Siyempre Masaya ako dahil naka score ako sakanya! Napasaya ko siya kahit maliit na bagay lang ito.

Didn't have the ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon