Nawalan ako ng pagkakataong makausap si Anne, malapit siya sa aking subalit ang pakiramdam ko’y ang layo layo niya. Recess time namin at kasama ko ang aking mga kaibigan na sina Rob at Mak, sila ang mga kaibigan ko simula pagkabata. Mahilig kaming sumayaw at tumugtog ng gitara. Habang papunta na sa kantina ay pagkahaba ba naman ng pila! Dahil gutom na kami ay tiniis naming ang init at pawis sa pagpila.
Nang malapit na ako sa counter, may tumawag sa akin. Ayun! Si Anne na aking pinapangarap pala. Ang saya saya ko dahil siya pa ang tumawag sa akin. Sa isip ko, baka sa sobrang gandang lalaki ko ay nagustuhan niya rin ako. Nang magsalita si Anne, halos nakatulala ako sa kanya at hindi ko marinig ang kanyang sinasabi. Yun pala ay nagpapabili siya, siyempre hindi ko matiis.
Ibinili ko siya ng isang iced tea at beskwit. Nahawakan ko ang kamay niya nang ibingay ko ang pagkain. Malambot, kasing lambot ng bagong palit na punda. Sabay nagpasalamat sa akin at lumisan. Hindi ko nakain ang beskwit ko dahil sa makintab niyang ngiti, ay nabusog na ako.
Natapos ang break time at English ang aming susunod sa subject. Nagkaroon ng isang grupo kung saan ibabahagi mo ang nangyari noong bakasyon mo. Natapos ang “group sharing” at isang reporter ang magpapaliwanag sa harap ng kanilang napag usapan. Si Anne ang nagsalita sa grupong pangatlo. Lalo akong nabilib sa husay ng kanyang pagsasalita, malumanay ang bosses, mahinhin ngunit malinaw.
Sa pagka-isip ko, marahil matalino ang babaeng ito. Natapos ang araw at pauwi na ako galing eskwelahan. Sa pagkakahimlay, nangako ako sa aking sarili na gagawin ko ang aking makakaya para ako’y makasama sa “top 10”. Patutunayan ko sa lahat na kaya ko at magagawa ko.
Lumipas ang ilang buwan at nakilala ko na lahat ng aking mga kaklase. Lahat kami ay naging malapit sa isa’t isa, pati si Anne. Dahil sa naging kaibigan ko siya, nilihim ko muna ang tinatago kong pagtingin. Sa mga araw na iyon nakilala ko siya ng lubusan. Madalas kami nila Rency, Mak, Rob, Jam, Darlene, Anne, Jeff at Carlos ang magkakasama.Masaya at makulay ang grupo naming mga kaibigan.
Dumating ang araw ng “examination days”, ginawa ko ang aking makakaya at sinagutan ng buong talino ang mga papel. Sa mga sumunod na araw, ibinigay na ang aming papel. Akalain mo ba naman, matataas ang grado ko! Dahil sa sipag at tiyaga nakuha kong maging pangalawa sa top. Hulaan niyo kung sino ang una, walang iba kundi si Anne.
Naging inspirasyon ko siya na pagbutihin ang pag-aaral ko, nakita ko sa kanyang mga mata ang determinasyon at pagsisikap. Lagi kaming pataasan sa mga pagsusulit, minsan pa nga ay nagkakaroon ng pustahan. Dumating ang buwan ng Disyembre, ang kanyang kaarawan ay sa 18 araw nito. Ibinili naming siya ng keyk at ipinagkanta. Pagkatapos umalis ng aming mga kaibigan ay binigyan ko siya ng isang kahon, malaking kahon. Dali dali niya itong binuksan, at nagulat.
Walang laman yung kahon, nagtataka siya kung bakit ito walang laman.
Ang sabi ko naman sa kanya ay “Ibinagay ko yang kahon na yan na wala talagang laman, dahil sana sa araw araw ng ating pagkakaibigan, ilalagay natin diyan ang mga bagay na mahalaga sa ating dalawa, sabay nating pupunuin ng mga alaala yang kahon na iyan”. Hindi ko napigilan ang aking damdamin at nasabi ko iyan, hindi ko alam kung ito ba ay napansin niya. Niyakap niya ako ng mahigpit sabay sabi na “masuwerte ako dahil nagkaroon ako ng isang kaibigan na katulad mo, sana habang buhay tayo ay magkaibigan”.
Heto ako at “Friend zoned” na naman.