Chapter 1

9.4K 202 18
                                    

"When you realize you want to spend the rest of your life with somebody, you want the rest of your life to start as soon as possible."

- When Harry Met Sally


Unedited


"Another shot, please." Pabagsak na naibaba ni Hector ang baso kasabay rin ng pagbasak ng kanyang mukha sa pabilog na counter ng bar dahil sa sobrang kalasingan. Nang magbukas ang Jayc's Pub ng alas sais ng hapon, siya ang kauna-unahang naging customer doon.



Malawak at napaka elegante ng naturang pub. May mga katamtamang laki ng mesa ang nagkalat sa loob nito. May malawak na stage sa gitna kung saan araw-araw iba-iba ang nagpe-perform. At dahil Sabado, isang kilalang grupo ng mga banda ang tumutugtog ngayon. Kadalasan rin na makikita rito ang mga sikat na artista at kung hindi man ay napapabilang naman sa mayayamang angkan ang pamilya.




Isa na roon si Hector Montefalco. Ang playboy at nag-iisang anak ng nagmamay-ari ng isang international airlines at gasoline station. Kamakailan lang nang pumanaw ang mga magulang nito sa kadahilanang bumagsak ang sinasakyang private plane na sinasakyan ng mga ito patungong Fiji para sana magbakasyon.




Hindi na muling nakabangon pa si Hector sa maraming beses na nitong pagbasak. Lasing na lasing na siya. Isang linggo na niya itong ginagawa. Mabuti na lang at kilala siya ng may-ari ng naturang pub na anak ng matalik na kaibigan ng kanyang mga magulang na mas matanda ng dalawang taon sa kanya.


"Ayan siya, sir. Tulog na po." Saad ng bartender na hiningan niya ng alak kanina.



Umiling na lang ang lalaki nang makita siya na naman sa sarili. "Bring him to my office. Mamaya ko na lang tatawagan ang mga kaibigan niya para sunduin siya rito."



Kumilos naman agad ang dalawang lalaki at pinagtulungan nilang buhatin ang walang malay na binata at dinala sa opisina ng kanilang amo.



Alas onse ng gabi, magkasabay na dumating sina Luigi at Luis sa Jayc's Pub. Agad naman silang dinala ng guard sa opisina ng may-ari na nasa second floor.


"Ano bang nangyayari kay Hector? Isang linggo na siyang lagi na lang ganyan. Babae ba?" tanong ni Lance na may-ari ng pub sa dalawa na nakatayo sa harapan ng maliit na sofa na kung saan nakahiga ang lalaki.



Nagtinginan ang dalawang lalaki. Dahil kahit mga kaibigan niya ang mga ito, hindi rin nila alam kung bakit bigla na lang naglalasing na ang kaibigan nila. Imposible naman na dahil iyon sa pagkawala ng mga magulang nito. Matagal nang tinanggap ni Hector ang pagkawala ng kanyang mga magulang. Kung babae naman ang magiging dahilan, imposible rin. Dahil wala sa isip ng lalaki ang magseryoso pagdating sa mga babae.


"Malabo." Magkasabay na sagot nila.



Pinagtulungan ng dalawa na buhatin si Hector palabas ng pub house. Sa fire exit na sila dumaan nang hindi na maabala pa ang mga nagkakasayahan sa baba. Ayaw din kasi nila na may makakita ulit na mga taga midya na buhat-buhat nila ang kaibigan. May mga naglalabasan na kasi itong mga larawan na kuha ng mga paparazzi noong isang araw. Dahilan para kastiguhin siya ng mga board member ng kumpanya nito. Dahil sa hindi magandang maidudulot ng mga naglalabasang larawan niya sa kumpanya.



Sa kotse na ni Luis isinakay ng dalawa si Hector. Kailangan na rin kasing umuwi ni Luigi dahil susunduin pa nito ang pinsan sa airport na malapit lang sa pub na pinuntahan nila.






"Kuya Hector? Bakit mo ako hinalikan?"



Bumalikwas nang bangon si Hector. Nilibot ng paningin niya ang paligid. "Paano ako nakauwi?" tanong niya sa sarili na sapo ang sumasakit niyang ulo. Fuck!



Bachelor Series 2: Hector MontefalcoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon