Chapter 7

4.3K 177 42
                                    


"This is not a goodbye, my darling, this is a thank you. Thank you for coming into my life and giving me joy, thank you for loving me and receiving my love in return. Thank you for the memories I will cherish forever. But most of all, thank you for showing me that there will come a time when I can eventually let you go.
I love you, T."

Nicholas Sparks, Message in a Bottle

Unedited

"Jazz, sumama ka muna sa amin ng tito Khen mo. Kailangan lang mag-usap ng Papa at tita Alex mo." Ani Luis saka nilapatan ang dalagitang matamang nakatitig lang kay Alex.

Walang imik si Alex habang nakatitig kay Hector. Nagbabadya na namang tumulo ang kanyang mga luha ngunit pinilit niyang pigilan iyon. Hindi niya maalis-alis ang paningin sa lalaki. Sobrang na-miss niya ito. Gusto niya itong yakapin nang mahigpit. Kay tagal niyang hinintay na dumating ang araw na ito ngunit hindi niya magawa.

Una dahil kay Khen. Malaki ang respeto niya sa nobyo. Alam niyang naging makasarili na siya noon pa man nang sagutin niya ang lalaki kahit wala siyang nararamdaman para dito. Mahal niya ito, pero bilang isang kaibigan lang. Sa loob ng mahigit isang taon nilang relasyon, wala siyang narinig sa lalaki kahit na minsan ay tinatawag niya itong Hector.

Pangalawa, nasa ospital sila kasama ang anak at asawa ni Hector. Ayaw niyang isipin nila na wala siyang pakialam sa nararamdaman ng mag-ama. Hindi man niya alam kung ano'ng totoong kalagayan ng asawa nito, alam niyang hindi maganda ang kalagayan ng babae.

Umalis sina Luis at Khen kasama si Jazz. Naiwan silang dalawa sa labas ng ICU. Maya-maya lang lumabas na rin ang mga magulang ni Alex na siyang tumitingin sa asawa ni Hector.

Matalim na tinitigan ni Alex ang mga magulang lalo na ang kanyang ama. Tama ito sa sinabi niyang hindi pa nga niya ito napapatawad. Kinamumuhian pa rin niya ang ama. Noon, akala niya ito na ang pinakamabait at mapagmahal na ama sa buong mundo. Lahat ng pangangailangan nila ng kapatid ay ibinigay ng ama. Pero nagkamali pala siya. Front act lang pala ang lahat ng iyon.

"Let's go, Alex--"

"I need to talk to him." Matigas niyang putol sa sasabihin ng ama.

Bumuntong-hininga na lang ang ama ganoon din ang kanyang ina. Sinulyapan ng mag-asawa si Hector na nakatayo sa kaliwa bago tuluyang iniwan ang dalawa.

Napayuko si Alex nang tuluyan ng mawala ang mga magulang. Huminga siya nang malalim bago taas-noong tinitigan si Hector. Nagkasalubong ang kanilang mga mata. Nakipagtitigan siya rito ngunit agad din namang umiwas.

Hindi niya kayang makipagtitigan dito. Baka makalimutan niyang nasa ospital sila at nandito ang asawa't anak ng lalaki.

"I want to see her." Pagkuway saad niya habang deretso ang tingin sa pintuang nasa harapan nila.

Naunang maglakad si Alex na agad naman sinundan ni Hector. Pagkatapos magsuot ng mask, gown at tsinelas, tuluyan na silang pumasok sa loob ng ICU.

Ilang hakbang lang ang ginawa ni Hector mula sa nurse station sa loob ng ICU nang huminto ito sa babaeng nakahiga. Maraming mga nakakabit sa katawan nito na hindi alam ni Alex kung anu-ano ang mga iyon at tanging oxygen lang ang kilala niya.

Humalukipkip si Alex nang makita niya sa malapit ang babae. Nakatayo siya sa likuran ni Hector. Tumindig ang mga balahibo niya sa katawan. Kalunos-lunos ang mukha ng babae. Tumanda na ito at sobrang patay na rin. Mahaba ang maitim nitong buhok. Kulay yellow na rin ang balat nito.

"A--anong nangyari sa kanya?" tanong niya kay Hector.

Lumingon ang lalaki sa kanya. Nagsisisi tuloy siya kung bakit pa niya ginustong makita ito. Nagi-guilty siya dahil hindi lang mura ang sinapit ng babae sa kanyang utak. Kung anu-ano pa ang masasamang iniisip niya tungkol dito.

Bachelor Series 2: Hector MontefalcoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon