"For it was not into my ear you whispered, but into my heart. It was not my lips you kissed, but my soul." -Judy Garland
Unedited
Alas-kuwatro nang hapon, dumating ang sekretarya ni Hector sa bahay ng mga Alcantara. Nakahanda na rin si Alex dahil tinawagan na ito ng lalaki na ang sekretarya nito ang magsusundo sa kanya dahil may tinatapos lang itong importanteng meeting.
"Hindi po ba kayo pupunta sa birthday ni Hector, Mommy? Daddy? Si kuya Luis?" Nagtatakang tanong niya.
Nakaupo lang kasi ang mga ito sa sofa at nanonood ng afternoon news nang makababa siya mula sa dati nitong silid upang magbihis.
"Mamaya pa kami pupunta, hija. May dadaanan muna kami ng mommy mo," nakangiting sagot ng ama sa kanya.
"You look gorgeous, Alex!" Saad ng kanyang ina saka ito tumayo at hinawakan ang kanyang kamay. Pinaikut-ikot siya ng ina, "Tanda ko pa noong kasing edad mo lang ako. Nagkakandarapa rin akong mag-ayos para sa date namin ng Daddy ninyo," bahagyang ngumiti ang kanyang ina sa pagbabalik tanaw sa nakaraan.
Napakaganda ni Alex sa suot niyang close fitting dress na hanggang kalati ng hita ang haba exposing her flawless skin. Kulay blue iyon at kumikinang dahil sa mga glitters na nakapalibot din sa damit. Sa kaliwang banda lang ang may sleeve, showing her right shoulder.
"Thank you, Mommy," sabay yakap niya sa ina.
Nagsimula na namang manubig ang mga mata ng kanyang ama na nakatayo na rin sa likuran ng asawa.
Lukan na ng kulay puting Audi si Alex at kasalukuyang binabagtas ang daan patungo sa lugar na pamilyar sa kanya. maalis-alis ang mga ngiti sa kanyang mga labi. Iniisip na niya ang magiging reaksyon ni Hector kapag nakita nito ang suot niyang damit.
Bigay iyon ni Hector sa kanya kaninang umaga pagkatapos nilang maligo nang sabay na humantong din naman sa pag-iisang muli ng kanilang mga katawan.
Umiling si Alex. Napahawak siya sa kanyang batok nang maalala ang mga init na pagdami ng mga labi ni Hector sa bawat sulok ng kanyang katawan.
Alas-singko nang hapon, pumarada ang sinasakyan niyang kotse sa harapan ng bahay na yari sa mamahaling kahoy.
Lumabas siya ng kotse. Hindi nga siya nagkamali. Sa resthouse nga ni Hector siya naroon ngayon.
Nilibot ng mga mata niya ang kabuuan ng paligid. Malaki na ang pinagbago niyon. Mas lalo na itong gumanda kumpara noon. Wala na ang mataas na kahoy at damo sa paligid. Bata pa siya nang una siyang makarating doon. Sa huling punta naman niya ay hindi na niya ito nakita.
Pumikit siya. Dinama niya ang simoy ng hangin sa dumadampi sa kanyang balat.
"Ma'am Alex?"
Nagmulat siya ng mga mata. Nakita niyang nakangiti si Art sa harapan niya habang iniaabot ang susi ng kotse sa kaniya.
"Sorry, Art," nahihiya niyang sabi.
"Okay lang po ma'am. Enjoy your night," anito bago tumalikod at sumakay sa isa pang kotseng nakaparada sa likuran ng kotseng sinakyan niya.
Nang umalis ang sinasakyan ni Art, nagsimula na rin siyang maglakad papasok ng resthouse.
Kumuha ng bato si Hector at hinagis iyon sa dagat. 'Di magtatagal lulubog si haring araw.
Napakaganda niyong tingnan.
Buong araw nang hindi nawala ang mga ngiti sa labi ni Hector. Ito na yata ang pinakamasayang kaarawan niya pagkatapos sabay na nawala ang kanyang mga magulang.
![](https://img.wattpad.com/cover/68768288-288-k294460.jpg)
BINABASA MO ANG
Bachelor Series 2: Hector Montefalco
General FictionCover by: Jeth Cano Mula sa mayamang angkan ng mga Montefalco ang playboy na si Hector. Wala sa isip nito ang pag seseryoso sa mga bagay-bagay sa kanyang paligid. Lalo na ang pumasok sa isang seryosong relasyon. Para sa kanya laro lang ang lahat. L...