Chapter 2

6.4K 192 46
                                    

"Sometimes, it's hard to find words to tell you how much you mean to me. A lot of times, I don't say anything at all. But I hope someday, you'll understand, having you is what I live for."


Unedited

Hindi mapakali sa kanyang kinuupuan si Alex. Gusto niyang tumayo at umalis. Gusto niyang iwasan ang lalaki. Pero bakit ngayon pa? Ngayong nandito na ang lalaki? Dapat kanina pa nang hindi pa ito dumating. Hindi ba gusto niya rin ulit marinig ang boses nito na siyang naging dahilan nang mabilis na pagtibok ng kayang puso.

Pumasok si Hector sa may kalakihang gazebo na malapit sa swimming pool. Nakaupo sa kanang bahagi si Alex. Pinili naman niyang umupo sa harapan nito. Sa gitna ay may katamtamang laki ng mesa na gawa sa magandang uri ng kahoy.

Pinakatitigan niya ang dalaga na halata sa mukha ang pagkabalisa. Nakakuyom ang mga kamao nito sa ibabaw ng mesa. Gusto niya iyong hawakan at ikulong sa sariling mga palad. Ngunit nagdadalawang isip siya na baka may makakita sa kanila. Lalong-lalo na si Luis.


Huminga nang malalim si Hector. Nanatili ring tahimik si Alex na tila ba hinihintay na magsalita siya. Isang beses pa ulit huminga nang malalim ang binata bago kinausap ang dalaga na nakayuko na.

"Alex?" tumingala ito nang tawagin niya. "So--sorry. Hindi ko sinasadya na ha--"

"Huwag! Please. Huwag kang humingi ng sorry. Para mo na ring sinabi na isa lang ako sa mga babae mo, kuya Hector. Mahalaga sa akin ang h---," huminto siya sandali. Ayaw niyang banggitin ang salitang iyon. Nadudurog ang kanyang puso dahil sa paghingi ng tawad ni Hector. Ni minsan hindi pa niya naranasan ang mahalikan ng isang lalaki. Kaya masakit sa kanya na marinig ang pag hingi nito ng sorry.

"Basta mahalaga sa akin 'yon. Huwag mong iparamdam na isang iyong pagkakamali dahil mahalaga sa akin 'yon," nag-iwas ng tingin si Alex pagkatapos sabihin ang nararamdaman niya.

Damn it! Mura niya sa sarili. "Huwag kang magalit. Hindi iyon isang pagkakamali. Humihingi ako ng tawad dahil pakiramdam ko, nabastos kita. Pakiramdam ko sinamantala ko ang kahinaan mo. Iyon ang hinihingi ko ng tawad. Hindi dahil sa nagsisisi ako na hinalikan kita."

Nakita niyang palihim na nagpahid ng pisngi ang dalaga.

"Huwag ka nang umiyak, okay? Alex... humarap ka sa akin,"

Dahan-dahan ang ginawang pagharap ni Alex sa kanya. Nakayuko ito at pilit itinatago ang wala pa ring tigil na pagdaloy ng kanyang mga luha.

"Look at me. Come on." Malambing na utos niya sa dalaga.

Nag-aalangan at dahan-dahan ang ginawang pag-angat ng ulo ni Alex. Basa ang pisngi nito dahil sa walang patid na pagdaloy ng kanyang mga luha.


Gusto niyang lapitan ang dalaga ngunit hindi niya magawa. Kapag nilapitan niya ito, alam niya sa sarili na hindi lang simpleng pang-aalo ang magagawa niya. Baka mahalikan na naman niya ulit ang dalaga. Namiss niya nang sobra si Alex. Ilang araw din niyang tiniis na hindi ito tawagan na dati-rati naman ay ginagawa niya at nakikipagkulitan dito.

Malapit sa kanilang magkakaibigan si Alex at iba pang kapatid ng kanyang mga kaibigan. Dito lang nabuhos ang atensyon ng lahat dahil sa hindi ito nakakakita. Kung ano man ang dahilan ng pagkabulag nito,.hindi rin niya alam.


"Okay ka na?" kinuha niya ang puting panyo sa bulsa ng suot nitong suit at inabot iyon sa dalaga.

"Okay na ako, kuya Hector." She slowly stood up and grab the cane.beside her. "Pupuntahan ko lang si kuya," aniya saka nagsimula nang baybayin ang daan pabalik sa loob ng kanilang bahay.

Bachelor Series 2: Hector MontefalcoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon