PROLOGUE

450 13 0
                                    

Nagmahal ka na ba?
Yung totoong pagmamahal ha. Hindi puppy love. Hindi crush. Mas lalong hindi lust.

Kung oo, ang swerte mo naman.
Ang sarap sa pakiramdam 'diba?
Sobrang saya. Goodvibes palagi ang araw mo.

At dahil sobrang sarap sa pakiramdam, may mga bagay tayong nagagawa dahil sa bugso ng mga damdamin natin - ang mangako. Ang sabi niyo sa isa't isa,kayong dalawa ang magkasama hanggang sa huli. Typical na nagmamahalan, until death do us part ang tema. Na kahit anong mangyari hindi ka niya pababayaan. Na hinding hindi ka niya magagawang iwanan.

Sobrang taas ng nilipad niyo na kahit ikaw hindi mo na matanaw ang pinanggalingan niyo pero isang araw nagulat ka na lang, wala na siya. Bumitaw na pala siya, hindi mo pa nalalaman. Hindi man lang niya nagawang sabihin kung bakit. Kung bakit kailangan ka niyang iwan kahit masaya naman kayong dalawa. Kaya ikaw na naiwan sa ere, babagsak ka hanggang sa hindi mo na makilala ang sarili mo. Dahil sa sobrang taas ng nilipad niyo, ganun din kataas ang bagsak mo - durog ang puso at sugatan.

Sa huli naiwan kang mag-isa kaya tinanong mo ang sarili mo, masaya ba talaga kayo o ikaw lang? Ang sakit ba na hindi mo alam ang sagot? Ang hirap. Sobrang hirap magmahal ng taong hindi man lamang marunong magpaalam. Kasi bilang tayo, deserve nating malaman kung bakit. Kung bakit kailangan tayong iwanan ng mga taong mahahalaga sa 'tin. Ang sakit kasi hindi mo alam kung anong pagkukulang mo. Akala mo sapat ka na para sa kanya. Sapat ka ng dahilan para manatili siya. Pero, akala mo lang pala ang lahat.

Ganito ba talaga ang magmahal?
Ang lakas naman maka-tanga.





Alas - tres ng madaling araw nang magising ako. Ganito kasi ako, alam ko kapag wala si Mama sa tabi ko.


Nagkusot-kusot pa ako ng mata para makapag-adjust ang mga mata ko sa dilim. Naisip ko na baka umurong lang si Mama sa higaan o baka ako ang napalayo dahil malikot ako matulog. Pero wala, wala talaga siya sa kahit saang sulok ng kwarto namin. Doon pa lang nagtaka na 'ko.


Bilang isang bata, natural na sa 'kin ang hanapin siya kaya tumayo ako mula sa hinihigaan namin para gawin 'yon. Madilim sa kwarto namin. Pati na rin sa hagdanan paglabas ko. Tanging ang ilaw lamang mula sa kwarto ng amo namin ang nagbibigay liwanag sa dinaraanan ko.


Pagbaba ko, bukas ang ilaw sa kusina kaya dumiretso agad ako doon. Masyado na,ang maaga magluto ng almusal ngayon si Mama kung sakali.


"Ma? Saan po kayo pupunta?"


Nagulat si Mama. Maging ako ay nagtaka. Pero hindi niya ako sinagot, pinagpatuloy niya pa rin ang pagsisintas niya ng sapatos. Pero kahit ganun, nakita ko ang pag-aalala niya. Kilala ko kasi si Mama kapag may hindi siya sinasabi sa 'kin. Para bang hindi siya handa sa naging eksena namin.


Nakita kong ang bag kong kulay itim na niregalo niya pa yun sakin noong pasukan dahil nasa highest section ako at nag-eexcel ang mga grades ko. Nakapatong iyon sa lamesa at alam kong damit ang laman nito.



"Nak? Bakit gising ka na? Ang aga-aga pa ah"


Sabi niya ng malumanay ngunit hindi ako tinitignan.


"Saan ka pupunta ma? Bakit hindi mo ' ko ginising? Aalis pala tayo."


Pero umiling si Mama kaya nawala agad ang katiting saya sa loob ko. Hindi niya 'ko isasama.



Tumayo siya at inayos ang mga gamit niya.



"Hindi kita maisasama ngayon anak. Tsaka diyan lang naman ako sa kaibigan ko. Babalik din si Mama ha."


Gusto kong pigilan pero hindi ko magawa. Hindi ko alam kung ano ang mayroon sa loob ko pero hindi ko napigilan si Mama.


Hindi rin ako umiiyak. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ako umiiyak. Pinapanuod ko lang siya habang inaayos niya ang mga dadalhin niya. Marahil dahil kagigising ko lang noon o sadyang napakahirap para sa isang batang katulad ko na intindihin kung bakit kailangan akong iwan ng nag-iisa kong magulang.



"Sama ako ma. Ayokong maiwan dito. Please hindi ako magkukulit dun promise."



Pero umiling ulit siya. Doon ay nagsimulang na 'kong umiyak.


Lalapit sana ako para yakapin siya nang bigla siyang magsalita.


"Hindi pwede nak. Malayo kasi ang pupuntahan ko pero babalik naman si Mama. Basta dito ka lang muna ha. Hintayin mo si Mama. Huwag ka nang umiyak kasi diba ayaw mong nalulugkot si Mama? Kaya sige na, tahan na."


Buhat-buhat niya na yung itim na bag nang lumapit siya sakin at halikan ako sa noo. Halik na hindi ko akalaing mamimiss ko ng ilang taon.


"I love you nak. Palagi mong tatandaan yan ha. Babalikan kita promise."


Iyon ang huli niyang sinabi sakin bago siya tuluyang lumabas ng pinto. Sumulyap siya sakin at tuluyang lumabas ng bahay.



Kitang kita ko ang mga mata ni Mama bago siya lumabas. Nandun yung lungkot at sakit. Alam kong hindi niya 'ko gustong iwan. Pero hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pa niyang umalis.


Napaupo na lamang ako at niyakap ang mga tuhod ko. Tumatangis at nag-iisa.



"Mama.."

Pare, mahal na kita Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon