Chapter 1

494 16 0
                                    

TRISTAN


"Tristan! Tristan! Gumising ka na! Ano ba ha?! Wala ka bang balak pumasok?! Unang araw mo pa naman!!!"

Malakas na katok sa pinto ko at sigaw ni Papa ang gumising sakin ngayon araw. Kinusot ko muna ang mga mata ko bago ko tinignan ang maliit kong orasan sa lamesa malapit sa kama ko at nakaramdam ako ng sakit ng ulo.

Shit! Ang lakas ng hangover ko!

"Ano ba yan Pa?! Ang aga-aga pa oh! Alas-sais pa lang ng umaga ang ingay-ingay niyo na!"

"Anong sinabi mo ha?!"

Bigla na lang bumukas ang pinto at bumungad sakin ang asawa ni Papa na may hawak na susi. Nakangisi ito habang nakatingin sakin pero laking gulat ko nang lumapit sakin si Papa at sinampal ako ng malakas.

"Tarantado kang bata ka!! Uuwi kang lasing kagabi tapos ngayong gigisingin kita magagalit ka at sisigawan mo pa ako!! Sino ka ba sa akala mo ha?! Anak lang kita!!"

Galit na galit si Papa sakin at nakayukom ang kanyang mga palad na kahit anong sandali ay tatama na naman sa mukha ko kapag nagkamali ako ng salita.

Pero hindi ako natatakot. Sanay na akong masaktan. Manhid na ata ako.

"Ano bang problema niyo?! Pwede ba huwag niyo akong papakialaman dahil hindi ko naman kayo pinapakailaman sa mga katarantaduhan niyo! At sino bang may gustong pumunta 'ko rito? Hindi ba kayo? Kayo ang pumilit sa 'kin na tumira dito! Kaya huwag kayong magreklamo sa 'kin!"

"Ikaw ang problema ko Tristan! Wala ka nang ginawang mabuti nang lumipat ka sa 'min galing sa magaling mong ina! Sana sumama ka na lang sa kanya! Sana nagmakaawa ka na 'wag ka niyang iwan para wala ka rito ngayon!"

Napayuko ako. Nakakabingi ang mga salitang binitawan ni Papa. Namamanhid ako pero alam kong umaagos ang mga luha ko ng mga oras na 'yon. Kinuyom ko ang mga palad ko at tumayo. Hinarap ko si Papa at tinitigan ko siya ng diretso sa mga mata niya habang umiiyak ako. Hindi ako magpapakita ng kahinaan sa kanya kahit ang sakit sa kalooban ng mga nasabi niya.

"Wala kayong alam sa nangyari sakin. Kaya wala rin kayong karapatan na pagsalitaan ako ng ganyan. Lalong lalo na kung dahil sa inyo kaya ako iniwan ni Mama. Kung hindi niyo sana kami pinagpalit sa iba, sana buo pa tayo ngayon. Sana kasama ko pa ngayon si Mama. Kayo ang may kasalanan ng lahat ng 'to kaya dapat lang na magdusa kayo. Kung gusto niyo akong palayasin, do it. But please, huwag niyo nang tanggalin pa sakin ang natitirang respeto ko sa inyo and leave."

Mahinahon pero madiin kong sabi kay Papa. Alam kong nagulat siya. Kitang kita ko sa mga mata niya ang pagsisisi sa mga sinabi niya. Tumingin siya sa kanyang asawang kanina pa nanunuod samin at dumiretso palabas ng kwarto ko. Huminga ako ng malalim at pinunasan ang mga pisngi ko. Nawala ang sakit ng ulo ko pero ramdam ko pa rin ang sakit ng kaliwang pisngi ko.

Ngunit ang mga luha kong pumapatak hanggang ngayon ay hindi dahil sa sampal ni Papa kundi sa sakit na nararamdaman ko simula nang iwan ako ni Mama. Heto na naman ako.

Pumunta ako sa banyo para maligo at makaalis na sa bahay na ito. Hinubad ko ang pantalon at brief ko. Sa sobrang lasing ko kagabi hindi man lang ako nakapagpalit ng damit. Binuksan ko yung shower at hinayaang tumulo ang tubig sa katawan ko.

Hindi ko maiwasang maisip si mama. Ang tagal na niyang nawala pero ang sakit-sakit pa rin. Makailang ulit ko nang sinabi sa sarili ko na hindi na ako iiyak pero heto ako ngayon, mahina at lumuluha. Napaka-vulnerable ko talaga pagdating sa kanya.

Pare, mahal na kita Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon