TRISTAN
6am pa lang pero gising na 'ko. Ewan ko ba. I feel like there's something off after what happened last night. Akala ko mas gagaan ang pakiramdam ko dahil sa nangyari pero bakit ganito? Bakit parang ang hirap para rin tanggapin? Bakit parang ang sakit pa rin?
"Ganito na lang ba talaga ang magiging buhay ko? Or kinakarma lang talaga ko. Fuck! I don't know what to do!"
Nandito ako ngayon sa kama. Nakatingin sa puting kisame ng kwarto ko. To be honest, hindi ako pinatulog ng away namin. Pakiramdam ko napakasama ko. Kung iisipin mali talaga na pumatol ako sa gusto niyang mangyari.
"Did I get too far?"
Oo. Nakokonsenya ako sa mga nasabi ko sa kanya kagabi. I don't know what came to me nang pagsalitaan niya ng masama si Mama. I mean, it's normal to protect myself, right? Especially my mother.
"Kasalanan naman niya. She wanted that."
Pangungumbinsi ko sa sarili ko para mabawasan yung burden sa dibdib ko kahit kaonti lang. I know myself. Alam kong hindi ako ganung klase ng tao. Hindi ako pinalaki ni Mama para maging masamang tao.
Siguro ang dami ko lang talang kinikimkim na sama ng loob sa kanila na kahit ako mismo ay walang kaalam-alam. Pero mas lalong hindi ko alam kung paano mawawala ang galit ko sa kanila at kung maaalis pa ba sakin na sisihin sila sa nangyari sa buhay ko. Sa nangyari samin ni Mama.
I grab my pillow and cover it to my face.
"Fuck them! I'm wasting my time again!"
Ayoko namang marinig nila ang sinabi ko. Hindi dahil nahihiya ako o nakokonsensya ako. Ayoko lang isipin nila na miserable ako dahil sa kanila.
"Kriiiiiiiiiiiiing!"
Bumalik ako sa realidad nang tumunog ang alarm clock ko. It's time for school. Tama na muna ang walang katapusang problema ko sa pamilyang 'to.
As usual, nag-ready na ako para pumasok. Around 7am nang matapos ako. Alangan pa akong lumabas ng kwarto. As much as possible ayoko muna sanang maulit ang nangyari kagabi. That's twice in arow for just one day and it's not a good way to start a day anyway. I'm pretty sure na gising na rin sila dahil may pasok sila Papa.
Nang makababa ako narinig ko silang nagtatawanan sa kusina. Of course they having breakfast. Gusto ko nang lumabas dito pero hindi mangyayari yun ng hindi nila ako napapansin. Our front door is only beside our kitchen for Pete's sake! Napakatalino ng interior designer ng bahay na 'to!
"Is he already awake?"
Si Papa.
Walang sumagot sa kanila kaya nagsalita ulit si Papa.
"Cara, call your brother."
"Pa.."
"Now."
Nang marinig kong gumalaw ang upuan ni Cara, nagpanic ako! Sign na yun na pupuntahan niya 'ko. She can't see me like this. Ayokong malaman niya na kanina pa ako nakikinig sa usapan nila.
Nagmadali akong umakyat ulit at nagkunwaring pababa pa lang. Kinuha ko ang phone ko at nagtype ako kahit wala naman akong itetext. This is so stupid but it's the only way.
Nakita kong paakyat na rin si Cara at huminto siya ng makita ako pero hindi siya nagsasalita.
"Yes?"
BINABASA MO ANG
Pare, mahal na kita
RomansaThis is not the cliche story you've always wanted, so you better not build your hopes up. Masakita umasa sa wala. "You make me fall in love with you. Kasalanan mo 'to kaya panagutan mo 'ko." - Tristan "Alam kong pagsisisihan ko 'to. Mahal ko siya p...