Chapter 4

260 9 12
                                    

DARWIN

Nandito ako ngayon sa upuan ko. Mula kanina, hindi ko pa nililingon si Tristan pero kung hindi ako magkakamali wala siya sa likod. Hindi ko nararamdaman yung presensya niya. Sabi ko naman diba? Malakas instincts ko! Heto ako, pinaglalaruan ang hawak kong ballpen. Blanko ang isipan ko sa ngayon. Wala lang. Pakiramdam ko time ko 'to para magrelax. After kasi ng encounter namin ni Tristan kanina, parang kakailanganin ko palagi ng time para mag-relax.

Bigla naman sumagi sa isip ko yung dalawang barbie. Ang tagal kumain ng dalawa. Malamang nag-gagala na naman sila rito sa campus. Hilig nila 'yon. Namin pala. Mag-spot ng mga gwapong estudyante lalo na ang mga transferee. Minsan kasi sinasama nila 'yon sa school paper namin. Para naman daw kaabang-abang ang dyaryo namin. Hindi nga ako sigurado kung nakasama na ba sa listahan nila si Tristan kasi wala naman silang nababanggit sakin. Aabangan ko na lang din siguro.

"So anong nangyari sa pagsunod mo? Na-traffic ka ata teh?!"

Tumigil ako sa paglalaro ng ballpen ko at humarap sa pintuan. Nakita ko si Trixie na nakasandal sa gilid nito at may nginunguyang bubble gum, si Christine naman ay nakapamewang. Kamukha niya nanay niya! Medyo natawa tuloy ako kaya binigyan nila 'ko ng "lagot ka sa 'min" look.

"Okay, I'll explain ibaba niyo lang yang mga kilay niyo. Grabe para kang si Tita, Chrisitine! Napaka-interrogating ng tinginan with pamewang pa talaga ha?!"

May paghawi pa ng buhok si Trixie bago lumapit sakin at sumunod naman si Christine. Umupo sila sa magkabilang bakanteng upuan sa tabi ko. Naghihintay naman ako ng kamay na hahampas sa 'kin anytime, ang weird kasi wala. Tapos heto, nakatitig pala sila sa 'kin na parang nanalo sa beauty pageant. Syempre na-curious naman ako.

"Pucha naman. Tititigan niyo lang ba 'ko?"

"So eto na nga. Excited much."

Maarteng sabi nitong pinsan ko. Sabay silang huminga ng malalim at sumigaw ng napakalakas sa magkabilang tenga ko. Napangiwi ako! Mga baliw talaga!

"Tangina! Anong problema niyo?"

"Bes! Kami na ang Editor in Chief ng school paper natin!!!"

Napanganga naman ako sinabi nila.. Yung mukha ko sobrang epic. Speechless talaga. Paano nangyari 'yon?! Akala ko kakain lang ang plano!

"Huy! Ano ba! Kami na ang EIC Darwin! Hindi ka ba masaya?!"

Naiinis na sabi ni Trixie. Shinake ko pa yung ulo ko tapos lumunok ng dalawang beses bago magsalita.

"Seryoso ba 'yan?! Baka mamaya pinagtritripan niyo lang ako! Akala ko kakain lang kayo kanina tapos ngayon may jowa ka na pagbalik mo? Siraulo la ba talaga??"

Isang batok naman ang natanggap ko. Ang sakit! Mga amazona talaga!

"Tanga! Truly ito bes! Real na real talaga!!"

Tumingin ako kay Christine tapos kay Trixie. This time naniniwala na 'ko sa sinabi nila. Nagtinginan kaming tatlo bago sabay-sabay na sumigaw. Sobrang ingay talaga ng buong room, wala kaming pakialam sa obamg kaklase namin dahil sa nakakalokang balita nila. Samahan mo pa ng hampas sa mga upuan. Ganun kami kasaya! Iba rin kasi kapag EIC!!

"Okay. Okay. Kalmahin ang mga sarili."

Huminga muna kami bago ulit ako magsalita. Nakakahiya baka nandito nasi Tristan.

Pare, mahal na kita Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon