Chapter 2

389 11 2
                                    

TRISTAN


Tahimik lang kami habang naglalakad sa hallway nang bigla siyang nagsalita.

"Ay shit!"

Mahina lang yun pero rinig ko kaya napahinto ako.

"Something wrong?"

"Wala naman bukod sa nakalimutan kong magpakilala sayo and that's stupid right?"

Naiilang niyang sabi sakin. Sabay kuha ng alcohol sa bag niya at nilagay sa mga kamay niya.

"Maybe? But I think mas stupid yung sumama ako sa hindi ko pa kilala right?"

Natawa na lang kami sa nangyari. Malamang nadala lang kami parehas sa sitwasyon namin kanina. I admit it. Nabigla ako sa kanya.

So I lend my hands sa pagitan naming dalawa. Mukhang nakuha naman niya ang sinasabi ko. Hesitant pa siya nung una pero hindi naman niya pinatagal at kinamayan ako.

"Ako nga pala si Darwin Pelaez Cruz. 19 years old and since first year nandito na 'ko."

I know medyo weird yung pagpapakilala naman sa isa't isa. Hindi naman kasi ganito yung casual na ginagawa ng mga lalaki kapag nakikipagkilala. I mean hindi ganito ka-formal. But I don't mind, ayoko naman siyang pahiyain. Maybe he's just too decent for a guy.

Tumango lang ako bilang sagot at naglakad na ulit kami.

"Naikot mo na ba 'tong buong university? I mean na-familiariaze mo na ba yung sarili mo?"

Out of nowhere niyang tanong sakin habang naglalakad kami. I look at him.

"Actually no. Hindi ako umattend last orientation. Ang boring kasi."

"Totoo naman pero sayang kasi yung opportunity."

I nodded. Magsasalita pa sana ako kaso nagsalita siya ulit.

"Ganito na lang. Kapag may free time tayo, i-totour kita. Okay lang ba yun sayo?"

Hindi ako nagsalita for a minute.Tinignan ko muna siya ng seryoso as if I was inspecting him. I really wanted to say no but whatever.

"Sure. But you know, you really don't have to do that."

Ngumiti siya sakin bilang sagot.

"I insist."

Huminto kami paglabas ng gate.

"What now?"

Hindi siya sumagot. Yun pala ay may hinahanap siya sa bag niya.

"Pasensya ka na. Hinahanap ko kasi yung payong ko. Teka, dito ko lang nilagay yun eh."

"Come on."

Nagulat naman siya ng makitang may payong akong hawak. Nahihiya siya pero sumilong naman din siya.

"Sorry. Ang malas ko lang talaga ngayong araw."

"That's okay. Just lead the way. And if you want to know about bad luck? Trust me. I'm full of it."

I accidentally rolled my remembering how my morning went. Natawa naman siya ginawa ko. Tumango naman siya sakin at nagsimula na naman kaming maglakad.

"Grabe talaga dito sa Pilipinas no? Parang may mass cremation araw-araw."

Reklamo niya habang nagpupunas ng pawis. Natawa tuloy ako kasi everytime nampupunasan niya yung pawis may lalabas na namang bago.

Pare, mahal na kita Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon