Entry 9: Just an idea of falling..

7 0 0
                                    



Months from now sigurado akong either pagsisihan ko or matatawa na gumawa ako ng entry tungkol sa kanya maybe because I am just exaggerating.

 Pero kahit na ano man ang mararamdaman ko sa mga susunod na araw,okay lang. I'll do this because I know he's been a part of my dying soul. He has become my light,my hope and my sunshine. Let's just call him CHEV. 

And that happened in just two days. Yep,two days. Lame right? But damn,because of him,I felt alive and dead at the same time.

I remembered our very first conversation, kakapasok pa lang nya sa gate,itinanong nya agad kung bisaya ako. I laughed,he's weird and cute at the same time. I proudly said yes, and he expressed some relief. Siguro hindi sya sanay magtagalog. Inobserbahan ko sya mula ulo hanggang paa (syempre palihim lang), and I tell you, he will pass the "The Prince Charming test". Bukod sa gwapo at maputi, ang gaan ng aura nya. And you will definitely feel secured whenever he's with you. Iginaya ko syang umupo muna habang inaantay namin si bosing para magbigay ng instructions kung anong agenda nya bukas at saang kwarto sya magsstay. Habang nag-uusap sila ni bossing ay kinukunan ko sya ng picture ng palihim,at ipinapadala ito sa bestfriend ko via messenger. Pinag-usapan namin sya,dahil sabi ko nga may gwapong dumating. Narinig ko sa usapan nila na sa susunod na araw na pala ang flight nya,hinihintay na lang yung iba pang makakasama nya. 


Nung umalis si boss,ako naman ang kinausap nya. Nagtanong sya kung ilang taon na ako,at kung anong posisyon ang inaapplayan ko. Madalas kasi kapag nakikipag-usap ako sa mga lalake,lalo na kung gwapo ay naiilang ako at hindi makatingin ng diretso sa kanila. Maybe because of my 6 feet under the ground self confidence, parating pumapasok sa isip ko na baka hindi na nila ako kakausapin kapag nakitaan nila ako ng ugliness. But for some reason, I felt so confident in talking to him. I even ask him some questions too na para bang getting to know each other stage kasi matagal kameng magkakasama. Naisip ko nun, hindi lang sya gwapo, mabait din sya. Pakiramdam ko wala syang pake kung haggard ako nung araw na yun,tumitingin sya ng diretso sa mata habang nag-uusap kame. Parang wala akong nakitang panghuhusga at kayabangan sa mga mata nya. He's just being friendly and super nice. And I suddenly got nervous. Hindi naman masama ang crush diba? Yung mga artista nga na sa tv lang natin nakikita at hindi natin alam ang istorya ng kanilang tunay na pagkatao,nagugustuhan natin. Sabi ko sa sarili ko,okay lang to, aalis na rin naman sya kaagad.

Hindi na lalagpas ng crush to.

He asked kung may wifi ba daw ang building,sabi ko meron pero hindi ko alam ang password. Nanghinayang sya kasi gusto sana nyang maglaro ng COC,natawa ako. Hindi kasi sya mukhang gamer. Pero may app na man daw sya na naghahack ng free internet,call and text. Ipinakita nya sa akin ang itsura ng app,and willing syang ishare ito sa akin. Oh diba,close na nga kame. Pinaupo nya ako sa tabi nya para mas madaling maipasa ang app. But instead sa side nya ako umupo,sa likod nya ako pumwesto. Keep distance muna. Pero ang problema lang,hindi nya pala naisave ang settings ng app para magamit iyon,kaya tinawagan nya muna yung friend nya at hiningi yung number ng friend nilang may settings nun, naalala ko pa "alden" ang pangalan ng kaibigan nila. 


Habang hinihintay nya ang reply ng kinausap nya,napalingon ako sa cellphone nya kasi nagsscroll sya sa mga apps,hiningi nya rin ang pangalan ko sa facebook pero sabi ko mamaya na lang. Nakita ko na ang wallpaper nya ay isang babae at batang may edad mga 6 months to 1 year. Hindi ko alam pero napailing at napangiti ako, hindi dahil sa tuwa. Kundi sa bitterness,damn,nakalimutan kong kung hindi bakla ang mga gwapo,ay committed naman. Warning bells. No. 1 rules in dating ko,never pumatol sa committed na. Automatic na nadidisolve ang feelings ko sa mga ganyan. But guess what? He's the only exception.

MissEi's Online JournalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon