First entry ko about special events/bloopers:D
--------------------------------------------------------------------------------------------------
Katulad ng ibang 4th year college students.. Maraming vacant time, after ng isang subject,oras pa ang aantayin para sa next class.. Kakainis nga eh.. Boring kasi ng mga ganitong oras.. Walang magawa bukod sa:
*tumambay sa canteen at iwaldas ang pera sa mga pagkaing nakadisplay..
*Chismis dito at doon,minsan pa nga pumupuna kame ng mga taong dumadaan,magkatinginan tapos biglang tatawa. Rude man,pero kasi hindi na maiwasan yun para sa mga katulad naming bored.. (if i know ginagawa nio di yun. hahaha!)
*Or di kaya,tumungo sa net cafè para magpalipas oras, magbukas ng mga socialnetworking sites ,at mag log in. Tapos biglang may sisigaw ng "turon!empanada! Lumpia!" ,deadma na,busog na kame eh.. Nakakainis lang kasi may mga internet cafè na may-amoy.. I mean, may mga C.R sila,tapos umaalingasaw sa baho. Ang weird lang kasi di man lang mapansin ng mga tao sa paligid,o di kaya yung mga mouse na pagkatapos mong gamitin,aamuyin mo ang kamay mo.. At amoy yeast na. Eew!
Srsly, ilang kamay na ba dumampi sa mouse na yun ,hindi man lang nilinisan!
Isang araw.. Eto din yung araw na sobrang bored kame,napag-isipan namin na tumambay na lang sa field. At magmuni-muni. Maghahanap ng gwapo,at cute.
Sabi pa ng kaibigan ko,ang mga gwapo daw ay katulad nina Lee min Ho.. Tapos yung mga cute,parang si Kim Bum..
Para namang makakakita kame ng ganung nakakasilaw na nilalang sa school na to. Oo,meron siguro baka nagtatago lang dyan kung saan. May mga dumadaan din namang mga korean inspired ang hairstyles. Pero... My gosh! Hindi ko alam kung buhay pa yung haircutter nila,parang mali ata ang pinaglagyang katawan o ulo ang buhok na yun.. wew!Napapasobra na ata ang pag-iisip ko. Ng biglang may nagsalita sa likod namin..
"hello po mga ate,pwede ko po kayong makausap kahit 30 mins lang?" isang nakablack na lalake,at mukhang studyanteng negosyante. At syempre dahil mabait kame ng kasama ko.. (ehem) "ok sige" umupo sya sa left side ng kasama ko at nagtanong"anong year na po kayo?"
"4thyear"
"4thyear? Oh My gosh!"
-.-"
"anong course po?"
"nursing.." we plainly said.
"nursing?!" teh? Paulit ulit? "oh my god. Hala.. Ba't ako napunta sa 4thyear tapos nursing pa." he laughed nervously. Aba ewan ko sayo.. haha!Nagsimula na syang mgbusiness talk sa amin ng friend ko. May mga weird statements sya. Tulad ng "may kwento po yun about sa.. Hehe. Naku,nakalimutan ko na po. By the way.. Blah blah" hindi naman masyadong awkward dito noh?
Tss. Kaya minsan napapatingin ako sa mga studyanteng nagsasayaw sa my harap ng stage,cheerdance ng college namin yun kung di ako nagkakamali. May iba studyante naman na may mga kung anu-anong ginagawa.Napunta ang pansin ko sa isang guy na nakaupo sa stage. Bakit kaya wala syang damit pantaas? Ok lang,ang puti niya eh. Tapos hot and sexy pa. Siguro dancer din sya.. Nakaupo lang sya dun na parang nagsasun bathing.. Gosh. Gusto ko syang makitang sumayaw!
"uhm ate? Ito po oh flyer.."
Kinuha namin yung binigay niya tapos umalis na sya. Sa totoo lang,wala akong naintindihan sa sinabi niya kanina. Hay naku. Paglingon ko ulet sa lalake kanina, tumayo sya. Waa! Baka sasayaw na sya! Pumwesto sya sa may likod ng mga ngsasayaw. Tapos binuhat niya yung isang girl,parang katulad nga sa cheerdance. Kyaaaa! Drool. Ang macho!
"huy. Sino tinitingnan mo dyan?" nginuso ko lang yung guy. "oww. Gwapong cute ha.. Crush mo noh!"
Napangiti naman ako dun.
"ayan, sya na yung sasayaw!" niyugyog ko sya."oo nga!"-sya
Humakbang sya paharap ng grupo tapos..O____O o____o
(insert song)
♫
Hey I just met you
And this is crazy
But here's my number
So call me maybe
It's hard to look right, at you baby,
But here's my number so call me maybe
Hey, I just met you, and this is crazy
But here's my number so call me maybe
And all the other boys, try to chase me,
But here's my number so call me maybe♫
>_____> <___<
"tara alis na tayo.. Ma late tayo eh. "
"okeyyy.. Lalalala! Bakit kaya dumadami ang mga gwapong bading ngayon?"
--Ei