Entry 5: sumisegwey ng kadramahan si Ei*

96 3 1
                                    

dedic kay casper.. na Hurt ako sa mga poems niya. hindi ka nag-iisa !!!!!!!!!! kapit bisig! HAHA

***

naisip kong gawin 'to habang :

katabi si crush,

tinatanaw si crush,

at nakapag eye to eye kay Crush

nasa lobby ng hospital after ng first time na mag-hi sya sa akin, at nasabihang mataray daw ako..

at baka makornihan lang kayo dito... bahala na :D

***


*


Yung feeling na..

Yung feeling na, pag naiisip mo sya, naiisip mo ring, iniisip ka rin ba niya?

Yung feeling na, naiisip mong ,crush ka rin kaya niya?

Yung feeling na, nag-iimagine ka na magkaholding hands kayo at nakangiti sya sayo, pero naisip mo, alam niya bang nag eexist ka?

Yung feeling na, nagpapapansin ka, pero napapansin ka nga ba?

Yung feeling na, tinitingnan mo sya ulo hanggang paa namamangha ka,pero ikaw,natatapunan ka ba niya kahit konting tingin?

Yung feeling na,gusto mo syang iadd sa facebook pero, iaaccept ka ba niya? Ngayong , in a relationship na sya?

Yung feeling na, sya ang ideal boyfriend mo, pero naisip mo bang,pwde kayang maging ideal girlfriend ka nya?

Yung feeling na,ang sagot sa lahat ng tanong ko ay HINDI.... kung sakali mang hindi mo alam ang feeling.. Pwes ako,alam ko.

ALAM KO YUNG FEELING... </3


***
Ganito na lang ba?

Bakit ganun? Ang angas mong tignan
Pero bakit ganun? Nanginginig ang tuhod ko pag andyan ka


Bakit ganun? Nabwibwisit ako sa boses mo.
Pero bakit ganun? Natatameme ako pag ako yung kinakausap mo


Bakit ganun? Hindi kita gusto.
Pero bakit ganun? Ang sarap mong titigan.


Bakit ganun? Hindi tayo magkaibigan.
Pero bakit ganun? Ang bait mo sa akin.


Bakit ganun? Hindi kita mahal.
Pero bakit ganun? Hindi kita maalis sa isip ko.


Bakit ganun? Hindi kta maabot.
Pero bakit ganun? Yumuyuko ka para lang sa akin.


Bakit ganun? Masakit sa puso. Ang sarap umiyak.
Pero bakit ganun? Hindi kasi kita gusto,hindi kita maabot,hindi tayo magkaibigan. MAHAL NA BA KITA?


Bakit ganun? GANITO na lang ba?
Pero bakit ganun? Hindi ba pwdeng maging GANUN na lang?


Bakit ganun? Hindi ka magiging akin.


Itatanong ko pa ba kung bakit? Alam kong HINDI. Basta alam ko lang.
Kasi may Mahal ka na ,yun ay hindi ako at kailanman hindi magiging ako :')

***

Tongue in a lungs.........

Nakakainis isiping , SINGLE ka. For four years?

Nakakalokang pagmasdan yung ibang barkada mong "happily inlove"

Nakakairitang isipin... Forever alone ka. Asan na kaya si prince hottie?

Nakakalungkot lang na, kung papapiliin ang mga lalake, ikaw na marahil ang nasa dulo ng listahan..

ARAY!

Nakakalokang maalala, sinabi mo nga pala sa ex mo na, "hindi ako magbbf pag college"

Nakakawindang isipin na,maaaring matupad nga yon?!!!
Nakakawalang confidence pala noh?

Umaabot sa puntong, sana si ex ay katulad na lang nung lalakeng na nasa mga tula ko.. GUSTO AKO!!!!!!

Mangyayari pa kaya yung happily ever after ko? at ngayon pa ako ng eemote na gragraduate na ako!

Nakakatuwa din naman kasing isipin na may nag-aalaga sayo at pinapasaya ka.

Pero panu na lang kung masasaktan ka lang din?

Iiyak
Hindi makakatulog
Sakit sa ulo
Gagawa nang broken poems
Makakarelate sa mga sad songs

MAGIGING BITTER!!!

</3

HINDI BALE NA LANG NGA!!!!!!!!! 

~~~~~~~

-A x

MissEi's Online JournalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon